ELLA
I called Jema's phone again but this time, my call did not go through. Out of the coverage area na daw. She turned it off?
Something is definitely wrong, I can feel it in my gut.
Wala na akong inaksayang panahon pa, sumakay ako ng kotse at pinaharurot ito. While driving, I called Ate Joyce. Inilagay ko ito sa speaker when she answered.
"Have you seen Jema?" tanong ko agad pagkasagot niya.
"Oh hello sis. Nope. She's with you di ba?" sabi niya.
"Kanina pero biglang nawala eh. I can't find her." I said.
"She's missing?" tanong niya.
Ay sus, inulit ulit lang niya ang sinabi ko. Sasagot na sana ako ng biglang may sumulpot na sasakyan sa gilid. The car is inches away from me. Sa sobrang bilis ng takbo nito ay siguradong aabutan ako. I gripped the handle sabay apak sa preno. Napa-swerve ako sa kanan. Buti na lang ất walang sasakyan sa likod kundi sapul ako.
Binusinahan ko ito pero hindi man lang huminto. Napamura ako ng malakas.
"Asshole!" sigaw ko.
"Ella, you're driving?! Anong nangyayari at bakit ka nagmumura?" she asked.
"I'm sorry Ate. An idiot driver nearly hit my front end trying to overtake me. May death wish ata ang gagong driver tapos gusto pang mandamay. Bigla ba namang mag cut sa harap ko. Buti na lang mabilis ang reflexes ko." sagot ko.
"Tsk, tsk. Be careful sis. Don't call while driving kasi. Huminto ka muna kaya." she suggested.
"No way!" sagot ko.
Binilisan ko ang patakbo para habulin yung black car na parang sino kung mang gitgit. Akala niya titiklop lang ako sa ginawa niya?
Kaso nakahalata yata kasi mas lalo niya itong binilisan hanggang mawala sa paningin ko.
"Jorella Marie?! Still there? You better listen to me sis kundi babatukan kita pag may nangyari sayo." sabi ni Ate.
"I'm still here." sagot ko.
"There are loads of kamote driver talaga sa Pinas pero kalma lang sis baka may baril yan at madamay ka pa sa road rage niya. Ikaw ang talo kung papatulan mo. Saka ang hinahanap mo si Jema, di ba, hindi away." sabi ni Ate.
Napabuntung hininga na lang ako. Tama si Ate. Si Jema ang priority ko dito.
"Okay Ate, ito kakalma na. I need to find Jema pero saan ko naman siya hahanapin?" tanong ko.
"Sis, baka naman nandyan lang sa tabi tabi and you're just overreacting." she replied.
"I could be, but she won't disappear just like that. I am confused kung nag walkout ba siya sa akin kasi never pa niya ginawa ito. " I said.
"There's always a first time in everything kaya. Do you want me to call someone or do something?" tanong niya.
"No, thanks. Nagbaka sakali lang ako sayo. Bye Ate." I said sabay end ng call.
May nakita kasi akong naglalakad sa bandang unahan na parehas ang suot kay Jema. Sinundan ko ito. Napa preno akong bigla dahil akala ko ay siya nga ito nung medyo malapit na ako.
But it wasn't her. Nanlumo ako.
Isang malakas na busina naman ang narinig ko. Yung kasunod kong kotse halos dumikit na sa likod. Nilampasan niya ako konti bago dumungaw ang driver saka tinignan ako ng masama.
"Hoy, kung gusto mong magpakamatay huwag kang mandamay!" sigaw niya sa akin.
Shit!
Twice in a row na muntik na akong maaksidente. Baka maubos na yung luck ko pag may third pa. Napilitan akong tumabi muna para makapag isip mabuti. Hindi kaya nagpasundo si Jema kay Kyla?

BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...