Chapter 31

1.8K 57 10
                                        

JEMA

Buong maghapon, nandito lang ako sa condo. Naglinis, naglaba at nag ayos ng mga abubot. Panay ang tingin ko sa cellphone at baka may tawag o message, wala. 

I haven't heard from Ella since she left pero nag message na ako sa kanya na if she needs help or whatever, I'm just one call away.

Alam ko na she is busy at naiintindihan ko ito, family first before anything else. I just really hope that she finds time to message me. I want to know also kung okay na si boss DJ.

After kong magtupi ng damit, nag browse ako sa tv pero wala akong magustuhan na palabas. Since kulang ako sa tulog at Monday na naman bukas, nag decide ako mag nap dito sa sala para makabawi ng lakas.

Naubos ba kagabi?

Tinext ko muna si lablab para alam niya. Hindi pa yata ako nakakatulog masyado ng may tumatawag. Akala ko sa phone ko pero hindi pala, it was outside my house.

Si Ella!

I immediately stood up and went to the front para buksan ang pintuan. Nakangiti na ako para batiin si Ella pero hindi pala siya ang bisita ko.

It is Daniel.

"Hi babe!" pa cute na sabi nito.

Shit, I should have looked first sa pephole but it is already too late.

"What are you doing here?" mataray na tanong ko.

"Is that how you greet your babe?" he asked as he gave me a smirk.

Gumala din ang mata niya sa buong katawan ko.

Oh fuck, I completely forgot that I'm just wearing a super short shorts at naka sleeveless top lang ako without bra. Napaka maniac naman ni Daniel, harap harapan talaga.

Akala ko kasi si Ella ang kumakatok kaya nawala sa isip ko ang aking hitsura. Agad kong inilagay sa aking dibdib ang mga kamay ko para matakpan ito.

"You're so beautiful babe. I miss you!" he said.

"Stop calling me babe. Break na tayo kaya wala ng babe babe." naiinis na sagot ko.

"Liligawan uli kita Jema. I'll do everything to get you back. Kahit magpakipot ka, sige pagbibigyan kita." mayabang na sabi niya.

Ang kapal talaga ng mukha nito, grrrrr.

"Daniel, please. I have no time for this." I said.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" he asked while peeking inside my house.

"No. I'm tired, gusto ko ng magpahinga." I said.

Madilim na din sa paligid. I think mga 7pm na yata.

"Tired? Akong bahala sayo." sabi niya sabay aktong papasok na.

"Noooo, get out!" sabi ko sabay hawak sa pinto para isara ito.

Kaso mabilis si Daniel, he was able to put his foot in kaya hindi ko maisara ang pintuan. Nakaharang na din ang mahabang kamay niya. I can't move the bloody door! He pushed himself in bago siya na ang nagsara nito.

"Ano ba, lumabas ka!" medyo mataas na ang boses ko.

Ngumisi lang ito sa akin kaya naman napaatras na ako sa kanya. I feel threatened all of a sudden. Lumikot ang mata ko, trying to plan an escape from him.

Natunugan niya yata ito kaya bumuwelo siya sabay pilipit sa isang kamay ko kaya naman napunta ako sa likod ng pintuan. Sapul yung balakang ko, ang sakit.

He pushed me there sabay lapit ng mukha niya sa akin. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya hindi ako makagalaw masyado.

"Nasasaktan ako Daniel!" galit na sabi ko.

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon