Chapter 38

1.5K 55 13
                                    

JEMA

Si Tatay naman ang seryoso, di ko tuloy mabasa ang mukha niya kung masaya ba siya o hindi.

Sana huwag niya masyadong pahirapan si Ella. Natatawa naman si Mafe kasi akala mo pulis si Tatay kung makaasta, haha.

I can feel the nervousness of Ella but I cannot do anything. Support lang ang kaya kong ibigay dito sa likod niya.
Plppp
Nakahinga na kami ni Ella ng maluwag when Mafe and Nanay both supported us when we came out to them. Actually ganito yan, kagabi pa lang ay sinabi ko na sa kanila kaya alam na nila except Tatay.

As for Tatay, he understood naman our relationship and I think he supports us too. Hindi lang siya vocal kagaya ni Nanay. Siguro dahil hindi niya pa kilala ng lubos si Ella.

Oh well, as a Father, I'm sure that he only wants to protect me kaya siguro ganun ang attitude niya. Anyway, Ella is staying overnight so she still have time to bond with Tatay.

After namin kumain, I showed Ella the guest room.

"Lablab, pasensya ka na dito ha. Baka hindi ka sanay makitulog lalo sa probinsya." sabi ko habang inaayos ang mga unan sa kama.

Bigla ba naman niya akong niyakap mula sa likod kaya napatili ako.

"Ssshhh, baka pumasok dito si Tito." sabi niya sabay takip ng kamay sa bibig ko.

Tinapik ko ang kamay niya kaya inalis niya ito.

"Ikaw naman kasi nambibigla." sagot ko sabay harap sa kanya.

She's still hugging me so I wrapped my arms around her.

She gave me a peck on the lips. Sandali lang ito kaya hinawakan ko siya sa leeg at hinalikan siya. Mas matagal.

"Na-miss kita." bulong ko.

"I miss you too." she replied.

As much as I want to kiss her all day, kumalas ako sa pagkakayakap niya.

"Ayusin na natin ang gamit mo ha." I said habang kumukuha ng hanger sa cabinet para pagsabitan ng damit nito.

Paglingon ko, Ella is still not moving. Nakaupo lang ito sa dulo ng kama.

"Okay ka lang lablab?" I asked.

"Not really, pero kanina yun, sa harap ng Tatay mo. Right now, I'm okay na kasi nandito ka na sa tabi ko." sagot niya.

"That's good. Relax ka lang ha, sinisindak ka lang ni Tatay kaya wag kang pasisindak." sabi ko.

"Haha, kasi naman si Tatay este si Tito, parang may kasalanan ako kung makatingin, grabe." she replied.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay nito. Sinamantala niya ito para hilahin ako pahiga sa kama.

Agad siyang umibabaw sa akin at tinignan ako ng malagkit. Napakagat labi ako.

"Hindi ako pasisindak kung ganito naman kaganda ang premyong makukuha ko." she said as she leans down and kissed me gently.

Hinawakan ko ang pisngi niya at ninamnam ang kanyang halik. Bumaba ang kamay niya sa beywang ko at akmang ipapasok niya na ito sa loob ng T-shirt ko ng may marinig kaming katok sa pinto.

Sabay kaming huminto sa ginagawa at mabilis na naghiwalay. Dumungaw sa may pintuan ang ulo ni Pangs.

"Ate, tawag ka ni Nanay." sabi niya na palipat lipat ang tingin sa amin.

"O-okay, sunod ako." I said.

Mafe quickly left us, kung gaano siya kabilis dumating, ganun din siya kabilis umalis. Me and Ella burst into laughter.

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon