Chapter 28

33.8K 754 314
                                    

Warning🔞!! Basta sinasabi ko sa inyo ha. Yang kamay niyo, kahit saan niyo ilagay yan ay ayos lang. Sge na, alam kong kating kati na yang mga kamay niyo -- sa pag sscroll down.
____________________________________

Strawberry

Matapos kong kaladkarin si Ms. Lacaforte sa loob ng sasakyan ay mabilis ko itong pinasibad palabas ng eskwelahan.

Halos sumabog ako sa tindi ng galit sa kapalpakan ng kaibigan ko. Dumagdag pa ang bwesit na lalaking yun. This is not what i'm expecting for. It should be me having a real good time right now with Ms. Lacaforte. But it turns out a messed. Its so frustrating na parang mas pinalala ko lang ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa.

Kita ko na pasikreto nitong pinupunasan ang kanyang mga luha na lubos kong ikinabahala.

Alam ko masama ang loob nito sa akin kaya hinayaan ko muna na kumalma ito. Siguradong hindi siya makikinig sa mga paliwanag ko dahil galit ito sa akin, at nakatatak pa rin sa isip niya ang nangyari kanina.

Nasa kalagitnaan na kami ng daan at pareho kaming walang imik at tanging ugong ng sasakyan lang ang maririnig mo sa loob ng kotse.

"I-Ibaba niyo na lang ako diyan sa tabi. Magpapasundo na lang ako"walang gana niyang sabi.

Napapahigpit ang kapit ko sa manibela pagkarinig ko sa sinabi niya. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili bago ko ito sinagot.

"Stay there and shut up, Ms. Lacaforte"may pagbabanta kong sabi sa kanya.

"Ibaba niyo na nga lang ako m-ma'am. Nakapag text na ako kay Mommy para sunduin ako"pakiusap niya pa na mas nagpatindi ng galit ko. Gagamitin niya pa talaga ang nanay niya para lang payagan ko siya na umalis.

Ano akala niya sakin tanga para sundin siya sa gusto niya. Tsk, as if naman papayagan ko siya na makatakas ulit sa akin.

Natahimik ito saglit habang kinakalikot ang kanyang cellphone. Bumaling siya ulit sakin bago magsalita.

"Diyan na lang sa tabi ma'am. Sa likod ng pulang kotse"turo niya pa sa unahan ng may mamataan kaming nakaparadang sasakyan sa tabi.

Binagalan ko saglit ang pagpapatakbo hindi para pababain siya sa kotse ko kundi para silipin ang driver ng kotseng tinutukoy niya. Kung si Tita Katya nga talaga ang susundo sa kanya edi magpapaalam na lang ako ng maayos na ako na bahalang mag-uwi sa kanyang anak.

Nang ipaparada ko na sana ang sasakyan ay nagulat ako na ibang babae ang lumabas mula sa driver seat.

Muling nabuhay ang matinding galit ko ng makitang ang babaeng kalandian niya kanina ang susundo sa kanya.

Sa babaeng haliparot pala siya sasabay at mas pipiliin niya pang sumama sa kanya kesa sa akin.

Wala pa sa isang sigundo ng patakbohin ko ng sobrang bilis ang sasakyan paalis sa lugar na yun.

The fuvk!!

Halos maiyak ako sa tindi ng galit na lumulukob sa buo kong sistema. Hindi ko matanggap na may kaagaw ako sa kanya at nakakainis lang dahil mukhang gusto na rin ito ni Ms. Lacaforte.

Ang bilis niya naman ako palitan agad, bwesit!

"Ano ba ma'am sabi ko kay mommy ako sasabay. Pakitigil nitong sasakyan at di-"

"SHUT THE FUVK UP!!"sigaw ko sa tindi ng galit ko. Rinig kong napasinghap ito sa pagkakagulat pero hindi ko siya pinansin at mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo. Wala na akong pakialam kung mabangga man kami dahil nasaid na talaga ang pasensya ko.

"Mommy?! Really Ms. Lacaforte!?"di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Hindi ko maiwasan na mapa-igting ang panga sa mga senaryong pumapasok sa aking isipan.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon