JEMA
God, how I miss her lips.
Ang tagal kong hinintay ang chance na ito, ang matikman muli ang halik niya.
Nabigla yata si Ella sa ginawa ko kaya naman hindi ko pinutol agad ang halik ko sa kanya. Mas lalo kong idiniin ang labi ko sa labi niya. She responded naman pero may reservation pang konti. Sapat na ito sa akin.
I wrapped my arms around her so I can balance myself. Yung sarap, tamis at kilig ko, naghalo halo na hanggang sa naubusan na ako ng hininga. No choice ako kundi ang kumalas sa kanya.
I looked at her stunned state. Her lips are a bit swollen and red, just like her face.
"Bakit ka nanghahalik? Daig mo pang ang snatcher sa bilis!" sabi niya pagka recover niya sa ginawa ko.
Natawa ako pero pilit kong itinago at baka mag sungit na naman siya sa akin.
"Kasi naman po, namiss ko ang labi mo." sagot ko sabay lip bite.
Ella's eyes instantly ventured into my lips, matagal niyang tinitigan ito and she unconsciously licked her own.
Sige maglaway ka, sabi ng isip ko.
"Hindi pa tayo bati!" sabi niya sabay talikod at lumayo sa akin.
What?!
"Ella naman. Huwag mo na ako pahirapan, please?!" sabi ko sabay habol uli sa kanya.
Tumigil ito sa paglalakad sabay lingon sa akin na parang nag iisip hanggang sa itinaas niya ang kanyang kamay.
"Ano na?" tanong ko.
"Okay, let's go. We'll find somewhere private so we can talk." she replied.
Hindi pa ako gumalaw kaya naman siya na ang kumuha sa kamay ko at hinawakan ito.
Ahhh, she's trying to reach for my hand pala. Sus, holding hands pala ang gusto ng lablab ko. Ang daming drama, mabilis naman akong kausap.
Talk daw kami but we are both silent while walking. Okay lang naman ito sa akin, ang importante, kasama ko siya ngayon. Mahigpit ang hawak niya sa akin, akala mo naman ay mawawala ako.
Hindi pa siya satisfied, may pa-rub pa ang thumb niya across the back of my hand. Nakikiliti ako sa ginagawa niya. Tapos ay itinaas niya ang kamay ko at hinalikan ito.
Then she suddenly stopped, looked at me bago sinabi.
"I miss you, Jema."
Gosh, yung heart ko sobrang bilis ng tibok. Parang gustong kumawala sa dibdib ko.
"I miss you too, Ella." I replied habang nakatingin sa kanya.
"Sobrang dami ng nangyari sa atin pero ito lang ang masasabi ko at tatandaan mo palagi, I love you, always." sabi niya.
Naisip ko si Mae.
Nag I love you din siya malamang sa kanya.
Nakita niya yata ang hitsura ko kaya naman inilapit niya sa akin ang mukha niya at hinalikan ako. It was a quick smack.
"Don't overthink, Love." she said.
Ngumiti ako.
"I love you too, Ella." I replied.
Kitang kita sa mukha niya ang saya pagkarinig sa sinabi ko. Niyakap niya ako ako uli bago kami nagpatuloy sa paglalakad.
Masaya na kaming umalis ng beach at naghanap ng restaurant na kung saan ay pwede kaming mag usap. When we were settled, we let it all out, lahat ng nasa dibdib namin.
BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...
