Chapter 33

2K 72 18
                                    

ELLA

After changing my clothes, mabilis na akong bumaba. Gusto kong makita agad si Jema. Ihahatid ko na lang siya sa bahay niya para makapag usap kami.

I have been preoccupied with everything lately that I sadly neglected my girlfriend.

Pagdating sa baba, I saw Ate and Renzo talking to her. Mukhang nagkakasiyahan sila kasi may pataas taas pa ng kamay si Ate. Parang nagsho-shoot ng bola. Buti naman at nakikipag kwentuhan sila sa kanya lalo na si utol.

Once pa lang kasi nagpunta ng office si Renzo kaya short lang ang interaction niya kay Jema. Minsan nga at yayain ko silang lumabas para magkakilanlan sila ng maigi.

Nakatalikod silang lahat sa akin kaya hindi nila ako napansin.

"So he's your ex boyfriend?" I heard Renzo asked while showing something sa phone niya.

Ohhh they're talking about Jema's ex. Daniel Ramos, the player. 

Naalala ko yung nakuha kong info about him. Hindi ko pa pala na-discuss ito with Jema. Pag nakakuha ako ng tiyempo, I'll tell her. Yung discreet lang para hindi halata na sa akin talaga galing ang info.

"Unfortunately, yes." sagot ni Jema.

"Wow! He's one good looking lad plus popular pa dito sa Pinas. I wonder why you let him go." he said.

Tinapik ni Ate si Renzo.

"Bro, ibahin mo si Jema. Saka kahit na gano pa ka-guapo at kasikat yan kung puro naman sakit ng ulo ang binibigay aba makikipag break ka talaga." Ate replied.

"I see. Look, based on his recent interview, he has a girlfriend. He greeted this "babe" on national tv. Watch this." Renzo again showed them his phone.

"Oh Jemalyn, ikaw yata yang babe na sinasabi niya. He didn't say your name but JG daw, unless same kayo ng initials ng bagong jowa niya." Ate said.

"Hmmmn, I don't know about that." Jema replied after watching the clip.

"I thought you two are no longer dating. Bakit parang nagho-hope pa ang Daniel?" nagtatakang tanong ni Ate.

"Hahaha. He is probably dreaming." sagot ni Jema.

She looks uneasy discussing her ex.

"That's weird. You have to talk to him and clarify." Renzo said.

Alright, enough na ang topic about ex.

"Hoy, anong talk and clarify. If Jema said wala na sila, then wala na nga sila." singit ko as I can't help myself not to butt in.

Napalingon silang lahat kung saan ako. Nagulat si Jema pagkakita sa akin.

"Oh hi sis!" Ate said na kunwari ay ngayon lang ako napansin.

"Sis, ang interesting ng lovelife ni Jema." sabi ni Renzo sa akin.

Hay naku Renzo, sarap batukan.

Tell him na ikaw ang jowa ni Jema.

Not yet.

Hindi ko na lang pinansin si Renzo basta niyaya ko na si Jema.

"Let's go!" sabi ko sa kanya.

"Ah sorry but I have my car so you don't need to take me home." she replied.

Home? Akala niya iuuwi ko na siya. Nagbago na ang plano ko sa mga narinig about her ex boyfriend.

May gagawin ako para sa kanya pero siempre surprise ito dahil hindi niya alam yun. Kaso bulilyaso pa yata ang plano ko dahil dala niya ang kotse niya.

"What? Bat ngayon mo lang sinabi." inis na sagot ko.

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon