JEMAKaloka ang boss ko. On the spot gustong mag hire ng tao, hindi ako na-inform. Charot.
Kidding aside, we are in need of staff naman talaga pero sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit si Ella pa ang aalukin niya?
Mygad, I kennat believe it when boss Mela told me.
Nag usap kasi silang dalawa pa after ng meeting namin sa kliyente. Hindi ako lumapit sa kanila siempre dahil hindi pa nga ako nakaka recover sa biglang pagsulpot ni Ella.
Sa totoo lang, nawindang ako sa mga kaganapan. When you least expected it, then boom, it happens.
Hindi na ulit kami nagkita ni lablab este ni Ella kaya naman tuwang tuwa ako. Sana naman ay naligaw lang siya sa Cebu as I don't wanna see her again.
Sure ka mare?
Eto na nga, when we were on the way back to the office, gusto kong mag usisa sana sa bóss ko kung ano ang napag usapan nila. Pero hindi ko alam kung paano ako magtatanong ng hindi halata na me and Ella knows each other.
"Hoy girl, are you okay? Kanina ka pa tulala dyan." boss Mela suddenly asked.
Itong boss ko parang may third eye. Lahat na lang ấy napapansin niya.
"Boss, masaya lang ako kasi nakuha natin ang kontrata." I replied.
"Ay ganun, masaya ka pa sa lagay na yan? Para kang nalugi saka kanina ko pa napapansin na you're so in deep thoughts. Sige ka, baka malunod." she jokingly said.
Natawa ako.
"Boss, may naalala pala ako. I'm just curious, sino yung babae na biglang pumasok sa room natin kanina? Parang tanga lang, kung saan saan siya pumapasok." sagot ko na parang wala lang.
"Ah si Ms. De Jesus. Hala hindi tanga yun, gagi ka haha. She is related to the De Jesus clan na may ari ng construction company, if I'm not mistaken. I was actually curious about her, on why she is in Cebu. Nalaman ko sa kanya na she's a freelancer na ngayon at supposedly ay may meeting nga siya sa client natin kanina pero nauna tayo." she explained.
Oh, oh.
Ella is looking for a job, here, in Cebu.
"I see. Well, sorry na lang siya at mas magaling at mas mabilis tayo." I said.
"Bigla nga akong naawa sa kanya kaya ayun I offered her a job sa company. I don't know what happened basta ko na lang naisip na bagay siya sa team natin." sabi ni boss Mela.
"What? Did she accept it? Bakit naman ganun boss?" parang di ako makapaniwala sa naririnig.
"Why not? Is there a problem Jema?" she asked.
Bakit mo kini question ang boss mo?
Oops. I forgot that she owns the company.
"Ah eh, wala naman pong problema. Ang inaalala ko lang baka nabibigla lang kayo." paliwanag ko.
"She didn't accept it naman. Pag iisipan niya pa daw. I think hindi niya tatanggapin kasi small company lang tayo besides we might not be able to match her salary in case mag demand." sagot niya.
Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako sa narinig. I should be happy kung hindi niya tatanggapin dahil ayoko siyang makita pa uli.
Deep inside though, I want her to accept it so we will have a chance to talk. Marami kasi akong gustong itanong at malaman tungkol sa kanya.
Bakit niya kasi ako iniwan at bakit hindi niya ako hinanap nung magaling na siya? Wala man lang effort? Tapos nandito na pala siya sa Pilipinas.
Ang sakit kasi nung naiwan ako sa ere. Minulto ako ni Ella.

BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...