Chapter 75 - The Finale

3.3K 75 23
                                        


ELLA

"Lablab, hindi kaya magalit sila Tatay?" tanong ni Jema.

We are now back to the Philippines.

"Bakit naman?" takang tanong ko.

"Kasi wala silang alam na engaged na tayo." she replied.

Sinabi ko kasi sa kanya na alam ng family ko ang aking plano na magpo-propose sa Japan. They were the ones who arranged everything para makasunod on time sina Kyla, Angel, Jia at Miguel sa Japan ng hindi malalaman ni Jema.

"Ah yun ba? Don't worry because I asked their permission first before I planned the proposal." sabi ko na nakangiti.

Lumaki ang mga mata niya pati butas ng ilong.

"What? Ang daya daya mo talaga!" sabi niya at akmang hahampasin ako kaya mabilis akong lumayo sa kanya.

Kilala ko na si Love eh. Kailangan lagi akong handa at may pagka ninja para makailag sa mga hampas niya na daig pa ang mga volleyball players sa lakas hehe.

"Hey, surprise nga di ba? Alangan sabihin ko sayo." I said when she stopped chasing me.

"Paano mo sila napapayag? How about my sisters?" she asked. 

"Siempre hindi sila makahindi sa chạrm ko, ako pa. I invited Mafe pala to join us in Japan kaso nataon na may training siya kaya hindi makaalis. I called Ate Jovi too and she approves it." I explained.

"Ang galing mo talaga." sabi niya na nakangiti na.

"I know. Sobrang bait ng mga parents mo sa akin despite of everything. So better prepare yourself because tomorrow, mamanhikan na kami sa inyo." I said.

"Ha? Ang bilis naman. Ang sabi ko pa naman sa kanila eh we're taking things slow." reklamo niya.

"Bakit, ayaw mo ba? Engaged na tayo so we need to set the date of our wedding. Besides, our parents hasn't meet each other yet. Gustong gusto na ni Dad makilala ang mga magiging balae niya. I hope ganun din sila Tatay." sagot ko.

Lumaki ang ngiti niya when she heard me saying Tatay. First time niya kasi akong marinig na tawagin ang erpat niya na Tatay.

"Hindi naman sa ayaw. Parang sobrang bilis lang kasi. Saka hindi kaya tayo hanapin ni boss Mela? We just filed for 3 days eh more than a week na tayong absent." tanong niya.

Ngumiti ako. Etong si Jema, kahit anong mangyari, hindi pa rin talaga niya nakakalimutan ang obligasyon pagdating sa kanyang trabaho.

She is very professional and that's one of her many good qualities that I really like.

Niyakap ko siya.

"You worry too much, Love. I already talked to boss Mela. Kahit daw isang buwan kitang hiramin, okay lang sa kanya basta invited daw siya sa kasal." I said.

"May ganun? Wala na pala talaga akong kawala sayo lablab." she replied.

"I love you Jema, I really do. I don't want to live without you by my side. Tama na yung halos dalawang taon na magkahiwalay tayo." taos pusong sabi ko sa kanya.

Totoo. I wasted too much time and energy just to forget and hate her before, but in the end, it was all in vain. Gusto kong bumawi sa kanya at magagawa ko lang ito kung magkasama na kami sa iisang bubong, as a married couple.

"I love you more, Ella. Ako din naman po, masyado akong nangulila sayo. Marami akong gustong gawin para sayo at para sa ating dalawa. I can't wait to start a new chapter in our lives together." malambing na sagot niya.

"Yieeee kinikilig pa rin ako, Love." I said before kissing her.

"Hmmmn, alam na ba nila Nanay? I have to call them para makapaghanda sila kahit papano. Nakakahiya kila boss DJ kung wala silang madatnan doon." she said afterwards.

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon