Chapter 15

1.7K 58 11
                                    

JEMA

What a surprise!

Kumurap pa ako just to make sure. I can't believe my eyes. Ma'am Joyce, Kyla and Jia are all here in our house with my family. Nabaliktad ang plano ko. Akala ko sila ang maso-sorpresa sa pag uwi ko, ako pala waaahhh.

Reverse card agad agad.

"Ang daya ninyo, akala ko nakalimutan nyo na ang birthday ko." sabi ko kila Nanay habang isa isa silang lumapit at agad akong niyakap.

"Bakit naman namin makakalimutan anak? Siempre hindi.  Advance pa nga ito." sagot ni Tatay.

"Hindi man lang ako na inform, but I really appreciate it." I said while looking at them.

"Surprise nga, alangan surprise na alam mo!" singit ni Mafe.

Oo nga naman Jessica.

Honestly, it was a success. I really had no idea. Ang galing naman nila. Lalo na si Ella, no hint or whatsoever. Buti na lang at dito ko siya niyaya mag road trip sa Laguna.

Magtatampo na nga sana ako sa family ko kasi wala silang paramdam sa akin about my birthday. Usually, pag malapit na ang birthday ko, nagtatanong na agad sila kung ano ang plano ko. If I will go home or if I want them to come over and be with me. This year, hindi sila nangulit e, which is weird talaga.

Sabagay, nabanggit ko kasi na sa next weekend na lang ang celebration namin. Kaya hindi na sila nagtanong uli about my birthday, yun pala may sorpresa.

Ang plano ko talaga is to have a road trip to Subic, kaming lahat kapag nakuha ko na ang sasakyan ko. Excited na nga silang lahat lalo na si Mafe.

Siempre itutuloy ko pa rin ang naunang plano.

"Best, advance happy birthday. Wag ka na umiyak kasi ang pangit mo lalo." Kyla said while hugging me.

"Kainis ka talaga Best pero thank you ng sobra. I love you." I replied.

Nakita ko si Jia na ngiting ngiti sa tabi.

"Jia, my gosh. It's nice to see you again." sabi ko as she waited for her turn to greet me.

"Hello Jemalyn, na-miss kita grabe. Happy birthday." she said.

Kababata ko si Jia at schoolmates kami nung elementary. Ahead siya sa akin ng isang taon. We still keep in touch and every time I'm in Laguna, we always try to see each other.

"Thank you, for being here." I said while hugging her.

"No worries, I can't say no to your best friend e. Sabi niya mag solian na daw ng kandila kung hindi ako pupunta. Alam mo naman siguro kung gaano kakulit si Kyla." she replied.

"Naman, brasuhan tayo sis." Kyla replied.

"Madami tayong catch up na gagawin kaya huwag kang aalis agad." sabi ko kay Jia.

Tumango naman ito.

I approached ma'am Joyce and Ella who are both silent on the side. Nakatingin lang sila at pa minsan minsan ay kumukuha ng picture or video ata. Nakakatuwa na nandito silang dalawa.

"Sorry na sa abala kung pati kayo naisama ni Kyla sa surprise party." sabi ko.

"What are you saying Jemaling? Special day mo, dapat lang na kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. And also, it's not abala, you deserves our time too. Di ba sis?" sagot ni ma'am Joyce sabay siko sa kapatid niya.

Hindi naman nakasagot agad si Ella. Tumingin lang siya sa Ate niya.

"Hey sis, hindi ka na nakapagsalita." hirit pa ni ma'am Joyce na tila tinutukso pa ang kapatid.

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon