Chapter 2

1.9K 50 3
                                        

"Babe, I'm really, really sorry about last night. I was with Richard kase and he was drunk as fuck. He can't control himself pag nakainom that's why I had to stay with him." Daniel quickly said when I finally decided to answer his call.

Kanina pa ito tumatawag pero dedma lang ako dahil sa naiinis pa ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya kagabi.

"Hmmm, watch your word naman. Ang aga aga nagmumura ka na." I replied while sipping my coffee.

"Oppps sorry. Babe, I miss you. I really wanted to pick you up last night pero hindi ako pinakawalan nila Richard nga. I got your text that you got home safe. I know naman that you're a big girl and you can manage yourself kahit wala ako." sabi niya.

"Ay oo, nakauwi ako ng buo kagabi. Thank you sa concern ha. Pero kahit man lang sana reply sa text ko e nagawa mo. Biruin mo, natulog nako lahat lahat ay wala man lang paramdam mula sa bf ko." masungit na sagot ko.

"I wasn't able to babe kahit gustong gusto kitang kausapin kagabi. My phone is with Richard, tinago niya kaya hindi na kita natawagan." paliwanag nito.

"Puro na lang si Riri ang naririnig ko sayo. Minsan naman, prioritize your girlfriend." I replied.

Bigla siyang natameme sa sinabi ko.

Richard o Riri for short, is his teammate slash best friend. Ewan ko ba kung ano nakita ni Daniel sa kanya at naging best friend niya ito. Magkaiba ang ugali nila sa totoo lang.

Richard is known as a playboy sa buong team nila. Pano ba naman, iba iba ang kasamang chicks. Every month may jowa na bago. Parang damit kung magpalit.

Compared mo naman sa babe ko, sobrang layo huh. Never na naging disloyal si Daniel sa akin.

Sure ka?

Kung ako ang masusunod, I will stop him going out with Riri pero siempre quiet na lang ako.

I'm confident that my boyfriend is mature enough para malaman kung ano ang tama o mali. He will not tolerate Riri's antics. Nakikisama lang talaga si babe sa best friend niya.

"Babe, babe, babe. I am very sorry talaga. Please let me see you po." sabi ni Daniel while giving me his usual puppy eyes.

Natawa ako sa hitsura niya. Ganyan talaga ito pag inaamo ako. He knows my weakness kainis. Tinitigan ko siya. He is still in bed and topless. His lower torso is covered by his blanket.

Ano kaya hitsura nito sa loob? Charot.

"Babe, are you still there?" sabi niya uli.

"At bakit gusto mo akong makita ha?" I asked.

"Of course naman. Para mas lalong gumanda ang morning ko. I want to look at my super pretty girlfriend. Please." dagdag pa niya sabay taas baba ng kilay.

"Ayaw." sabi ko sabay ayos ng aking bathrobe na suot pati na ang buhok.

Hindi pa kasi ako nagsusuklay haha. Kagigising ko lang at kasalukuyang nagkakape. After ko kasi magkape ay saka pa lang ako maliligo para diretso bihis na pang opisina.

"Babe, I'm not supposed to be up yet but because of you, ito ako pinilit gumising ng maaga para lang makausap at makita ka." sabi niya.

Huh, do I hear a bit of annoyance on his voice?

I looked closely sa mukha niya. His eyes are slowly closing na, his mouth is twitching. Mukha ngang puyat ang babe ko, kawawa naman. Alam ko wala silang practice ngayon dahil Sabado pero gumising talaga siya ng maaga just to call me, shit kinilig ako.

Hindi na ako nagpakipot pa at pahirapan pa siya tutal nag sorry na siya kahit alam kong kasalanan ito ni Riri.

Nag open cam na ako at baka siya naman ang mainis sa akin. Kaso nung nag open cam ako mukhang nakatulog na siya. Biglang tumahimik. I can only see his side face dahil gumalaw ang cp niya.

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon