Chapter 67

1.6K 59 36
                                    


JEMA

I opened my eyes and looked around because I heard  some noises pero wala akong nakitang tao. Mukhang sa kusina galing ang ingay. 

Nakahiga ất nandito pa rin ako sa sofa. May kumot na nakatakip sa katawan ko. Babangon na sana ako kaso ang sakit ng ulo ko kaya napahiga uli ako.

Napatingin ako sa table kung saan kami nag inuman ni Tots kagabi pero malinis na ito. Ahhh baka si Tots ang nasa kitchen. Pinilit kong bumangon pero hindi talaga kaya.

"Shit, alak pa more." bulông ko.

"Good morning!" biglang may ulong sumulpot from the kitchen.

"Ella?" nagulat pa ako dahil hindi si Tots ang kasama ko.

Nagtama ang mga mata namin at hindi ko magawang iiwas ang aking tingin.

Why is she here?

Binalikan ko ang mga pangyayari kagabi. Naalala ko nga na parang tumatawag siya sa akin pero akala ko nananaginip lang ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"You don't remember? You were clearly too drunk tsk. How do you feel?" sabi niya sabay lapit at umupo sa tabi ko.

Nalanghap ko ang pabango niya na parang familiar sa akin ang amoy. Pinagmasdan ko siya, bagong ligo ito. Teka, bakit T-shirt at shorts ko ata ang suot niya?

"You okay? By the way, I made breakfast for you, pampaalis ng hangover." sabi pa niya habang nakatitig sa akin.

Hinawi niya ang buhok na tumabing sa aking pisngi ất inipit sa tenga ko.

Bigla akong na conscious sa hitsura ko, potek. Siguro may muta pa ako tapos mukha akong lasing wahhh. However, the scenes with Mae last night came back. Uminit bigla ang ulo.

"Sabi ko, anong ginagawa mo dito? Baka hinahanap ka na ng jowa mo. Mamaya biglang may sumigaw na naman dito ng Surprise?!" parang bata na ginaya ko ang boses ni Mae.

Nagbago ang hitsura ng mukha niya pero saglit lang. Ngumiti siya sa akin.

"Jema, I am here to take care of you. About Mae, I broke up with her so I'm now officially single. Walang magagalit kung nandito ako sa tabi mo." she said.

They've broken up?

I don't know what to feel with her revelation.

"Pake ko kung break na kayo! And you think na dahil break na kayo ay okay na mag gatecrash sa bahay ko?" tanong ko sabay upo na dahil nako conscious ako sa posisyon namin.

Nasapo ko ang aking ulo dahil masakit pa rin ito.

"Huwag muna kasi magkikilos agad. Wait ka lang dyan." Ella said with a concerned look.

She left me and went back to the kitchen. Pagbalik niya, may dala na siyang tray na may lamang umuusok na sopas at tubig. Naglaway ako bigla.

"Inumin mo muna itong aspirin para mawala agad ang hangover mo." she said sabay bigay ng tableta.

Wala akong nagawa kundi abutin ito. Mabilis ko itong nilunok at sinaid ang malamig na tubig. Na relieve ako kahit papano.

"Thanks. Still, what are you doing here? Sino nagpapasok sayo dito at bakit suot mo yang damit ko?" tanong ko.

In fairness, bagay sa kanya ang damit ko.

"Ang daming tanong ah. Kumain ka muna bago ko sagutin lahat ng tanong mo." sabi niya.

"Ayoko nga. I'm already okay." I replied.

"Huwag matigas ang ulo. Here, have some." sabi niya sabay kuha ng sabaw sa mangkok.

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon