Chapter 69

2.1K 71 52
                                    


JEMA

Kasalukuyan akong nagsusuklay at nagre ready na matulog ng may kumatok sa pinto. Si Tots na naman siguro pero kagagaling niya lang dito ah.

After niya kasi akong sinundo sa opisina kanina ay niyaya niya akong mag dinner. Wala naman akong gagawin at ayokong magluto pa kaya hindi ko na siya nahindian.

Then tumambay na siya dito sa unit ko. Nakakatuwa nga kasi ayaw niya pang umuwi kanina pero may tumawag sa kanya kaya ayun napilitan siyang umalis.

Tok, tok, tok.

"Wait lang." sigaw ko.

Nagmamadali yata ang mokong.

"Ikaw talaga Tots, you're such a ..........." mukha ni Ella ang bumungad sa akin.

"Such a?" dugtong niya sa sasabihin ko.

"What are you doing here?" biglang nag iba ang tono ko sabay halukipkip ng braso.

"Good evening. I just want to return the clothes I borrowed the other day." sabi niya.

May bitbit siyang plastic bag at iniabot niya ito sa akin. Yung shorts at T-shirt ko ang laman nito. Nalabhan na niya.

"Gabi na nag abala ka pa, dinala mo na lang sana sa office bukas." sabi ko.

"Yeah but I want to see you too." sagot nito sabay pasok sa unit ko.

Aba, hindi ko pa siya pinapapasok ah. Nalanghap ko ang pabango niya paglampas niya sa akin.

"To see me? Eh kanina lang tayo nagkita ah." sabi ko at sinundan na siya sa loob.

Nakita ko siyang nakaupo na sa couch ko. Feeling at home yarn?

"Iba yung kanina, hindi kita makausap ng matino. Tapos may asungot pa na ayaw mawala, parang anino mo na siya." she replied.

Tots? Nagseselos ba siya kay Tots?

Ewan ko sayo Jema.

"Hoy, hindi asungot si Tots ha. Wag mo ngang tinatawag ng kung ano ano yung tao. May pangalan siya, it's Tots." sabi ko.

"Yes babe. Yes sweetheart." ginaya niya ang boses ni Tots.

Hahahaha. Ang cute cute ni Ella habang nagsasalita. Hay, matatawa na sana ako kung hindi lang ako inis sa kanya.

Umupo na ako sa harap niya, mukhang wala pa siyang balak umalis eh.

"So, aside from these clothes, bakit ka pa talaga nandito?" seryosong tanong ko.

"Well, I just want to inform you that I have talked to Mae again. We are formally and officially over aka break na talaga." masayang sagot niya.

My ghad. Bakit ang babaeng yun pa rin ang gusto niyang pag usapan namin.

"Wala akong pake!" I said.

"What, but why? Are you not happy? You don't like the girl, heck, you even hate her! Di ba dapat matuwa ka kasi wala na siya sa buhay ko." she said.

"At bakit ako matutuwa sa break up ninyo? You can always go back to each other kaya I don't care. Kahit pa ikasal kayo eh wala naman akong pake. At saka please lang ha, kung nandito ka sa bahay ko, huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan niya." sabi ko.

Halatang nalungkot siya sa sagot ko. Bumuka ang bibig niya pero nagbago yata ang isip kasi hindi siya nagsalita.

Ang harsh mo pa kasi sa kanya.

Oo, galit pa rin ako kay Ella.

Ang ikinaiinis ko, kahit galit ako sa kanya, hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa akin. Two years ko siyang hindi nakasama at nakita pero bakit ganito pa rin?

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon