JEMAAfter my lunch "date" with Ella, nabusy na ako sa work. Then lumabas ako saglit ng office dahil may delivery na pina-receive sa akin. Medyo natagalan nga lang kasi naghanap pa ng panukli yung rider.
Pagbalik ko sa table ko, nárinig ko na naman ang pangalan ni Ella, pinag uusapan uli siya nung dalawang ka-office mate namin.
Mga marites yarn?
"Ang lakas naman ni Ella kay ma'am Mela, pinayagan agad na mag half day. Ka-bago bago pa lang niya dito sa kumpanya, aabsent na agad. Wow, favorite yarn?" girl 1 said.
"Oo nga. Dinaan sa lakas yata huh. Malamang yung work niya, sa atin ipapasa." sagot ni girl 2.
Tumingin ako sa table ni Ella, bakante ito. Malinis na din at wala na ang mga gamit niya. Anong nangyari?
"Ah excuse me, saan nagpunta si Ella?" tanong ko sa dalawang Marites.
"Narinig ko lang from Buding na babalik daw ng Manila. Bakit, may kailangan ka sa kanya?" sagot ni girl 1.
"Wala naman. May ítatanong lang sana ako." I said.
Biglang sumulpot si Buding.
"Jessica, I've been looking for you. May bilin kasi si boss Ella. Eto oh, pinabibigay niya sayo." she said.
Agad kong kinuha ang folder na iniabot niya. Akala ko kung ano na, yung list pala ng clients.
"Mukhang iba ang ini-expect mo." sabi niya.
"Hindi naman. Bakit kasi hindi siya ang gumawa nito?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.
"May emergency si boss Ella eh kaya kailangan niyang umuwi. Wag kang mag alala, babalik din siya." she replied.
Tahimik akong bumalik sa table ko. Akala ko ba mag uusap kami, eh bakit umalis?
I am so disappointed to find that Ella is gone, again.
She left without saying goodbye, again.
Nakaka frustrate, promise.
Sabagay, sino ba naman ako para pagpaalamanan niya? Hindi naman niya ako jowa para sabihan nya kung aalis siya.
I concentrated on my work na lang at pinilit na kalimutan muna si Ella hanggang mag uwian.
Mabigat ang mga paa ko na naglalakad nang mamataan ko si Tots sa tapat ng pinto ng apartment ko. She's busy looking at her phone.
Bakit nandito ito?
Parang kanina lang siya nanggugulo sa office ah. Is she stalking me now? I already talked to her earlier at talagang inalam ko sa kanya kung paano niya nalaman ang pangalan ko at kung saan ako nagtatrabaho.
It turned out na halos lahat ng nakatira dito ay kakilala at ka-close niya na. Ginamit niya ang kasikatan niya just to get the information about me. Isa sa mga kapit kuarto namin ang nagsabi sa kanya kaya biglang sumulpot sa office kanina.
Eto pa ang nakakatawa, she knows boss Mela kaya napilitan akong i-entertain siya kahit saglit. I left the flowers she gave me at the office tapos yung chocolates ay ipinamudmod ko kila Buding.
Tumikhim ako kaya nakuha ko ang atensyon niya. Bigla itong ngumiti pagkakita sa akin.
"Hi sweetheart!" bati niya.
"What are you doing here? Please, stop calling me sweetheart." seryosong sabi ko.
Ngumiti ito ng pagkatamis tamis.
"Namiss kita agad eh. Sorry na pala. Kung ayaw mo ng sweetheart, babe na lang pwede?" she asked.
"Hay ikaw talaga, puro kalokohan ang alam. Wala ka bang magawa at ako ang binubulabog mo? Where's your jowa?" sabi ko habang binubuksan ang pintuan ng apartment ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/316731507-288-k989952.jpg)
BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...