Sunday.
What time is it? I checked the surroundings, shocks maliwanag na. Tinanghali na ako ng gising.
Day off ko pa rin naman kaya may karapatan akong humilata hanggang gusto ko however, I'm at Kyla's house right now. Nakakahiya naman sa kanya kung hindi pa ako babangon.
Nasaan na ba si Best? Saka ko naalala the reason why I am here. Nalungkot ako agad at napapikit uli but then I saw the images again from last night. Ang mga haplos, halik at subuan nila. Sariwang sariwa pa sa aking alaala ang mga nakita ko.
Daniel and the girl.
"Pucha!" bulong ko.
Nasira agad ang mood ko. Kahit inaantok pa at tinatamad ay bumangon na ako. Pagtayo ko, saka ko naramdaman ang sakit ng ulo.
"Ouch, napadami yata ang inom ko kagabi." bulong ko uli.
Sapo ang ulo na dumiretso ako sa banyo. I heard some noise from outside, malamang si Kyla ito na nasa kitchen. It smells like she's cooking some breakfast. Kumalam bigla ang sikmura ko dahil sa amoy ng pagkain.
Pagtingin ko sa salamin, muntik ko ng di makilala ang sarili ko dahil sa sobrang maga ng mga mata ko. Kinusot kusot ko muna ito bago naghilamos. I did my morning rituals pagkatapos ay isinuot ko na ang damit na pinahiram sa akin ni Kyla. Pinuntahan ko siya sa kusina when I became decent.
"Good afternoon Best! Tara mag breakfast na tayo." sabi niya pagkakita sa akin.
"Good afternoon din. Pasensya ka na at medyo tinanghali ako." I said.
"No worries, umupo ka lang dyan at mag almusal." she replied.
"Brunch na yata ito Best. Bakit ang dami naman ng niluto mo? Nag abala ka pa talaga." sabi ko.
"Ay sus, what are friends for? I know that you like to eat just like me. Alangan gutumin ko ang best friend ko na once in a blue moon lang mag overnight stay sa akin." she said as she poured some coffee for us.
Nagising agad ang diwa ko pagkalanghap sa kape.
I so love coffee.
Humigop ako agad nito. Medyo kumalma ang aking sikmura dahil dito. Tahimik lang si Kyla na umupo sa harap ko. She started getting food na. Mayroong fried eggs and hotdogs with matching fried rice na nakahain sa lamesa. Ang sarap pero parang wala akong gana. Napansin ni Kyla ang pananahimik ko.
"You need to eat Best. Kahapon pa walang laman ang tyan mo kundi alak." Kyla said after niyang sumubo.
Hindi pa rin ako kumibo at muling binalikan ang mga ginawa namin kagabi. Ayokong umuwi after what happened so from the mall, bumili kami ng wine, beer at sitsirya bago dumiretso na sa condo ni Kyla.
I was so heartbroken that I quickly finished one bottle of wine. Nagpapabili pa ako kay Kyla pero ayaw niya na kaya yung beer naman niya ang tinira ko.
I don't know how many cans I drank. I lost count. Bilib din ako sa best friend ko, she did not stop me, nakaalalay lang siya at nakinig sa mga hinanakit at sama ng loob ko.
I remembered, she helped me nung nasa toilet bowl nako at nagsusuka. Grabe, nakakahiya naman ako pero alam ko na hindi niya ako idya-judge.
"Please, have something to eat. Ayokong magkasakit ang best friend ko. O gusto mo subuan pa kita?" sabi niya ulit.
Kinuha niya ang tinidor ko at tumusok ng hotdog.
"Open the gate!!!! The king is coming!!!!" sabi niya habang itinataas baba ang tinidor palipad papunta sa bibig ko.

BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...