ELLA
I saw Jema near her car when I reached the car park. Ang ganda ng kotse niya, bagay nga sa kanya pati yung kulay. She opened the door and went inside kaya hindi ko na siya nakita.
Luminga línga ako to see if my service is already waiting. Wala naman lumalapit sa akin then sakto tumunog ang cellphone ko and saw Dad's name.
"Hello, Dad?" sagot ko.
Mabilis itong nagsalita kaya nakinig na lang ako sa kanya sa kabilang linya. Ilang segundo at natapos ang tawag niya. He just informed me that his driver will be late.
Tsk, I could either go back in the office or call a grab. Tawagan ko kaya si Ate? Kaso may lakad daw siya kaya umalis ito ng maaga.
I really need my own car. Dad already ordered one for me but it will take weeks before it can be delivered. So, what to do?
I was in a dilemma when out of nowhere, Jema stopped and offered me a ride. Medyo nagpakipot pa ako nung una kaso wala pala siyang balak kumbinsihin ako ng todo kaya hinabol ko na lang siya.
Instead na mainis ako sa kahihintay sa driver ni Dad, mas maigi nga naman na sumabay na ako kay Jema.
Besides, I can't resist Jema's charms hehe.
Sumakay na ako sa kotse niya at agad kong napansin na sobrang bango at ang linis ng sasakyan niya. I want to be with her ng matagal kaya niyaya ko siyang mag dinner muna kami at bago pa siya makasagot ay tumunog na ang kumakalam niyang sikmura.
Gutom ambebe?
I laughed at her.
"Haha. You look prettier pag naka smile." she said.
Luh, saan galing yun? I can feel my cheeks turning red. Napangiti tuloy ako lalo kahit alam kong pretty talaga ako haha. Char.
Kinilig ako pero siempre hindi maiwasang mag isip. Why is Jema like that? Is she flirting with me? How about her boyfriend?
Kung nalilito ako noon, mas lalo na ngayon. Ang dami kong tanong.
Tanungin mo na kasi siya.
Nope. I will not ask nor mention anything about her relationship to that dick. After what he did to Jema, ekis na siya sa akin.
Bahala na siguro si Jema kung kusa siyang magkekwento sa akin about him.
"You okay, may nasabi ba akong masama?" tanong niya dahil di na ako umimik.
"Mas pretty ka." sagot ko while looking at her.
Now, it's her time to blush. Hahaha.
Tease pa more.
Jema is really beautiful and I can tell that she have a good heart. Hindi lang outside ang maganda sa kanya, pati inside.
Kaya ang swerte ni Daniel Ramos sa kanya. Oras na pinakawalan niya uli ito, I will make sure na hindi na siya babalikan ni Jema.
She is speechless after hearing what I said kaya dinaan na lang niya sa pagpapatugtog ang pananahimik niya.
We both listened to the music.
"Ahhh, Ella." Jema said after a long silence.
"Yes, Jema?" malambing na tanong ko.
She paused for a while. Medyo binitin pa ang sasabihin.
"Saan tayo kakain? Parang lampas na tayo sa mga restaurants." sagot niya.
Akala ko kung ano na sasabihin, yun lang pala. Kainis, nag expect ako huhu.
BINABASA MO ANG
KUMPAS
DragosteUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...
