Chapter 64

1.2K 56 38
                                    


ELLA

Maaga kami sa office ni Dad kaya nasolo namin ang conference room. We have all the files we needed in front of us, hindi na kami nag aksaya ng panahon. We checked all the financial records from the last 3 years.

Yung mga papers na iprinisinta nila sa akin before na nagpapakita na si Jema ang nagnakaw ay nasa harap ko ngayon. I slowly read and checked everything. May mga pirma nga ni Jema.

Agad kong kinuha ang papel na may pirma din niya, from Cebu pa ito, at pinagkumpara. Sa unang tingin ay parehas ito but to those who have eagle eyes, it's a different story.

"Dad, look at this!" excited na sabi ko.

Lumapit ako sa kanya at inilatag sa table ang mga documents. Hindi naman niya maintindihan nung una ang gusto kong iparating but then he was shocked when I used my cellphone flashlight to show him the differences in the signatures.

"I knew it! They falsified Jema's signature." galit na sabi nito.

Bakit parang parehas kami ng sinabi ni Dad? After all these years, alam din niya na may mali sa accusations kay Jema but he preferred to ignore it.

Damn, marami kaming dapat ihingi ng sorry kay Love ah.

Love ka dyan.

Hinalungkat namin yung latest transactions na questionable ngayon. Since idinadawit nila ang name ni Dad, we checked the documents na may pirma kuno niya.

"These are not my fucking signatures!" pati si Dad napapamura na.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Si ate Joyce tumatawag.

"Biglang dumatìng si Mr. Tan. He is on the way up now!" sabi niya pagkasagot ko.

Shit!

"Dad, akala ko ba wala si Mr. Tan today, why is he here?" I asked habang inaayos ko ang mga papers na nagkalat sa lamesa.

"Of course, someone must have told him to come here. As far as I know, he is out of town. Don't panic. Let him come and see us, we are not doing anything illegal." Dad calmly replied.

I was shocked at his response but then realized that maybe he wants to end and solve the problem now. No more waiting.

Wala pang limang minuto ay kasama na namin si Mr. Tan sa conference room. I never had a chance to really know the man during my work as the acting President of DJCC but I can sense that he is a man that can't be fooled around.

We found out na wala din siyang kaalam alam sa mga nangyayari. What a surprise! So that narrowed the suspects to two persons only, Mr. Smith and Mr. Tajima. Dad explained in details to Mr. Tan what we have uncovered including the faked documents.

"Mr. Smith and Mr. Tajima keep me in the dark. Not very good." sabi ng Hapon.

"We have to do something Mr. Tan." sagot ni Dad.

"Okay, okay. We solve the case." he replied.

Isa sa mga naunang investors ng DJCC si Mr. Tan kaya naman nagkakaintindihan sila ni Dad. They trust each other. I left them after a while para umikot sa dating opisina ko. On the way there, I saw the uncle of Kyla, Jema's best friend.

Huh, dito pa pala siya nagtatrabaho. I'm sure may alam siya sa mga nangyayari dito dahil under siya ng Operations department na hawak ko noon.

When I was in coma, pinalabas nila nung una na dahil sa akin kaya nalugi ang kumpanya, pagkatapos ay kay Jema na isinisi.

He must know something lalo na at kasama niya si Mae dati sa Operations department. As I approached him, nagulat siya pagkakita sa akin.

"Ma'am Ella?" parang di pa siya sure na ako ang kaharap niya.

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon