Chapter 1

3.1K 62 12
                                    


"Babe, where are you?" I asked.

Pinigil ko ang aking sarili na mag eye roll when he finally answered his phone after many attempts.

"Hey baby, hi!" sagot niya.

Baby?

"Hello, babe, this is me, Jema, your babe!! Nasaan ka na ba?" may diin na sabi ko.

Maingay sa lugar kung saan siya kaya hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya kung meron man siyang sinasabi.

"Ahhh, Jema, babe!" parang hinihingal na rinig ko sa kabilang linya.

"Oo nga, ako nga ito. Paulit ulit. Di ba may caller id naman, bakit hindi mo alam na ako ito. Tsk." inis na sabi ko.

"I'm sorry babe, it's too noisy here. Wait, I got to go. I'll call you back." he said.

Hindi pa ako nakasagot ay narinig ko na ang pag toot ng phone ko. I looked at it and wala na nga siya. Tinapos na agad nya ang usapan namin.

Ako, si Jema Galanza, binagsakan lang ng telepono?

"Arghhh, kainis ka talaga Daniel!!! Hindi mo pa ako sinasagot kung nasaan ka. Nakalimutan mo na ba na you're supposed to pick me up from work. Pano ako uuwi nito? Lagi na lang bang ganito ha?  Naku, sa totoo lang, kung di lang kita mahal!" inis na sigaw ko sa phone.

Anong gagawin mo?

"Wala. Wala naman akong magagawa, di ba?" tanong ko sa phone.

Matagal kaming nagtitigan ng phone, actually sa picture namin ni Daniel na nasa wallpaper ko ako nakatitig. Biglang nawala yung init ng ulo ko pagkakita sa mukha ng babe ko. Kinilig ako tuloy ng wala sa oras. Pano naman, ang guapo guapo talaga ng babe ko. Sino ang hindi kikiligin shet.

Ang kapal ng mga kilay niya. Matangos ang ilong. Mapupungay ang mga mata na parang nangungusap tuwing nakatitig sa akin. Mamula mula ang mga labi na tila ba laging gustong magpahalik. Mestiso. Matangkad. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki, nasa kanya na. Kung putahe siya, kumpleto rekado talaga.

Kumbaga, he is perfect. Talagang ideal man.

We are both smiling sa photo. Naka akbay siya sa akin at nakahilig ako sa kanya. He was wearing his jersey on. Bukod sà sobrang guapo nito ay magaling na professional basketball player ang babe ko kaya sikat na sikat ito.

Daming chicks at bading na nagkakandarapa sa kanya but of all the people ha, ako ang pinili niya. Mas magaganda, mas sexy at mga rich ang mga babaeng humahabol sa kanya but he chose me over them.

Awwww, he really loves me talaga. Napakagat labi ako ng wala sa oras.

Wow, haba ng hair.

Kaya hinding hindi ako magpapagupit.

"I miss you babe. Dami akong ikekwento sayo about my work. Pero nasaan ka ba ha?" tanong ko uli sa phone.

Katahimikan ang sumunod na sandali. Natawa ako. As if may sasagot sa akin.

Bumalik na naman ang init ng ulo ko. I was tempted to throw my phone but I realized na sayang naman ito. Hello, iPhone 14 ito noh. Latest model.

Tawagan ko kaya uli?

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Kung kanina ay call lang, I video called him this time but of course he didn't accept the video nor the call.

Grrrr. As far as I know, he does not have a practice now. Kaninang umaga ang practice nila. May biglaang lakad ba siya? Kung meron man e bakit wala siyang sinabi na hindi niya ako masusundo.

Bakit ayaw niyang sumagot? Ano na lang ba yung sabihin niya na he can't pick me up, na may lakad siyang mas importante pa sa akin. I will understand naman, hindi ako magagalit basta magsabi lang. As a girlfriend of an athlete, alam ko kung gaano sila ka busy kaya hindi ako nagde demand masyado sa kanya. I just want to know. May karapatan naman siguro ako as his girlfriend.

I tried calling him for the last time.

"Come on pick up babe." medyo nagsusumamo na ako this time.

I looked around kasi and medyo ako na lang ata ang empleyado na nandito sa may waiting area. Halos lahat na ng mga kaopisina ko ay nadaanan na ako dito na naghihintay. Some offered me ride but I declined. Sabi ko may sundo ako.

Unfortunately, that sundo looks like magiging suntok. Oo, makakatikim talaga ang Daniel na yun pag hindi nagpakita sa akin.

I released a sigh. Mukhang magta taxi ako pauwi ah. Napatingin na lang ako sa taas ng malaking building kung saan ako nagtatrabaho. I've been working here for two weeks now. Secretary ako ng Presidente ng kumpanya.

Pinalitan ko ang secretary niya na ikinasal lately. Nabuntis agad ito, ang kaso maselan daw ang lagay. Maraming bawal ang pedia niya kaya napilitan syang mag resign na lang. Family first ika nga.

Tinuruan naman niya muna ako ng ilang araw about my responsibilities here and the ins and outs of the position. Mabait at matiyaga naman siya kaya mabilis ko itong nakabisado. Besides, my expertise is office works. Hindi ako nahirapan masyado sa transition namin.

Nalaman ko ang vacant position na ito because of my best friend, si Kyla. May Tito siya na nagwo work dito at nabanggit niya na may bakante nga.

Kyla knows that I really want to leave my previous job as I feel like I'm not improving anymore. Nasabi ko sa kanya na I'm open for new challenges, career wise.

"Are you sure sa career mo lang talaga gusto mag improve?" tanong pa ni Kyla sa akin.

May gustong ipahiwatig ang bff ko haha pero dedma ako sa tanong niya.

Now I got my dream job which is a good paying job compared to my last one. So far so good naman kaya sana tumagal ako dito.

Fingers crossed.

By the way, dumaan ako sa tamang proseso when I applied here. Out of 12 strong and qualified candidates, I was the lucky one to be hired.

Mismong Presidente ng kumpanya ang nag final interview sa akin. Ang galing ko di ba hehe. Mukha naman siyang mabait kaya tingin ko magkakasundo kami. Sabi nga niya, as long as I do my job properly, walang magiging problema.

Anyway, masyadong late na kaya nag text na lang ako kay Daniel na I'll just take a cab. Medyo masama man ang loob ay nakangiti akong naglakad na sa sakayan. I'm sure may explanation siya sa akin bukas kung bakit hindi niya ako nasundo.

======================================================================

Hi guys, what's up?

As most of my followers requested a Jella story, here it is.

Hope you enjoy the first chapter. 😉

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon