JEMA
"Let's go na Best para naman makapagpahinga ka na. Hindi ka robot, you need a rest too. Baka ikaw naman ang magkasakit, ayaw ni Ella niyan. Magagalit sigurado yun kung malalaman niyang napapabayaan mo na ang sarili mo." Kyla said as she stood beside me.
Me and Kyla are here at the hospital. Siguro 5 hours na kaming nandito. Kanina pa niya ako kinukulit pero dedma ako sa kanya. Muli kong tinignan si Ella while holding her hand.
"Jessica, hey come on. Kung gusto mo libre kita ng paborito mong ice cream." sabi niya para siguro pumayag na ako.
"Best, ayoko pa. Gusto ko pagmulat ng mga mata ni lablab, ako ang una niyang makita." sagot ko habang hinahawi ang buhok ni Ella at inipit ito sa tenga niya.
Yes, Ella is still unconscious. It's been what, 2-3 weeks or a month now since the unfortunate event. Hindi ako sure as I lost count of the days.
Awang awa na ako sa hitsura ni Ella. She looks pale and she lost a lot of weight already. Her hair is longer now.
Araw araw akong dumadalaw sa kanya, walang palya. Umaasa na magigising din siya.
"Aba, sa tingin mo matutuwa si Ella pag nakita ka niya? Look at yourself Best, napabayaan mo na ang sarili mo. Hindi ka na ata natutulog ất kumakain." sabi ni Best.
Paano ako makakatulog at makakakain eh nandito pa rin si lablab sa hospital? Walang malay at nakahiga lang. Puro aparatus ang nakakabit sa katawan niya.
"Look, kung gusto mo ng umuwi, mauna ka na." inis na sagot ko.
"You know naman na I will not do that. Jema, best friend kita, hindi kita iiwanan dito." she replied.
Bakit nga ba kami humantong ni Ella sa ganito?
At muling bumalik sa aking alaala ang mga nangyari.
Ella was struck on the chest and the bullet split in two that resulted to a collapsed lung, fractured ribs and a lacerated liver. Ganun ka-deadly ang balang tumama sa kanya.
She has been put in a medically induced coma.
The doctor waited until she was stable enough to have the bullet removed from her lung. Yung tama niya sa leeg ay minor lang naman ang damage.
So, kailan kaya siya magigising?
The length of a medically induced coma varies from person to person, depending on the severity of their conditions. The doctor have told us that Ella is expected to survive, but the road to recovery will be a long one.
"Some patients can make a full recovery very quickly, others can take weeks to months or even years."
Eto ang sabi ng doctor ni Ella sa amin ất ito ang pinanghahawakan ko sa ngayon. It means that anytime, Ella can regain consciousness.
"I want to be here when she opens her eyes. Gusto ko ako ang una niyang makikita." malungkot na sabi ko.
Lumapit na sa akin si Kyla at inakbayan ako.
"Best, alam ko na yan ang gusto mong mangyari pero it is late now and we have to go. Tara na po." matiyagang sagot niya.
Hindi pa rin ako gumagalaw sa upuan nang may pumasok sa kuarto. I looked at the time, it's almost 6 in the evening. Kaya pala nandito na ang nurse na kinuha nila Tita Pipin para magbantay sa kanya pag gabi. Hindi kasi nila kayang magbantay sa kanya ng 24 hours.
Ngumiti ang nurse sa amin. Napansin niya na hindi pa kami naka ready na umalis.
"Good evening. Sa labas na lang po muna ako ma'am Jema." sabi nito.
BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...