ELLASo apparently, this Tots with pink colored hair, na namigay ng donut kay Jema with a note saying sorry, is a celebrity here in Cebu.
Okay.
Bat parang hindi okay?
Ano naman kung sikat na volleyball player siya dito? Punta kaya siya ng Manila para magkaalaman kung talagang magaling siya. Baka nga hindi makapaglaro yan kahit sa paliga ng barangay.
Panira moment. Okay na sana kami ni Jema kanina biglang sumulpot naman siya na parang kabute. Kaya ako na ang nag adjust. Umalis ako at pumunta ng restroom muna.
Buding is the one giving me information even without asking. She keeps on telling me about this Tots nga. Blah blah blah.
"Boss Ella, why are you so quiet? What's wrong?" she asked.
"Gagi ka talaga. I'm not interested sa hambog na yan. Saka mukhang mas interesado ka sa kanya at feeling ko gusto mong sumali sa kanila. Why don't you go over there?" sabi ko sabay turo sa dako ng table ni Jema.
Nakita ko na masayang nagkekwentuhan ang dalawa, with matching high fives pa. Yung Tots sobrang titig ang ginagawa kay Jema. Nasa table ni Jema ang dala niyang bulaklak with a box of chocolates. Kulang na lang ng wine ất magiging park na ang opisina, tsk.
"Nope, mas idol kita. Kaya nga boss Ella na ang tawag ko sa iyo dahil you're my favorite person na. Wala yang si Tots compared sa lodi ko." biglang bawi ni Buding.
Natawa ako. Simula nung lumabas kami ni Buding ay nasanay na siyang boss Ella ang tawag sa akin.
I mentioned kasi na balak kong mag invest sa company ni boss Mela. Tuwang tuwa siya pero sinabihan ko na secret muna namin ito.
"Parang kanina lang eh hindi ka magkandaugaga sa pag estima sa kanya." sabi ko.
"Sorry na. Selosa ka pala boss." sagot niya habang nag peace sign.
"Ano sa tingin mo ang balak ng Tots na yan kay Jema?" wala sa loob na tanong ko.
Nabanggit kasi ni Buding na sobrang playgirl daw nito at madami ng pinaiyak na babae. Iba iba ang kasama niyang babae every week. Parang damit kung magpalit ng jowa. Kasi naman, mga babae na daw ang lumalapit sa kanya.
Feeling pogi hmmp.
"It's too early to say boss. But looking at her now, she appeared to be head over heels kay Jema. The way she stares at her, parang gusto niyang kainin ng buo si Jema." sabi niya habang nakatingin sa dalawa.
Kainin?
Umakyat ang dugo sa ulo ko. I crumpled the paper I was holding at ibinato ito sa kalapit na trashcan. Buding noticed it but she didnt say anthing.
"Why is she still here? Nakakaabala na siya sa mga nagtatrabaho dito. Why is boss Mela allowing her to be a tambay in the office?" I asked.
"Naku friend ni boss Mela si Tots. Kita mo nga at nagbeso beso pa sila kanina. They have the same circle of friends kasi. Lam mo na, LGBT people like us." Buding replied.
Pansin ko nga. Binuko na ni Buding sa akin noon pa na bading din sina boss Mela at Jema. Kunwari nagulat pa ako.
"Kahit na, they should still act professional pa rin." sabi ko.
"Alam nyo boss, parang ex ka ni Jema kung umarte, hahaha. Selos na selos ang peg eh!" she replied.
"Kung alam mo lang Buding." bulong ko.
"Oy nasapul ko ata ah. Bakit ba gigil na gigil ka sa dalawa?" dagdag pa niya.
"Whatever!" I said sabay talikod na para hindi ko makita ang lampungan ng dalawa.

BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...