Chapter 43

1.7K 57 25
                                    

JEMA

At ayun na nga, naudlot ang lambingan namin ni lablab.

Mabilis kong inayos ang damit ni Ella bago lumayo ng konti sa kanya. Ngingiti ngiti lang naman siya habang hinihintay kung sino ang mga tao na papasok sa kuarto niya.

Ate Joyce entered the room when the door opened, followed by a nurse and the doctor.

"Good to see you smiling Ms. De Jesus!" the doctor said.

"Amazing, parang kanina lang eh napapaiyak sa sakit yan Doc." nagtatakang sabi ni Ate Joyce.

Nag blush at napakamot ng ulo si Ella, kitang kita kasi sa mukha niya na masaya siya. Kinindatan ko siya ng palihim.

After that ay nakinig lang ako sa mga sinabi ng doctor kay Ella. All her tests results are okay, apparently no major injuries so she doesn't need to stay overnight sa hospital.

Tuwang tuwa si lablab. Inayos naman agad ni ma'am Joyce ang mga needed documents kaya nai-release siya agad. Sumama ako hanggang sa bahay nila.

"Hello Jema, kumusta ka na?" bati ni Tita Pipin pagkakita sa akin.

Agad siyang bumeso sa akin.

"Okay naman po ma'am ay Tita po pala." medyo nahihiya pang sagot ko.

Hindi pa ako sanay na tawagin siyang Tita sa harap ng family niya. Mabuti nga at wala si boss DJ dito ngayon. Nagpapahinga na daw ito sa kuarto niya.

"At nauna pang tanungin si Jema kesa sa akin?" singit ni Ella na kunwari nagtatampo pero nakangiti naman.

Jema, ikaw na ang favorite ni Tita.

"Oh there you are! You have a lot of explaining to do Ella." sabi ni Tita sa kanya.

Kunwari ay galit pero bakas sa mukha ni Tita ang pag aalala sa anak.

"Oops." sagot ni Ella.

We all sat down and decided to fill in Tita Pipin about our incidents and encounters with Daniel Ramos. We described it in details, all of it.

"Tsk, that young man is in big trouble. We have to call our lawyer asap so we can file the necessary and appropriate lawsuit against him. Let the court do him justice." sabi ni Tita.

"Mom, we will handle it. Don't worry too much." sagot ni Ella.

"Are you sure?" Tita asked.

"Yes, absolutely sure Mom. Me and Jema already talked about it. Kami na ang bahala sa lalaking iyon. Basta huwag niyo na lang banggitin kay Dad, I don't want him to distress because of me and Jema. Pati na din kayo at nila Ate at Kuya." Ella replied.

I love it when Ella always say "we" instead of "I" pag may mga discussions kami with her family. Isinasali niya lagi ako.

"Kayo ang bahala. I trust both of you. Basta mag iingat kayo palagi. Always be vigilant on your surroundings." Tita replied.

Tumango kami parehas ni Ella.

"Yan din ang sinabi ko sa kanilang dalawa, be careful all the time. Talagang  may tama sa ulo yung Daniel, sayang guapo pa naman." sabi ni Ate Joyce.

"Aanhin mo ang guapo kung siraulo naman." sagot ni Tita.

"Joke lang Mom." natatawang sabi ni Ate Joyce.

"Okay, let's have our dinner now. Alam kong gutom na kayo lalo na si Ella." Tita said.

"Thank you po pero sa bahay na lang Tita. Uuwi na din po ako para makapagpahinga na si Ella." sagot ko.

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon