JEMA.
"O nakatulala ka na naman Best. Kumain ka na." Kyla said.
Nandito kami sa Jollibee ngayon. Napagod kami sa kakaikot mamili ng panregalo kaya ito need ng food para may strength pa. The items on my list are not all ticked yet, may kulang pa.
Ilang days na lang Pasko na. Bukas na ang Christmas party namin kaya kailangan mabili ko ang wish na regalo ng nabunot ko. K-pop merchandise daw ang gusto. Sino kaya ang nakabunot sa akin?
Siniko ako ni Kyla when I didn't reply.
"Are you eating that?" tanong ni Kyla sa mango pie na hindi ko pa nabuksan.
Aba, akala ko concern sa akin dahil hindi pa ako kumakain yun pala sa pie.
"Sa'yo yan talaga Bes, alam kong paborito mo ang mangga." sagot ko.
"Yay thanks Best, bait mo." sabi niya sabay abot nito.
"After this, punta tayo sa car accessories section ha at bibilhan ko si bebeko." I said.
Natawa naman si Kyla.
"Masyadong spoiled yang si bebeko, I mean si bebemo. Mas marami pa siyang burloloy kesa sa mismong bahay mo." sabi niya.
She's talking about my car. Yes, nakuha ko na ang sasakyan nung birthday ko. The box that ma'am Joyce gave to me contains the car key.
Sobrang love ko ang car kaya naman tinawag ko itong bebeko or bbq haha. I'm always buying something para ilagay dito.
"Siya na kasi ang kasama ko sa araw araw. Napaka loyal niya. Hindi niya ako iniiwan at laging naghihintay sa pag uwi ko. Kaya deserved niya ang mga bibilhin ko." I replied.
"Luh! Hugot yarnnn? Malala ka na Best. Pati ang kotse ginagawa mong tao." sabi ni Kyla habang ngumunguya ng mango pie.
Naman.
"I love my car, lalo na yung pumili ng kulay, char." I said.
Tumaas ang kilay ni Best.
"Ella na naman. Best, stop it na please." she said.
"Ay sorry, nadulas e." sabi ko na kunwari ay tumatawa.
Kung kelan ako nagpapatawa saka naman naging seryoso itong best friend ko.
"Forget her na lang. Hindi ka nga naalala nun tapos ikaw isip ng isip sa kanya. Lugi ka Best, wag kang papayag malugi. Huwag mong pahirapan pa ang sarili sa mga "what ifs" mo na walang kasagutan." sagot niya.
Ouch. Masakit pero tama si Best.
Huwag na kasing isipin ang mga taong nang iiwan sa ere.
Kumusta na kaya siya? Ang dami kong gustong sabihin at tanungin sa kanya pero I wasn't given the chance.
Hindi talaga siya nag reply sa mga messages ko. Hindi nagpaalam. I don't know kung ano ang maling nagawa ko sa kanya. Kahit ganun ang inasal niya, I swallowed my pride and texted her when I learned that she's going back to the US.
"Bon voyage. Ingat po sa biyahe."
My last message to Ella.
"Jessica Margarett! Ano na?" agaw atensyon na sigaw ni Best.
"Oo na, Best. I'm trying di ba?" sagot ko.
"Very good. O change topic na. Kumusta naman ang relasyon ninyo ni Daniel?" natatawang tanong niya.
"Hahaha, ako na walang malay, in a relationship na pala. Bwiset na Daniel yan!" I replied.
Tawang tawa kami when Daniel's name pops up.

BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...