Epilogue

131 3 0
                                    

THIRD PERSON POV

Maingat na inihiga ni David si Alison sa kama nito matapos niya itong makitang nawalan ng malay sa bahay sa sarili nitong bahay. Basa rin ng dugo ang damit ni Alison at may ilan na bakas ng dugo sa katawan niya. Kitang kita mismo ni David kung paano patayin ni Alison ang mga tao sa plaza dahil kanina niya pa ito sinusundan matapos niyang maramdaman ang presensya ni Melissa kay Alison.

Dahil sa lagay ni Alison ay nag desisyon si David na ayusan muna si Alison at linisin ang mga bakas ng ebidensya na makakapag turo kay Alison na siya ang pumatay sa mga tao sa plaza,

"Patawarin mo ako sa gagawin ko." Wika ni David habang nakatingin kay Franxine na natatakot sa kanya, binura nito ang mga ala-ala ni Franxine tungkol sa kaganapan sa plaza. Dahil sa naramdaman ni David na presensya kay Alison ay patago niya itong binabantayan palagi kahit na saan ito mag punta.

Makalipas ang isang taon ay muling nag cross ang landas nila Alison at David ng makita niya ito sa bayan na bumibili ng gamit kasama si Franxine, doon ay nag lakas loob siya na lapitan si Alison at naisipan na kung magiging malapit silang dalawa ay paniguradong mapapadali ang pag babantay niya kay Alison.

"Studyante ka ng Walter academy for witches?" Tanong ni David nang makalapit siya kay Aliso, ramdam ni David na nagulat niya si Alison sa biglaang pag sulpot niya.

"O-oo." Utal na sagot ni Alison

"David Gomez." Pakilala niya saka ngumiti.

"Alison." Maikling pakilala ni Alison sa kanya kaya natawa siya, alam niya na magiging ganito kailap ang trato ni Alison sa kanya.

"Bago lang ako dito sa town, nitong nakaraang lingo lang ako lumipat rito at nag hahanap ng paaralan na mapapasukan, may napagtanungan ako at sinabi may isang paaralan na nakatayo rito tinuro nila yung Walter Academy for witches." Pag sisinungaling niya kahit na ang totoo ay matagal naman na talaga siya dito.

"Kaso, hindi naman daw pwede ang mga ordinaryong tao sa loob ng paaralan, pwede mo ba akong tulongang makapasok?" Nakita ni David na parang nabigla si Alison sa tanong niya kaya natawa siya sa isip niya.

"Alam mo naman palang bawal ang mga ordinaryong tao sa loob, bakit hihingi ka pa sa akin ng tulong?" Masungit na sagot ni Alison, kaya naman mas lalong natawa si David sa kanyang isipan dahil nakikita niya kay Alison si Melissa.

"At saka, sa tingin mo tutulongan kita? ni hindi nga kita kilala kaya bakit kita tutulongan?" Dagdag na tanong ni Alison kay David dahilan para matawa lalo si David.

"Nag pakilala na ako kanina hindi ba? ngayon kilala mo na ako, pwede mo na ba ako tulongan?" Pamimilosopo ni David, mula noong araw na iyon alam ni David sa sarili niya na si Alison mismo ang napili upang mag bigay buhay sa sumpa ni Melissa dahil nakikita mismo ni David ang multo ni Melissa na bumubulong kay Alison.

Hanggang sa dumating ang araw ng Witchmural, alam ni David na mapupunta siya sa kaparehang Breed ni Alison at alam mismo ni David na sa gray witch breed mapapadpad si Alison dahil sa kaya niyang makita ang mga bagay ng mas maaga sa tatlong segundo.

Habang patagal ng patagal ang pakikisama niya kay Alison ang siyang mas lalong nagiging dahilan para mahulog siya kay Alison ng tuluyan, kaya naman naisipan niya na mag sulat ng diary kung saan doon niya ilalahad ang mga nararamdaman niya kay Alison.

"Hulyo 5 2020,
Sa araw na ito naganap ang pagiging opisyal na maging familiar ako ni Alison, at sobrang saya ko dahil mas lalo ko siyang mapapangalagaan laban kila Mr. Daniel, Ariza, Kim at Ace. Masaya din ako dahil inimbitahan ako ni Alison na mag sayaw at kahit na iniwan niya ako sa gitna ay nauunawaan ko na nagawa niya lamang iyon dahil natatakot siya, natatakot siya sa mga nakaraang nakita niya."

"Hulyo 8 2020
Ito ang araw kung saan nakuha ni Alison ang mukha ni Melissa matapos isagawa sa kanya ang ritual ng pagiging isang opisyal na Gray witch, alam ko na darating ang panahon na ito na muli kong makikita ang mukha ni Melissa at dahil doon ay mas lalo akong naengganyo na pag butihin ang pag babantay kay Alison dahil dala dala niya ang mukha ng aking unang amo, si Melissa."

"Hulyo 10 2020
Ito ang araw kung saan naganap ang unang pag sasanay namin ni Alison, alam ko na ayw niya akong isali sa laro dahil ang tingin niya sa akin ay isang normal na tao lamang, nais kong sabihin sa kanya ang katotohanan patungkol sa kung sino ako kaya naman napag desisyonan ko na aking aaminin ang aking tunay na katauhan sa kanya sa oras na matapos ang aming pag sasanay."

"Hulyo 12 2020
Dalawang araw nang walang malay si Alison at labis akong nag aalala para sa kanya. Labis akong nag aalala kung makakayanan niya bang makita ang lahat ng nakaraan sa buhay ni Melissa. Alam ko na kailangang gawin ni Melissa na ipakita sa kanya ang nakaraan niya ngunit ako ay nababahala sapagkat makikita niya sa nakaraan kung paano ko pinatay si Melissa, at sa totoo lang ay ako ay natatakot na baka ako ay kanyang itakwil dahil sa nakaraan ko."

"Hulyo 14 2020
Tuluyan nang nagising si Alison at naipag tapat ko na sa kanya kung sino talaga ako, at sobrang saya ko dahil sa wakas wala na akong tinatago kay Alison, maliban sa aking tunay na nararamdaman para sa kanya, ang balak ko ay ipag tatapat ko sa kanya kung ano ang nararamdaman ko sa oras na matapos ang Hymn game."

"Hulyo 15 2020
Natatakot ako... sapagkat nagkaruon ako ng isang pangitain kung saan nakita kong nawalan ng buhay si Alison at nagkagulo sa araw ng laro. Hindi ko alam kung magkakaruon pa ba ako ng tyansa na maamin sa kanya ang aking nararamdaman. "

~~~

5 MONTHS AFTER DAVID'S DEATH.

"Alison..." lumingon si Alison sa tumawag sa kanya at halos mapaiyak siya ng tuluyan ng makita niya si David na nakatayo sa likod niya at nakangiti sa kanya.

"David.." Mahinang tawag ni Alison sa kanya at agad na lumapit kay David upang yakapin ito. Tuluyang tumulo ang mga luha ni Alison ng sandaling mayakap niya si David. Halos napawi ng mga yakap na ito ang pangungulila niya kay David.

"Alison... mali ang ginawa mo.." Bulong ni David sa kanya habang yakap yakap siya nito. "Hindi mo dapat sinaktan ang sarili mo dahil lang sa nangungulila ka sa akin." Dagdag ni David saka humarap kay Alison na umiiyak.

"Patawarin mo ako... ngunit iyon lang ang nakikita kong paraan nang sa ganon ay makasama na kita." Sabi ni Alison kaya naman hinawakan ni David ang pisngi ni Alison saka pinunsan ang mga luha na tumutulo mula sa kanyang mga mata.

"Mali parin ang ginawa mo sa pagkat alam mo na ayaw kong nakikita kang nasasaktan." Sabi ni David saka ngumiti kay Alison. "Hindi mo pa oras Alison, bumalik ka na sa katawan mo." Umiling si Alison dahil sa sinabi ni David.

"Ayoko..." Umiiyak na sagot ni Alison.

"Kunin mo na ako, David. Isama mo na ako sa iyo." Umiling si David saka ngumiti kay Alison.

"Kahit na nais kong makasama ka Alison hindi ko gagawin ang bagay na iyan, sa pagkat may mga taong nag mamahal sayo na tiyak na masasaktan sa oras na mawala ka." Sabi ni David.

"Mahal kita, David." Napangiti si David sa sinabi ni Alison.

"Mahal rin kita, Alison." Sabi ni David dahilan para matigilan si Alison. "Mahal kita, kaya kita nilagtas sapagkat nais kong ienjoy mo ang buhay mo sa mundo kung saan ka nararapat. Nais ko na mabuhay ka ng mahaba." Sabi ni David saka pinag dikit ang nuo nila ni Alison.

"Kaya naman, bumalik ka na sa kanila Alison, at ipangako mo sa akin na hindi mo na ulit uuliting tangkaing kitilin ang sariling buhay mo sa pagkat tuluyan akong magagalit saiyo sa oras na makita kita sa lugar na gaya nito." Sabi ni David kaya mas lalong naiyak si Alison.

"Mabuhay ka para sa akin Alison, mabuhay ka para sa ating dalawa." Pag kasabi ni David ng mga salitang iyon ang siyang paghalik niya kay Alison sa nuo nito at ang tuluyang pag bukas ng mga mata ni Alison.

Una niyang nakita si Wayne na nag aalala sa kanya sunod ang mga doktor na inaasikaso siya. Muling bumuhos ang luha ni Alison habang nakatingin sa kisame.

"Mabubuhay ako... para sa ating dalawa, David." Wika ni Alison habang nakatingin sa kawalan.

~~~~ The End~~~

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon