Chapter 29

36.8K 763 205
                                    

🔞

Sugar

Sobrang tahimik ng bahay ng dumating ako ng bandang alas sinco ng umaga. Maglalakad na sana ako paakyat ng hagdan patungo sa aking kwarto ng may marinig akong mahihinang hagighik na nanggagaling sa kusina. Napaikot ako at tinahak ang daan patungo doon. Halos mapasigaw ako sa gulat ng tumambad sa akin ang mga magulang ko na naglalandian.

Juice colored! Sa kusina pa talaga nila napiling mag milagro.

Napapikit ako at dahan dahan na tumalikod at naglakad paalis para hindi maagaw ang atensyon nilang dalawa.

Ang panget pala na makita ang mga magulang mo na nasa ganoong sitwasyon kaloka. Napapailing akong naglakad patungo sa aking silid para maligo at magpalit ng damit.

Pero hindi maikubli ang tuwa sa aking puso ng mapagtantong nagkaayos na nga silang dalawa. Hindi ko lang alam kung anong paraan ang ginawa ni mommy pero isa lang masasabi ko. Sobrang galing niya para paamuhin ng ganon kabilis lang si Mami. So it means alam niya parin ang kiliti niya at ang mga bagay na magpapaamo sa kanya.

Bigla ko tuloy naalala si mam.

Iniwan ko itong mahimbing na natutulog dahil sa pag-aalalang mapapagalitan ako ni mami dahil hindi ako nakauwi kagabi. Pero mukhang hindi na yun napansin ng dalawang nanay ko dahil pareho silang busy sa isat isa. Nakalimutan yata nilang may anak silang hindi pa nakakauwi.

It takes thirty minutes bago ako natapos maligo at magbihis. Minadali ko na at baka bigla na lang magising si mam at makitang wala ako sa tabi niya. Siguradong bubugahan ako ng apoy nun pag nagkataon.

Mabilis akong bumaba ng hagdan at laking gulat ko ng makitang nasa baba si Mami nakaabang.

Deretso itong nakatingin sa akin at nakapamewang. Patuloy akong naglakad pababa at alangan na ngumiti sa kanya.

"G-good morning Mi"sabay halik ko sa pinsge niya.

"Good Morning, where have you been huh?"tanong niya sa akin.

"Eh a-ano po, galing po ako sa taas"sagot ko sa kanya.

"Malamang alangan naman galing ka dito sa baba"pang iismid niya sakin.

Alam kong niloloko lang niya ako dahil halata ko yun sa tuno ng boses niya.

"Mi naman. Nadiligan lang eh ganyan ka na sakin"bulong ko sa huling linya ko.

Taas kilay niya akong tinignan na ikinatawa ko ng mahina.

"Ano mi masara- Aw! T-teka lang a-ansakit mi!"sigaw ko sa sakit ng bigla nitong pingotin ang isang tenga ko.

"Stop it, love. Bakit mo ba sinasaktan ang anak natin ha?"pagtataray ni mommy kaya agad nitong binitawan ang tenga ko. Hinimas ko ito at lumapit kay mommy.

"Good Morning, sweety"sabagy halik niya sa pisnge ko at niyakap ako ng mahigpit na agad ko namang tinugunan.

"Good Morning My. Ayos na ba kayo ni Mami?"bulong ko sa kanya na ikinahagikhik niya.

"Yap and thanks to you"bulong niya pabalik sakin.

Nagtatakang nakatingin sa amin itong isang nanay ko kaya napatawa ako ng malakas.

"Ikaw may pakana kaya pinasok ako nitong Mommy mo? Halos gahasain niya ako-"

"Bumigay ka naman at nakakalimutan mo yatang ikaw ang nanghila sakin ng paaalis na ako. You even devour me-"

"Stop!"pigil ko sa sasabihin ni mommy.

"Tama na mga mommies ko. Huwag niyo na pong ekwento ang naging ganap sa pagitan niyo kagabi dahil ayaw ko pong marinig yun. Ayos na sakin na nagkasundo na kayo."dagdag ko pa.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon