"Best, okay ka lang ba?" Kyla asked as I try to process what is happening.
"No!" may diin na sagot ko.
Ang boyfriend ko na akala ko ay nasa bahay lang niya at nagpapahinga ay nandito sa lugar kung nasaan ako. Natural na hindi ako okay!
Daniel Ramos. Why are you here?
May ka holding hands lang naman siya pero hindi ako ito kundi ibang babae. Ang kapal ng mukha!!!
Tinapunan ko uli ang dalawa ng nagbabagang mga tingin. Kung apoy ang lumalabas sa mga mata ko e kanina pa siguro sila naabo.
"Oh shet, may giyera yata." paanas na sabi ni Kyla.
I didn't give Kyla much attention as I looked again closely at Daniel's face. Kumurap kurap muna ako then tumingin uli just to make sure that I'm not imagining what I've witnessed.
Si Daniel nga ito, walang duda. Kahit naka mask, makikilala pa rin siya plus I know for a fact that the cap he is wearing now is the one I gave him. Nagsalubong na ang mga kilay ko. Kyla kept quiet as she saw my expression. Pinulot na lang niya ang mga damit na nahulog.
I noticed that Daniel and the girl's hands are not tangled anymore. Mabilis ang mga pangyayari at ako lang yata ang nakapansin nito.
Madaming tao na ang nakapaligid kay Daniel ngayon. The girl with him is now on the side pretending to check some items. May nagse-selfie na kay Daniel, may kumakausap at nakikipagkamay.
I don't know how to react, kung maiiyak o matatawa. Ang gago ng boyfriend ko.
He is a well known personality. Sa palagay ba niya hindi siya makikilala o mapapansin when he is outside? Of course makikilala siya kahit saan siya magpunta.
Based sa kilos nito, he is not comfortable with the people around him. Buti nga, wala siyang kawala.
He can't be a snob sa mga fans niya dahil lahat ng tao ngayon ay may cp na. He can't take them for granted. They can take photos and videos of anyone, anywhere, anytime. Any wrong move ay pwedeng maging viral ito.
At sigurado akong nasa tiktok na sila nung babaeng kasama niya mamaya.
Kitang kita ng dalawa kong mata ang mga nangyari. Shuta, ang sakit. Naulit na naman yung noon. Kaya nag inhale, exhale muna ako.
I can confront him now if I wanted to but then, what's the point? It's very real, malinaw pa sa Thames River that Daniel is cheating on me.
Holding hands lang, cheating na?
Hintayin pa ba mag lips to lips sila bago ako mag overthink?
Kung lalapitan ko sila, Daniel can clarify to me who's the girl with him. Tama, baka naman pinsan o kaibigan lang niya ito. Kaso iba ang tingin ko sa mga kilos nila kanina. Yung tingin at hawak niya dito, it's the same when he's with me o mas sweet pa ata.
Damn. Handa ba akong gumawa ng eskandalo dito? What if mali ako? Paano kung i-deny niya lang ang lahat?
Mamaya e ako pa ang mapapahiya at masama sa huli.
You knows guys, my relationship with Daniel is somewhat secret. Yung tipong hindi alam ng mga fans niya na may jowa na siya.
Only his closest friends and my friend which consist of Myla alone knows about us. Isama mo na ang parents ko although hindi naman nila masyado pang kilala si Daniel as they live in the province. Basta they are aware lang about my special friendship with Daniel.
Mag four months pa lang ang aming relationship. We started as friends hanggang sa na-develop kami sa isa't isa. I just came from a long term / not so good relationship when I met him.
![](https://img.wattpad.com/cover/316731507-288-k989952.jpg)
BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...