Chapter 14

1.6K 51 22
                                    

JEMA

"Tay, Nay at Pangs, may sasabihin ako." sabi ko habang ngumunguya.

Ka video call ko sila ngayon. Late na ang dinner ko kaya need na pagsabayin ang tawag habang kumakain. Multitasking ang peg, ganern.

"Anak, dahan dahan naman sa pagsubo baka mabilaukan ka." sabi ni Nanay.

"Oo nga, para kang ewan tignan. Nakakasira ng gabi Ate." Mafe said na pasulpot sulpot sa camera.

"So, sa araw hindi Maria Fe?" tanong ko pagkatapos uminom.

Si Tatay naman tahimik lang na nakikinig sa gedli ni Nanay.

"Walang ganyanan Ate Jessica Margarett!" ganti ni Mafe sa akin.

Nasa likod na siya ni Nanay ngayon.

"Hoy Pangs, sabi nila cute pa rin ako habang kumakain." sabi ko sabay kagat ng chicken wing.

"Sino may sabi? Malabo na mata siguro." ayaw patalo ni bunso.

I stuck my tongue out.

"O siya, tapusin mo muna anak ang pagkain bago mo sabihin yang balita sa amin. Good news ba?" tanong ni Nanay.

"Nay, obvious namang good news. Alangan bad news, panay pa kain ni Ate at iniinggit tayo." singit na naman ni Mafe.

Kainis talaga itong si Pangs haha. Fave niya kasi ang chicken wings. Alam ko na kanina pa siya naglalaway dito.

Tinapos ko na ang pagkain bago humarap sa kanila.

"Okay eto na po. Binigyan ako ni boss DJ ng bonus!" sabi ko.

"Ay ang galing naman anak. May balato ba kami ni Nanay mo dyan? Làm mo na, kahit pang date lang sana. Tagal ko na siyang hindi naiso-SOGO." Tatay said.

Hindi ako nakapag salita agad sa narinig. Mygad itong parents namin.

"Ewww, tmi naman kayo Tay." sabi ni Mafe na nag roll eye.

Lumaki ang mata at butas ng ilong ni Nanay pagkarinig dito sabay batok kay Tatay.

Hahahaha.

"Ikaw na damuho ka, kung ano ano ang sinasabi. Nakakahiya sa mga anak mo oh." inis na sabi ni Nanay.

"Aray, aray naman mahal. Ang lakas pa rin talaga ng palo mo! Nagbibiro lang naman ako." sagot ni Tatay.

Tawang tawa ako sa kanilang dalawa. Ang mga banat ni Tatay parang ewan.

Bigla kong naaalala si Ella. Ganyan din lagi ang sinasabi niya sa akin pag nahahampas ko. Sobrang lakas daw.

Kawawa naman si Ella, pero wala eh. Lagi niya akong inaasar kaya lagi ko din siyang hahampasin.

Hmmmn, kumusta na kaya siya? Kumakain din ba siya ngayon o tapos na?

Napakalumbaba tuloy ako ng wala sa oras.

"Hello, ate?!!!! Aba, nag night dream na ata siya." Mafe said.

"Ha? Ay sorry sorry." sabi ko.

"Ang galing mo talaga Ate, kaya lodi kita e. Keep it up." Mafe said.

"Malapit na din akong magka kotse. Bukod sa may bonus akong matatanggap, binigyan din ako ng company service. Bongga di ba." mayabang na sabi ko.

"Kotse? Ay good news nga yan anak. Ang galing galing mo naman kasi. Mana ka sa akin." Nanay said while clapping pa.

"Congratulations 'nak. Masyado mo namang ginalingan ata." sabi ni Tatay.

"Tay, dati na akong magaling." sagot ko.

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon