Chapter 65

1.4K 51 21
                                    

JEMA

"Surprise!"

Tang ina!

Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nasaksihang eksena.

Mae Tajima is here and she is kissing Ella!

Why is she here? Hindi naman siya pinigilan o itinulak ni Ella.

Nahalikan na ni Mae ang labi ni Ella. Of all people, si Mae pa talaga?

Kinurot ang puso ko sa nakita.

Yan na pala ang walang magagalit, lintik na Ella! She is full of lies! Di yata't naisahan na naman niya ako?

Nagulat din ang iba naming kasama kaya naman sa kanila lang kami nakatingin. Buding doesn't know what to do or say. She is just waiting for Ella to say something.

"Damn, is that you Jessica Galanza?" Mae suddenly turned her attention on me.

She looked me up and down. I smirked and immediately folded my arms over my chest. If she thinks I will be intimidated by her presence, she's wrong!

"Yes, the one and only, Mae!" I confidently answered.

"Oh magkakakilala kayo?" naguguluhang tanong ni Buding.

"Yes!" sabay pa kaming sumagot ni Mae.

"My goodness, gusto ko lang naman malaman kung magkakilala kayo pero bakit niyo ako sinisigawan?" hawak ang dibdib na sabi ni Buding.

"Okay, okay, let's all calm down. Mae, why are you here?" Ella asked Mae when she found the courage to speak.

Mae lovingly looked at Ella, took her hand and kissed it in front of everyone. Yuck. Nag iwas ako ng tingin.

"Honey, I'm your girlfriend. I missed you na, so I dropped everything in Manila just to be with you. I wanted to surprise you. Please tell me you were surprised." she asked.

Girlfriend pala ha.

Mabilis na nagtama ang mata namin ni Ella pero siya ang naunang bumawi. Lumunok lunok lang ito and she appears sweaty all of a sudden.

Natawa ako. Ayan, ganyan talaga ang nangyayari pag nabubuking, pinagpapawisan.

"Honey?" Mae asked her again.

Ella didn't reply.

Spell awkward.

"Hindi mo ba nakikita na successful ang surprise mo? Ayan oh, hindi nga halos makapagsalita sa sobrang gulat ang honey mo." sabi ko.

Bumalik sa akin ang atensyon ni Mae.

"Akalain mo yun, nawala lang ako ng ilang araw, may kumakalantari na sa girlfriend ko." Mae said while looking at me.

Girlfriend nga talaga.

Tinignan ko si Ella pero hindi niya sinalubong ang mga mata ko.

"Are you describing yourself? Di ba ikaw ang sanay na sanay gumawa niyan, Mae. Idadamay mo pa ako. Malaking insulto ito." I replied.

"Aba, palaban ka na ha. What are you doing here in Cebu? Sinusundan mo ba kami ni Ella? Stalker lang ang peg, ha?" biglang sumugod sa akin si Mae.

I did not move. I held my ground pero nung dinuro niya na ako sa mukha, hindi na ako nakapagpigil pa. Hinawakan ko ang daliri niya at pinilipit.

"Dahan dahan ka sa pagbibitaw ng mga salita mo at baka ipakain ko lahat yan sayo." sabi ko.

"Aray, aray. You bitch!" sabi niya.

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon