JEMA"What's up sweetheart?" tanong ni Tots pagbukas ko ng pinto.
Ang kulit talaga ng taong ito, kahit anong sabi ko na huwag akong tawaging sweetheart o babe eh hindi pa rin susunod. Matigas talaga ang ulo.
"Yayain sana kita mag shot kaso wala pala akong stock." sagot ko habang pinapapasok siya sa loob.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Tinitigan ako kaya naman iniwas ko ang aking mga mata baka mahalata niya na umiyak ako.
"What? Anong meron? Birthday mo?" tanong niya uli.
Inirapan ko siya.
"Dapat ba may okasyon bago uminom? Kung ayaw mo, sabihin mo lang at tatawag ako ng ibang kaibigan." I said.
"Haha, well, hindi naman required na may okasyon but I'm sure there's a reason. May problema ba? Kung magsalita ka parang madami kang friends dito ah." pang asar pa niya.
"Ayun naman pala eh dami pa ebas. Basta gusto kong uminom ngayon. Meron ka ba dyang naitatago?" tanong ko.
"Ako pa talaga ang tinanong mo? I just moved in remember? I don't have anything but we can buy outside." she said.
"Let's go then!" sabi ko habang kinukuha ang bag at susi ng unit ko.
"Ay matindi ang problema nito!" she said but I ignored her comments.
While walking, Tots keep on talking random stuffs so medyo nawala sa isip ko ang problema about Ella. Pagdating sa store, she just asked me what I wanted tapos pumila na siya para magbayad.
I saw some girls looking at her. Oh, they noticed her dahil sa buhok niya. Wait, sikat nga pala siya dito. I was watching her as she stood in line when one of the girls approached her. They talked then second later, nagkabigayan na sila ng cellphone numbers.
Malandi talaga.
"I'm sure may date ka na naman soon." sabi ko habang kinukuha ang isang bag na dala niya.
"What?" tanong niya.
Itinuro ng nguso ko ang babae na kausap niya kanina. Natawa siya.
"That? No, off limits." she said.
"Why not? She's pretty." kako sabay tingin uli sa babae pero nakatingin din pala siya sa amin.
Tots shrugged her shoulders while opening the store door for me.
"I saw her wallpaper. May boyfriend. I don't do that kind of thing, you know." sabi niya.
Napanganga ako.
"Totoo? Hindi nga." tanong ko sabay tulak sa balikat niya.
"What? You think I'll just fuck random girls that I just met? Grabe ka naman, Jema. You hurt my feelings." arte nito habang hawak kunwari ang dibdib.
Finally, tinawag nya rin ako sa pangalan ko.
"Ssshhh, watch your language!" I said as some people are now staring at us.
Mahirap na at baka may makakilala sa kanya tapos pikturan kami. People will think na may relasyon kami. I don't wanna be on the news again haist. Bakit kasi nagkataon pa na parehas sila ni Daniel na athlete?
Erase, erase. May his soul rest in peace.
Ibinalik ko kay Tots ang hawak na bag when we reached the apartment. I was about to get my key ng mapansin ko ang bag na nasa tapat ng pinto ng unit ko.
How come? Kasama ko si Tots ah and never ko siyang nakita na tumawag o nag text man lang sa cellphone niya. Bakit may padala pa rin siya sa akin?
"Tots, nag abala ka na naman. It's not that I don't appreciate it but you have to stop doing this!" sabi ko sabay kuha sa bag.

BINABASA MO ANG
KUMPAS
RomanceUnlucky in love, Jessica Galanza thought that she finally found the one. She is happy and contented with her new relationship and was hoping that a proposal is soon on the horizon. However, she discovers about her boyfriend's infidelity thus breakin...