JEMA
Umalis din agad si Ella sa bahay dahil babalik na daw siya ng hospital. As usual, nagmamadali ito kanina dahil may mga messages na sa kanya sila ma'am Joyce.
"Mag iingat ka lablab." I said pagkahatid sa kanya sa pinto.
"You too. I'll try to drop by at the office later. Meanwhile, ikaw na muna ang bahala doon. Just forward to my email all the things that are important. Cancel all the meetings of Dad this week until further notice." she replied.
Huh, boss na boss ang dating ni lablab ah. Napangiti ako while looking at her.
"What?" tanong niya nung nakahalata sa akin.
"Wala naman. I just thought that you're hotter than your Dad when giving instructions." sagot ko.
Ngumiti naman ito na parang kinilig.
"Love, ikaw talaga. Kung wala lang sa hospital si Dad, yari ka sakin ngayon." she said.
"Hahaha. Magbe behave na po." I replied.
"Got to go. Bye, Love." sabi niya after kissing me quick sa lips.
"I love you." pahabol ko but she didn't hear it yata dahil hindi na siya lumingon.
I was left hanging again.
"I love you too Jessica!" sabi ko na lang when I was inside.
Nag ready na ako para pumasok. On the way out, naalala ko yung nangyari sa amin ni Daniel. Biglang bumalik ang galit ko sa kanya.
Dapat sinabi mo ito kay Ella.
I should have but I intentionally didn't mention it to her. She has too much on her plate already, I don't want to add some more.
Marami na siyang iniisip. Malaki ang problema nila, pati ba naman ang problema ko ay idadagdag ko pa. Hindi na siguro. I can handle it myself kaya nagpasya akong mag report sa guard.
When I reached the guard house, sumilip ako sa loob at tinignan kung sino ang naka duty. Mga mukhang bago. Wala yung kakilala at ka-vibes ko na guard.
"Good morning ma'am!" bati nung isa na nagkakape.
"Good morning po. Naka duty po ba si Mr. Rodriquez?" tanong ko.
"Mamaya pa po siya ma'am, 2-10pm ang schedule niya. Bakit po, may kailangan kayo sa kanya?" sagot nito na tumayo para lumapit sa akin.
Nailang ako dito dahil sobrang lapit niya and I don't like the way he look at my legs, parang ewan.
Naalala ko na naman si Daniel. Shit, feeling ko tuloy lahat ng lalaki ay katulad niya.
I gave him the benefit of the doubt. Baka ganyan lang talaga kung tumingin ang mga guardiya. Medyo lumayo ako sa kanya.
"Yeah, may ire-report sana ako." I said.
"Hmmm, okay lang po ba kayo ma'am?" he asked while touching my arm.
Napaatras ako ng wala sa oras. His touch reminds me of Daniel. Yung mga tingin niya sa katawan ko, ganun na ganun kay Daniel.
I looked at myself, naka pang office attire ako ngayon, black skirt and white blouse. I look decent naman. Bakit kung makatingin siya eh parang hinuhubaran na ako?
Hindi sa damit mo ang problema Jema kundi sa tao na mismo.
"I'm o-okay. Never mind na lang." sagot ko sabay layo na sa kanya.
Ngumisi ito sa akin.
"Sa akin niyo na po sabihin ma'am at ibibilin ko na lang. Pwede ko din ilagay sa record book kung may request kayo sa kanya." pangungulit nito.

BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...