"Wow, sobrang kakaiba ka yata ngayon Best ah." sabi ni Kyla pagpasok ko ng kotse niya.
Sinundo niya ako sa office.
"Why, what's wrong?" tanong ko.
"Nothing, iba ang aura mo today, to think na kagagaling mo lang ng break up hahaha." sabi niya.
"Hay, don't mention it Best. Ang ganda ganda ng mood ko kaya please wag mong sirain." I said.
"Oh sorry sorry. Ikaw naman di na mabiro. Saan tayo?" she asked.
Sahod ko kasi ngayon and as I promised, ililibre ko siya. Magdi dinner kami. Deserve ni Kyla dahil lagi siyang nandito sa tabi ko.
"Saan pa ba kundi sa Vikings, favorite mo. You, my friend, deserves a treat." I answered sabay kindat sa kanya.
"Yesss, buffet! Sakto hindi ako nag meryenda. The Best ka talaga Jessica Margarett kaya labs na labs kita hehe." sabi niya sabay abante na.
While on the road, may mga billboards kaming nadaanan, one of those includes the ongoing basketball tournament. Parang sinadya na tumigil ang traffic kung saan may malaking mukha ni Daniel ang nasa board.
Tumikhim si Kyla at nilakasan ang music sa loob ng kotse but this did not distract me looking at Daniel's face.
I feel sad all of a sudden at may kirot na nadama. Usually pag may nakikita akong billboard niya, I take a video and photo tapos isesend ko agad sa kanya. Sobrang excited ako at very proud dahil sa mga achievements niya.
But it's different now as we are not an item anymore.
I recalled what happened between me and Daniel. It's been a week now since that infamous movie night namin ni Best sa bahay.
Grabe ang mga nangyari.
The discovery of Daniel's cheating and his subsequent actions after.
Up to now, I'm still disgusted with him. Ang kapal ng mukha ng mokong na 'yon! After ko siyang murahin sa phone ay may tapang pa siya para tawagan ako.
Of course hindi ko ito sinagot. Para tumigil na siya, nag text ako sa kanya.
"Daniel Ramos, stop calling me dahil break na tayo. Tapos na tayo. Tapos na tapos na!" my exact words.
He tried calling me several times but I did not answer. So sa text naman siya bumawi.
"Wow Jema, you're dumping me?
"Don't disturb me ever again."
"You're such a cry baby. I don't deserve you anyway."
"Don't you dare come back to me dahil wala ka ng babalikan."
And so on.
O di ba, lumabas ang totoong kulay ng hayop. May sungay pala talaga kaya ang asal, hayop din. Dinaig pa niya ang mga babae sa dami niyang dakdak.
A true gentleman will never act like that.
Siya na nga itong caught red handed e siya pa ang matapang. Kung humingi na lang sana siya ng apology, natapos sana ang relasyon namin in a nice way.
May relationship bang nagtatapos in a nice way?
Wala nga yata dahil yung una kong naging boyfriend, si Ferdie, nanloko din so hindi rin maganda ang paghihiwalay namin. He cheated just like Daniel.
Potek, lapitin yata ako sa mga cheaters.
Napabuntunghininga na lang ako.
"Best, ang lalim ng iniisip mo. Care to share?" Kyla interrupted me.
BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...
