"Alison!" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko, si Franxine, nakangiti siyang lumapit sa akin. "Bakit parang namumula ka? May nangyare ba?"tanong niya, umiling ako at muling naalala ang nangyare kanina, kung paano ko nakita ang babaeng baliw na naka harang sa daan at kung paano ko marinig ang mga salitang hindi ko naman maintindihan.
Hanggang ngayon ay natatakot parin ako, dahil unang beses palang nangyare sa akin ang bagay na iyon.
"Kumain ka ba bago umalis sa bahay niyo?"tanong niya, umiling ako bilang sagot, inirapan nya ako saka hinampas sa balikat.
"Gaga ka, kaya ka siguro namumula ay dahil sa gutom ka na naman." Sabi niya saka ako hinila papasok sa gate ng paaralan namin.
"Tara, kain ka muna sa canteen habang may time pa." Dagdag niya. Wala na akong nagawa pa dahil sa hila hila niya akong dinala sa canteen. Siya na mismo ang bumili ng pagkain ko habang ako naman ay nakaupo lang dito sa gilid at hinihintay siya.
"El tiempo de la muerte esta cerca."
Muling pumasok sa isip ko ang mukha at sinabi ng babaeng baliw kanina, nakakakilabot parin kahit ang boses niya ay tila tumatak ata sa aking utak.
"Hoy, lutang ka na naman."sabi ni Franxine na nasa harap ko na pala, inilapag niya ang dala niyang pagkain sa harap ko saka siya nag cross arms.
"Bilisan mo, may quiz pa tayo sa spell at potion, pag nahuli tayo doon siguradong lagot tayo, alam mo naman na masungit yung proff nating witch doon." Sabi niya kaya sinimulan ko ng kainin ang pagkain na nilibre nya.
"Sya nga pala, alam mo na ba yung balita? Tungkol doon sa punong nasa gitna ng town natin?"tanong niya, umiling ako habang nakatingin sa kanya.
"Hindi ka talaga nanunuod ng mga balita."sabi niya saka ako inirapan. "Bali-balita ngayon na may nakita silang babaeng lumabas mula sa puno na iyon, sabi ng ilang nakakita bigla nalang daw lumabas yung babae sa puno mismo tapos ang awra daw ng babaeng iyon ay nakakatakot."sabi niya, muli kong naalala ang babaeng nakita ko kanina sa gitna ng kalsada.
"Alam mo ba, sabi naman ng ilan multo daw yun, ngayon daw kasi yung death anniversary noong babaeng ilang libong taon ng nakalibing sa puno nayon." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.
"Babaeng ilang libong taon ng nakalibing sa puno?"tanong ko.
"Oo, di ka ba nakikinig sa history? Haynako naman Alison, babagsak tayo niyan eh. Paano ako kukopya sayo kung wala kang natutunan sa history?"sabi niya. Napatingin ako sa ibang dereksyon.
"Possible bang nag paparamdam ang mga matagal ng patay?"tanong ko.
"Ewan, hindi ko alam."sagot niya. "Pero sapalagay ko, possible nga kasi sabi ng ilan may sumpa daw yung babaeng nakalibing sa puno. Pero hindi nila alam kung ano yung sumpa nayon." Dagdag niya. Tumingin siya sa relo niya.
"Alison tara na malalate na tayo." Sabi niya at tumayo kaya naman tumayo narin ako at kinuha ang sandwich at drinks na binili niya para sa akin, habang nag lalakad kami papunta sa room ng unang subject namin ay kumakain ako para ubusin ang libre niyang pagkain sa akin.
"1 minute late Ms. Alison Ferrer and Ms. Franxine Hermoza." Bungad sa amin ng proff namin na nasa harap na ng sarili nitong witch bowl.
"Sorry po." Sabay naming sabi ni Franxine. Napalunok ako ng bigla akong dumighay dahilan para mas lalong sumama ang tingin sa akin ng proff namin.
"-10 Ms. Ferrer, -5 Ms. Hermoza."sabi nito bago kami payagang pumasok sa loob ng room. Agad kaming umupo ni Franxine sa harap ng sarili naming mga bowl.
"Ano daw gagawin?"tanong ko sa katabi ko.
"Wala pang tinuturo sabi niya mag aanounce daw muna sya." Sabi ng katabi ko kaya tumango ako at nag pasalamat.
"Sa susunod na lingo na gaganapin ang witchmural ng school natin, lahat kayong mga freshmen ay inaasahang pumunta para malaman kung saan kayo nabibilang na breed." Wika ng proff namin.
Bigla tuloy nawala sa isip ko ang tungkol sa babae kanina at napalitan ng excitement para sa witchmural next week.
"Kapag na assign na kayo kung anong breed kayo, doon na kayo papasok sa susunod na mga araw para masanay at magkaruon ng kaalaman patungkol sa mga kakayahang meron kayo." Dagdag nito.
"Ang breeding of witches ay nahahati sa pito, ang Coven-Based Witch, Solitary Witch, Hereditary witch, Crystal Witch, Cosmic Witch, Green Witch at Gray Witch. Kung saan man kayo pasok sa pintong ito ay ngayon pa lamang ay binabati ko na kayo sapagkat meron kayong mga kakayahan at talentong napakalakas." Sabi nito kaya napangiti ako.
"Sa ngayon, lahat ng natutunan niyo sa mga subject na meron kayo ngayon ay nawa'y magamit niyo ng tama at laging isaalang alang ang kabutihan para sa ating bayan." Dagdag nito saka kinuha ang kanyang magic stick na nasa gilid.
Ikinumpas niya ito sa ere kung saan may kung anong lumabas na mahika.
"Simulan na natin ang ating pagsusulit." Pagkasabi niya noon ay biglang nagkaruon ng tubig ang kawa na nasa kanya kanya naming harap. Kumukulo ito pero hindi mainit ang tubig.
Pinag masdan ko ang tubig na nasa harap ko, nakikita ko ang aking sariling repleksyon hanggang sa unti unti itong nagiging itim at tila may kung anong nabubuong ibang repleksyon.
"El tiempo de la muerte esta cerca."
Nanlaki ang mga mata ko ng muli ay nakita ko na naman ang babae kanina.
"AHHHHHH!"
"Ms. Ferrer!" Napatingin ako sa tumawag sa aking apelyido, lahat ng mga mata nila ay nakatingin sa akin at nag tataka kung bakit ako sumigaw.
"Anong kasigaw sigaw na meron jan sa kawang nasa harap mo? Tanging pag susulit lamang ang pinapagawa ko sa inyo hindi ang pag sigaw." Galit na sabi ng proff namin, napalunok ako at muling napatingin sa kawang nasa harap ko, ngayon ay mga tanong na kailangang sagutin ang nasa kawa, wala na ang mukha ng babaeng nakita ko kanina.
"P-Pasensya na po."sabi ko habang nakayuko ang ulo. Muling bumalik sa akin ang kaba at takot na kanina ay nawala na.
"Sagutan mo na ang pag susulit at mag uusap tayo pag tapos ng klase."
~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?