Chapter 59

1.1K 48 26
                                    

ELLA

"Hey Ella, lunch break na. Tara let's go." yaya ni Buding sa akin.

I looked at the wall clock, it's 1201. On the dot talaga si Buding pagdating sa pagkain.

Inalis ko ang aking salamin at nag stretch konti. Kanina pa pala ako nakatingin sa pc monitor. Nakakangawit talaga lalo na kung puro numbers ang tinitignan mo. Nakakahilo.

"Sige ba. Saan tayo at may kasama ba tayo?" I asked when I stood up to get my bag and phone.

Lagi na akong sumasama sa kanya pag lunch kasi nga wala pa akong masyadong alam kung saan masarap kumain dito sa Cebu. This is my fifth day na here in the company.

"Wala, only the two of us unless gusto mong yayain si Jema." sagot niya habang nakanguso dito.

I followed her eyes at nakita ko sa may dulo na nakaupo ất seryoso pa rin sa pagtatrabaho si Jema. Nandito pala siya today. Bihira ko kasi siyang makita dito sa office.

Lagi yata silang magkasama ni boss Mela sa labas. Or maybe she's avoiding me.

"Her? No thank you. Hindi nga ako kinakausap nyan eh, di lalo na sa pagsabay sa pagkain." I said.

Parang napaisip si Buds.

"I noticed that too. Bakit nga ba? Jema is very friendly but when it comes to you, she's acting differently. May ginawa ka bang masama sa kanya kaya hindi ka pinapansin?" kulit niya sa akin.

"Nothing that I can think of." sabi ko.

"Dyan ka lang, akong bahala." sagot niya.

Mabilis siyang lumapit kay Jema. Anak ng tinapa, ibubuko niya yata ako. Bago ko pa siya mapigilian ay bumuka na ang bibig niya.

"Hey Jessica, bakit daw hindi mo pinapansin si Ella? Allergy ka ba sa magaganda na gaya namin?" sigaw niya.

Nagtinginan sa amin tuloy ang ibang empleyado doon. Jema turned her chair and faced us.

"Anong problema? Nakita niyo na busy ako tapos nanggugulo kayo. Sige pag di ko natapos ang payroll natin, walang sasahod today." she said without looking at me.

Payroll ang hawak niya?

Oh, I need to warn boss Mela at baka sa isang iglap ay maglaho at manakaw ang pampasahod niya sa mga empleyado. Mautak din talaga itong si Jema, basta kaperahan, gusto niya lagi siya ang may hawak.

Did they check her character references when she applied here? Lumaki ang curiosity ko kung inilagay din niya sa resume ang working experience niya sa DJCC.

"Ay sorry naman boss madam hehe. Di mo kasi agad sinabi. Gusto ka lang sana yayain ni Ella mag lunch sa labas." sabi ni Buds sabay tủro sa akin.

Tarantado talaga ang Buding na ito. Ako pa ang ginawang sangkalan sa mga kalokohan niya.

"Really? Is that true?" Jema asked.

Finally, tumingin din siya sa akin.

Nagtama ang mga mata namin pero blangko ang mukha niya. I can't read what's on her mind.

"Not even in your wildest dreams. Buds is just joking. Let's go." yaya ko kay Buds sabay talikod na.

Hinabol habol ako ni Buding hanggang sa labas.

"Hala grabe ka naman Ella. Bakit mo ginawa yun? Biro lang naman ang mga sinabi ko. You should have seen Jema's face. Halos mangiyak iyak ito. Dinaig nyo pa ang mag jowa na may tampuhan." sabi niya.

"At bakit naman siya iiyak?" tanong ko habang patuloy na naglalakad.

"Pinahiya mo ang tao." she replied.

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon