Chapter 3: Preparation

168 7 0
                                    

"Ito Alison tignan mo sa tingin ko bagay sayo ito, dali sukatin mo!" Sabi ni Franxine saka inabot sa akin ang damit na kinuha niya.

Napairap ako saka pinag cross ang aking braso.

"Franxine hindi ba't narito tayo para bumili ng mga gagamitin natin sa Witchmural?"tanong ko sa kanya.

Nag-pout siya saka binaba ang hawak niyang damit.

"Syempre kailangan mo rin ng panibagong damit pare-parehong damit ang sinusuot mo araw-araw, hindi ko alam kung isa lang ba ang damit mo o talagang tamad ka lang mag hanap ng ibang damit sa closet mo." Sabi nya, natawa ako saka napakamot sa ulo ko. Ang totoo nyan nakatambak na sa labahan ko ang mga damit ko at talagang tinatamad ako mag-laba.

"Franxine, unahin nalang muna natin ang mga importanteng gamit na kailangan natin sa witchmural saka na tayo bumili ng mga damit." Sabi ko, huminga siya ng malalim saka binalik sa lagayan ang damit na kinuha niya, muli siyang humarap sa akin habang nakangiti siya.

"Pag tapos ng witchmural mag shoshopping tayo ah." Sabi niya kaya tumango ako bilang sagot, nakangiti niya akong hinila patungo sa bilihan ng mga gamit na kakailanganin namin.

Nagsimula na kaming maghanap ni Franxine ng mga gamit na kakailanganin namin pag ginanap ang witchmural, ang witchmural ay gaganapin ng tatlong araw, sa pangunang araw ay aalamin kung anong breed kami ng mga witch, sa pangalawang araw pagsasamahin ang mga magkakaparehong breed para magkaruon ng pagkakakilala ang bawat isa at sa pangatlong araw naman gaganapin ang isang seremonya para sa lahat ng mga breed ng witches.

"Studyante ka ng Walter academy for witches?" napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko, isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang, nakasuot siya ng puting polo at maong pants, tugma sa kulay ng kanyang mata ang buhok niyang kulay itim, katamtamang kulay ng moreno at pulang labi.  Ngumiti siya sa akin.

"O-oo." Sagot ko inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko kaya napatitig ako rito.

"David Gomez."Pakilala niya, ibinalik ko ang tingin sa kanya. Nakangiti siya sa akin, napalunok ako ng mapansin kong nagiging singkit siya kapag ngumingiti siya.

"Alison." Maikling pakilala ko saka binalewala ang kamay niyang nakalahad sa harap ko.Narinig ko ang mumunting tawa niya kaya muli akong napatingin sa kanya.

"Bago lang ako dito sa town, nitong nakaraang lingo lang ako lumipat rito at nag hahanap ng paaralan na mapapasukan, may napagtanungan ako at sinabi may isang paaralan na nakatayo rito tinuro nila yung Walter Academy for witches."Kwento niya,napairap ako ng di-oras. Ano naman ngayon sa akin kung bagong lipat lang siya at nag hahanap siya ng mapapasukang paaralan?

"Kaso, hindi naman daw pwede ang mga ordinaryong tao sa loob ng paaralan, pwede mo ba akong tulongang makapasok?" Napalingon ako sa kanya, isa syang ordinaryong tao?

Natawa ako, "Alam mo naman palang bawal ang mga ordinaryong tao sa loob, bakit hihingi ka pa sa akin ng tulong?"Tanong ko, akmang sasagot na siya ng magsalita ako ulit.

"At saka, sa tingin mo tutulongan kita? ni hindi nga kita kilala kaya bakut kita tutulongan?" Tanong ko sa kanya.

"Nag pakilala na ako kanina hindi ba? ngayon kilala mo na ako, pwede mo na ba ako tulongan?" Tanong niya kaya napaawang ang labi ko. Ibang klase itong lalaking ito, ang lakas naman ng loob niya para sabihin iyon.

"Alison tignan mo itong nakita ko." Napalunok ako ng lumapit sa akin si Franxine, bigla siyang napatingin sa lalaking nasa harap ko.

"Oy, sino sya ha, ikaw ah hindi mo sinasabi sa akin na may jowa ka na pala." Napa awang ang labi ko dahil sa sinabi niya habang hindi inaalis ang paningin sa lalaking yun.

"Ako si David Gomez."Pakilala ng lalaki kay Franxine, napairap nalang ako saka binalik ang paningin ko sa mga gamit na nasa harap ko.

"Franxine Hermoza, bago ka lang ba dito? ngayon ko lang kasi nakita yung mukha mo." Sabi ni Franxine, abala ako sa pag hahanap ng bagay na gagamitin ko.

"Oo, kakalipat ko lang dito noong nakaraang lingo and nag hahanap ako ng paaralan na pwedeng pasukan, tinuro nila yung Walter Academy for witches pero bawal ang mga ordinaryong tao doon."Dinig kong sabi ng David na iyon kay Franxine.

"Oh? gusto mo tulongan kita makapasok? lolo ko ang isa sa mga chairman ng school namin." Sabi ni Franxine kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.

"Franxine."Tawag ko kaya napatingin sa akin si Franxine. "Hindi pwede ang mga katulad niya sa paaralan natin, kaya tigilan mo iyang sinasabi mo natutulongan mo siya." Suway ko.

"Pero ito lang naman yung school na meron sa town."

"Kahit na, kung gusto nya lumipat siya ulit sa ibang town kung saan may normal na paaralan para sa mga taong kagaya niya, ano naman ang matututonan ng mga tao sa paaralan natin? "Tanong ko saka tumingin sa David na iyon.

"Tigilan mo kami ng kaibigan mo dahil wala kaming maitutulong sa iyo." Sabi ko.

"Kakasabi niya lang na chairman ang lolo niya sa school niyo." Sabi naman nito kaya kumunot ang nuo ko.

"Oh ano ngayon? hindi ka pwede sa paaralan namin dahil walang normal na subject para sa mga taong nandoon." Sabi ko, napakamot siya sa ulo niya.

"Pero gusto ko mag aral ng mga witch craft, kaya nga ako lumipat sa town na ito para mag aral sa paaralan niyo, mag babayad ako kahit magkano." Sabi niya saka lumingon kay Franxine.

"Gusto kong maka-adapt ng bagong environment, gusto kong matuto ng mga bagay na hindi pa alam ng ilang mga kagaya ko kaya please, tulongan niyo naman ako makapasok."Sabi nito kay Franxine, tumingin sa akin si Franxine, inirapan ko lang siya saka nag patuloy sa paghahanap ng ilan ko pang gagamitin.

Hindi ko mawari kung anong pumasok sa utak ng lalaking iyon at naisipan niyang mag tungo dito sa lugar namin para lang gawin ang ambisyon niya na mag aral ng mga bagay na hindi pa nagagawa ng ilang mga tao.

"Me...li....s...sa.." Napahinto ako sa kinatatayuan ko ng may marinig na naman akong bumulong, napalingon ako sa paligid ngunit wala naman akong nakitang ibang tao kundi ako lang, huminga ako ng malalim saka pinakalma ang sarili ko, kinapa ko ang bulsa ko para sana kunin ang gamot na iniinom ko ngunit wala ito doon.

Napalunok ako saka patuloy na pinakalma ang sarili ko.

"Matutulongan kita, kaso may screening pa kasing gagawin doon, pag nakapasa ka baka papasukin ka nila at tangapin."rinig kong sabi ni Franxine kay David, papalapit na ang dalawa sa akin ngayon, napalunok ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"El tiempo de la muerte esta cerca."



~~~


Tweet me redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram: rediousinpaper

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon