JEMA
Omg. The new girl in Operations department named Mae ang kasama ni Daniel. Siya ang plus one niya dito sa party. She's just new pero kung umasta akala mo one of the pioneers na sa kumpanya, hmpp. Sabagay, nagsabi naman kasi ang HR na allowed kaming mga employees na magdala ng isa pa.
Naisip ko nga na kung kami pa sana ni Daniel, siya ang isasama ko. I would have been very proud to show him around, that we are "very special" friends. Since ayaw nga niyang ipagsabi na may relasyon kami.
Si Kyla ang inimbita ko kaso hindi daw siya available. Sayang, parang nakikita ko na ang reaction niya kung nandito siya ngayon.
Halatang proud na proud itong Mae kay Daniel kasi ipinakilala pa niya ito kila ma'am Joyce and Ella when we encountered them on the way to the dance floor.
I was amazed because she completely ignored me. Ella noticed it too. She did not even look nor acknowledge me, like I don't exist. Ang angas ng new staff ha.
Don't she know me? Charot.
Ito namang Daniel, tahimik lang na nakatingin. I think he was surprised to see me. Hindi ba niya alam na party ito ng mga De Jesus? Natural lang na nandito ako.
Isampal ko kaya sa babaeng ito na ako lang naman ang ex ni Daniel huh. Pero wag na at baka ideny ako e di sobrang kahihiyan pa sa madlang pipol na nandito. I kept my mouth shut and let Ella do the talking.
Binara niya lang naman ito, hahaha.
I did a brief look at her though, discreetly of course. Naka short dress sya. Honestly, maganda naman siya. She is tall, slim and sexy. Maputi din siya like Daniel tapos singkit. Parang may lahi siya, Japanese o Chinese perhaps?
Lahi ng aso kamo, lol.
Hay, mukhang walang panama ang beauty natin sa kanya. I felt sad and disappointed. I thought I will have fun tonight pa naman. My mood did a hundred and eighty degree turn.
Oh well, I need a drink. Iinom na lang tayo. This is a party so magwa-walwal ako!
Dahil andito si Daniel?
Walang kinalaman si Daniel sa pag inom ko.
Ella seemed unfazed when she learned that Daniel was my ex. Mas naging attentive and supportive lang siya at hindi niya talaga ako iniwan. Kanina pa siya naka alalay sa akin so I went with the flow.
Kahit ang sakit sa mata na makita ang ex ko na may kasamang iba.
So eto na nga, inilayo na ako ni Ella sa kanila pero parang nananadya pa sila. Of all the places in the dance floor, they chose to be near us. As much as possible, I tried to act calm and composed.
The last straw though came when Daniel and the girl kissed in front of us. The nerve of these two! Napatigil ako sa pagsasayaw. Biruin mo 'yun, ang daming tao ngayon dito tapos may PDA na nagaganap.
I remember what Daniel told me before.
Lowkey tayo, sabi niya.
Ayaw kong malaman ng mga fans, sabi niya.
I want to protect you, sabi niya.
Baka ma bash ka, sabi niya.
And now, he's doing it.
Hayop ka Daniel!!!!!
Fuck him!
Ganun kabilis mag move on si Daniel. Wala pang isang buwan, may iba na siya. Kaya pala malakas ang loob na kumasa sa hamon kong break up.
Pero may mga text messages pa siya sa'yo.
Exactly. May mga "let's talk" pang nalalaman. Ano 'yun? Pampalubag loob?
![](https://img.wattpad.com/cover/316731507-288-k989952.jpg)
BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...