Chapter 42

27.3K 678 84
                                    

At tuluyan na nga akong napagod sa pagbibigay ng BABALA.

____________________________________

"Ba't kailangan mo pang makipagkita sa ex husband mo Berry?"kalmado ngunit may bahid ng inis sa aking boses ng tanongin ko siya.

Umupo ako sa ibabaw ng kama at mariing sinusundan ang bawat kilos niya.

"He wishes to speak with me for the last time."sagot nito habang naglalagay ng lotion sa binti.

Tanaw mula sa pwesto ko ang makinis at nakakatakam na legs niya. Idagadag mo pa ang senswal na paghagod nito doon.

She's a tease.

"At bakit sa restaurant pa kayo mag-uusap?. Ano yun, mag da-date kayo?!" Hindi niya ako madadala diyan sa pang-aakit niya ngayon dahil naiinis ako sa ideyang makikipagkita siya sa lalaking yun.

At ang nakakainis pa ay ngayon lang siya nagsabi sa akin kung kailan naman may plano rin akon ayain siyang makipag date.

Nakakainis at mukhang excited pa siya. Kanina pa ito pakanta kanta at panay ang ngiti matapos niyang sabihin sakin na nag text raw si George at yun na nga.

Napapakuyom ako habang pinagmamasdan siya. Naramdaman niya sigurong masama ang ipinupukol kong tingin sa kanya kaya napatigil ito at lumingon sa gawi ko.

"Do you want me to go or do want me to go?" Nakapameywang niyang tanong sakin.

"Ayan ka na naman sa tanong mong paulit ulit"iretable kong sagot sa kanya. Rinig kong napatawa ito ng mahina dahilan para mas lalo akong mainis.

"It means. I'm not giving you an option"parang baliwala niyang sagot sakin.

"So mas pipiliin mo pang makipagkita sa kanya kesa sumama saakin na makipag date ha?!"sigaw ko na ikinamaang niya.

Pakurap kurap pa siyang nakipagtitigan sakin at parang hindi makapaniwala.

"Y-you didn't tell me you were planning to take me out on a date." So kasalanan ko pa pala.

"Ahh so kailangan ko pang magpa appointment sayo, ganon?" Wala tuluyan na akong nainis sa kanya. Sumama siya sa unggoy na yun kung gusto niya!

"Sige, bahala ka kung mas gusto mong makipagkita sa lalaking yun. Desisyon mo yan eh"

"Diyan ka na nga!" padabog akong napatayo mula sa kama at nagmartsa paalis ng kwarto.

Hindi ko pa man nahahawakan ang seradura ng pinto ay agad na itong humarang doon kaya tinitigan ko ito ng masama.

"Nagbibiro lang ako."sambit niya bago hawakan ng magkabilaan ang pisnge ko at pilit na nakipagtitigan sa akin.

"I'm sorry, okay?. It's just that you're so cute when you're jelous" napapakagat labi nitong sambit na ikinairap ko.

"Hmp!"parang bata kong akto sa harap niya.

Maya lang ay naramdaman ko na lang ang paglingkis ng mga braso niya sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

"I love you"sambit niya bago ako siniil ng masuyong halik sa labi.

"Magbihis ka na. I'll wait for you"bago ito kumalas at nagmartsa papunta sa vanity at umupo.

"Maliligo pa ako"lumingon siya sakin at tumango bago magpahid ng foundation sa mukha.

"Baka bigla kang umalis eh" pagdadabog ko bago kumuha ng extra towel sa cabinet.

"Sugar, I said I'll wait for you. Gusto mo ba ako na ang magpaligo sayo ha?"naku wag na.

"H-hindi na kailangan at alam ko na yang iniisip mo. Antayin moko ha"sabay karipas ko papuntang cr. Rinig ko pa ang mahinang tawa nito bago ko maisarado ang pinto.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon