JEMAThe following morning, halos ayaw kong bumangon kasi nga ilang oras lang ang tulog ko. Inis na inabot ko ang alarm clock para patayin. Pero mas gusto kong patayin yung kapitbahay ko.
Mabilisang inom ng kape with toast at quick ligo ang ginawa ko. Kung hindi ako magmamadali ay maiiwanan ako ng bus na sinasakyan ko papuntang office.
Pagtingin ko sa salamin, my eye bags are big kaya naman nag apply ako ng make-up so I can hide it.
"Bwiset na Toto, Tota ay Toti ba yun! Siya ang may kasalanan nito." nagdadabog na sabi ko bago kinuha ang mga gamit.
Paglabas ko ng apartment, muntik ko ng masipa ang paper bag na nasa tapat ng pintuan ko. Luminga linga ako para tignan kung sino ang naglagay pero wala akong nakitang tao.
I immediately picked it up. Naamoy ko agad ang aroma ng tinapay o cake yata. Pagsilip ko, there's a box of donut inside with a note. Kinuha ko ang papel at binasa.
Hi sweetheart, good morning.
Please accept this simple gift, you can call it as my peace offering. I'm so sorry about last night. Hopefully, we can start again. Friends?!
Tots
Sweetheart?
Maloko talaga itong neighbor kong ewan. Hmmp. Anong tingin niya sa akin, makukuha sa regalo? Nagdadalawang isip ako kung ibabalik ko ito sa kanya. Kakatok na sana ako sa pintuan niya pero I changed my mind as I don't have time anymore kasi mala-late na talaga ako.
Mabuti naman at nahabol ko ang bus kaya mabilis akong nakarating ng office. To my surprise, halos wala pa ding tao sa loob. Anyare?
"Good morning. Wala pa ang iba?" tanong ko sa delivery boy / driver namin.
"Good morning din po ma'am. Napuyat po sila hehe. Medyo late na kami nakauwi kagabi." sagot niya.
"Ahhh natuloy din pala kayo." sabi ko.
"Opo. Sobrang enjoy kami. Sayang at wala kayo, yan tuloy medyo napag-usapan kayo doon." he replied.
Yan na nga ba ang sinasabi ko, pag wala ka, ikaw ang topic nila.
"Hala kuya, kaya pala lagi kong nakakagat ang dila ko kagabi." pabirong sagot ko.
"Oops sorry po. Ang daldal ko na pala." sabi niya.
"Wala yun, hindi naman ako galit. Sino sino ba sila at kakausapin ko. Charot." I said.
Nagkamot ulo ito at tipong lalayasan na ako kaya nginitian ko.
"Ano na? KJ mo naman kuya. Dali, magkwento ka habang wala pa sila." hirit ko.
Umupo naman siya sa harap ko.
"Narinig ko lang naman po yung usapan nila boss Mela at Buding. Madami daw tanong about you yung bago dito, si Ella. Nagtataka daw sila. Kaya naman ang ginawa ko, medyo lumapit ako kay Ella. Ako naman ngayon ang pinagtanungan niya." he started.
Tumango ako pero hindi sumagot para magpatuloy siya.
"Tinanong niya ako kung naihatid na ba kita sa bahay ninyo. Kung saang exclusive subdivision ka nakatira at kung malaki ang tinitirhan mo. Pati nga kotse tinanong niya kung ilan daw ang ginagamit mo." sabi niya.
What?
Ella is really that interested on me. Bakit kaya? Daig pa niya ang imbestigador ah. I tried to tone down what I learned.
"Ay ganun ba, baka naman balak niyang magpatulong sa akin maghanap ng apartment hahaha. Di ba bagong lipat siya dito." I replied.
"Kaya nga po tinanong ko siya bakit siya interesado sayo. Hindi naman ito kumibo. At hindi po siya naniwala sa akin na wala kayong kotse." dagdag pa ni Kuya.
BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...