Chapter 54

1K 47 15
                                    

JEMA

Sa isang iglap ay nasa ambulance na ako kasama si Ella. They put a blanket on me as I sat down while looking at her.

She is unconscious and lying in a stretcher. Duguan kami parehas pero mas marami ang dugo sa kanya. May dalawang nurse or a paramedic sa loob. One is trying to stop the bleeding from her chest or neck, I'm not sure. May inilagay din siya sa dibdib nito. Habang ang isa naman ay hinahawakan ang oxygen mask that covers Ella's nose and mouth.

Ella has been shot.

I am still in shock.

Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi rin ako makasigaw o makagalaw man lang. Nanonood lang ako sa ginagawa nila sa kanya.

Mabilis ang takbo ng ambulansya kaya naman sinabihan ako na humawak ng mahigpit sa side railing pero hindi ako tumugon. I didn't move until someone touched my shoulder. Nag angat ako ng tingin at mukha ng paramedic ang nakita ko.

"Inhale and exhale po tayo ma'am. Relax lang." she said.

Relax? How can I relax?

"Malapit na po tayo. Kapit lang ma'am." dagdag pa niya.

I looked at Ella again. She is fading in and out of consciousness. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Laban lang lablab, I am here. I love you." I whispered.

Kahit anong pisil ko sa kamay niya ay walang reaction from her. Maputla na din ito at halos pa-isa isa na ang hininga.

I fear for the worst.

No to catastrophising Jema.

Unconsciously, tears roll down my eyes. I am trembling. Ayokong makita si lablab na ganito ang kalagayan ất wala akong magawa.

"Please, please God. Huwag nyo pong pabayaan si Ella. Save her please." taimtim na dasal ko.

We quickly arrived in the hospital. I don't know which hospital we are in but I was thankful nonetheless.

Nurses on either side of me began shouting. Nagkakagulo na sila at aligaga sa pagkuha kay Ella. They immediately took her inside the emergency room. Nakasunod ako pero hindi na nila ako pinayagan pa sa loob.

"Hey, gusto kong samahan siya." sabi ko.

Hinarap ako ng isa sa mga staff doon.

"Ma'am, sorry po pero bawal na po kayo doon." she answered.

Nanlulumo akong napatingin sa pintuan kung saan nila dinala si Ella.

"Magiging okay ba siya?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot basta inalalayan niya ako papunta sa ibang room.

"Ma'am, maupo po muna kayo. Kailangan din namin kayong matignan." sabi niya.

"No. I'll stay with her. She needs me." I replied trying to go near the operating room.

"Ma'am, please. Hindi po kayo pwede dyan. You are still in shock dahil sa nangyari, mas mabuti po kung sumunod muna kayo sa akin at linisan natin ang sugat ninyo." she said.

Ngayon ko lang uli napansin na puno ng dugo ang damit ko. May mga pasa ất sugat din ako sa braso.

"Pero...." I said.

Ayaw kong iwanan si lablab mag isa.

"We need to examine you po. The doctor is waiting." sabi pa niya.

Kahit labag sa kalooban ay sumunod na lang ako sa kanya. Pumasok kami sa isang kuarto kung saan ay agad akong inasikaso. Tahimik lang ako habang isinasagawa ng doctor ang dapat gawin sa akin.

KUMPASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon