Chapter 23: The players

52 3 0
                                    

Agad na bumungad sa amin ni David ang mukha ni Ariza nang buksan ni Kim ang pinto ng head quarters nila. Sa dulo nito natanaw ko si Franxine at Wayne na nakaupo sa mahabang upuan. Agad akong ngumiti nang makita sila.

"Franxine." tawag ko, agad na lumingon sa gawi ko si Franxine at ngumiti nang makita ako.

"Alison!" Tawag niya saka nag mamadaling lumapit sa akin at yumakap.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko saka lumingon kay Wayne na papalapit sa gawi namin.

"Pinatawag nila kami." Sagot ni Wayne kaya nabaling ang atensyon ko kay Ariza na nakatingin sa amin.

"Maupo muna kayo Ms. Ferrer." Sabi nito, agad akong hinila ni Franxine papunta sa upuan kung saan siya nakaupo kanina. Sumunod sa amin sila David at Wayne.

"Hindi namin maintindihan kung bakit kinailangan namin mag skip ng klase para lang makausap nila kami."Sabi ni Franxine habang nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa ninyo dito?" Balik na tanong ni Wayne sa amin ni David.

"Pinatawag nila kami." Sabi ni David. Kumunot ang nuo ni Wayne. Nakita ko na lumabas sila Ariza at Ace at apat nalang kaming natira dito sa loob.

"Bakit naman?" Tanong ni Wayne.

"Hindi ko alam kung bakit nila ako pinatawag." Sabi ni David saka tumingin sa akin. "Sya naman, pinatawag siya kasi isa siya sa mag lalaro sa Hymn games." Sabi niya kaya lumingon si Wayne sa akin.

"Talaga ba?" Tanong niya, tumango ako bilang sagot.

"Ibig sabihin nakapili na sila ng mga maglalaro." Sabi ni Franxine.

"Baka naman isa rin kayo sa mga napili." Sabi ni David kaya napalingon ang dalawa sa kanya.

"Sa tingin mo?" Tanong ni Franxine.

"Ayaw mo ba?" Tanong ko, tumingin sa akin si Franxine saka umupo ng maayos.

"Hindi naman sa ayaw ko," Sabi niya saka yumuko. "Natatakot lang ako na baka matalo kayo dahil sa akin." Dagdag niya, napangiti ko. Kahit kailan ay wala talaga siyang tiwala sa sarili niya.

Isa ito sa mga kinaiinisan ko kay Franxine. Hindi siya nag titiwala sa sarili niya mas nag titiwala siya sa iba kesa sa kakayahan niya.

"Franxine." Tawag ko sa pangalan niya, hindi siya tumingin sa akin. Alam niya ang ibig sabihin ko doon. Ilang beses na kaming nag usap ni Franxine tungkol sa hindi niya pag titiwala sa sarili niya.

"Sorry Alison, hindi ko lang maiwasang hindi mag overthink dahil alam ko na isang malaking kahihiyan para sa pangalan ng paaralan natin ang matalo sa laro kalaban ang ibang paaralan." Sabi niya, huminga ako ng malalim saka tumingin kay David na nakatingin sa amin.

"Alam mo, matalo man o manalo dapat hindi mo isisi sa sarili mo ang mga bagay na hindi mo naman hawak." Sabi ni Wayne. "Ano naman ngayon kung natalo, hindi lang naman ikaw ang nag lalaro sa game." Dagdag ni Wayne, nakita ko na medyo nawala ang kaba ni Franxine dahil sa sinabi ni Wayne.

"Isa pa, makakasama mo si Alison sa laro, sigurado naman ako na hindi ka niya pababayaan." Sabi ni David kaya umangat ang tingin ni Franxine sa akin saka ngumiti.

"Thank you." Sabi niya sa amin saka ngumit.

Hindi biro na mawalan siya ng tiwala sa sarili niya, alam ko na may dahilan kung bakit wala siyang tiwala sa sarili niya at naiintidihan ko ang bagay na iyon kaya naman ginagawa ko ang lahat para muling bumalik ang tiwala niya sa sarili niya. Buti nalang at nandito sila David at Wayne, gumaan ang loob ni Franxine dahil sa sinabi nila.

Sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng magbukas iyon, iniluwa noon si Ariza kasunod si Ace at ang dalawang studyante.

"Pumasok kayo." Sabi ni Ariza sa dalawang studyante.

Ngumiti si Ariza sa amin saka tumingin sa dalawang studyante.

"So, I gathered you here for one reason." Sabi ni Ariza. saka tinignan kami isa isa.

"Kayo ang napili namin na mag laro sa Hymn game na magaganap sa oras ng bloody moon." Tumigin ako kay David.

"Kasama si David?" Tanong ko kaya napalingon silang lahat sa akin.

''Yes Ms. Ferrer." nakangiting sagot ni Ariza kaya kumunot ang nuo ko.

"Parang hindi naman ata tama na isali si David." Sabi ko, naramdaman ko na tumingin sa akin si David.

"Familiar ko siya, at isa lamang siyang ordinaryong tao. Hindi ko ilalagay ang buhay ng familiar ko para sa isang delekadong laro." Sabi ko, huminga ng malalim si Ariza.

"Isa si Mr. Gomez sa mga napili ng limang matataas na myembro ng Walter, wala akong magagawa upang alisin ang pangalan ni Mr. Gomez sa listahan dahil sila na mismo ang nag lagay noon." Sabi niya kaya natawa ako.

"Talaga ba? o baka naman ginagawa niyo lang ito upang may mapatunayan na naman kami." Sabi ko kaya kumunot ang nuo ni Ariza.

"Alison, tama na." awat ni Franxine sa akin.

"Ms. Ferrer, ano bang pinag sasabi mo? gustohin ko man na alisin ang pangalan ni David sa listahan ay hindi ko magawa dahil ang mga matataas na myembro na ng walter ang pumili sa kanya."

"Ang sabihin mo, talagang sinadya ninyo na isali siya sa laro dahil kasali ako sa mga mag lalaro."

"Alin ba sa mga sinabi ni Ariza ang hindi mo naiintindihan Alison?" singit ni Ace kaya tinitigan ko siya ng masama.

"Kung gusto mong alisin ang pangalan ng familiar mo sa listahan then sabihin mo sa mga matataas na myembro ng Walter, ikaw ang mag tungo sa tanggapan nila at sabihin na huwag isali ang Familiar mo sa laro." Sabi nito.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya huwag kang sasabat." Sabi ko.

"Tayong walo ang nag uusap ngyon sa paanong paraan ako hindi sasabat?" Tanong niya.

"Sinasadya niyo lang ito dahil gusto ninyong malaman ang koneksyon namin sa isa't isa." Sabi ko kaya natitgilan sila.

"Ms. Ferrer, huminahon ka. Wala kaming gustong patunayan." Mahinahong sabi ni Ariza.

"Talaga? kung ganon kausapin ninyo ang limang matataas na opisyal ng walter na alisin si David sa laro dahil kayo ang malapit sa kanila hindi ba?"

"Bakit ba ang tigas ng--"

"Tama na." Natigilan kami ni Ace ng magsalita si David, malamig ang awra niya habang nakatingin sa akin.

"Gusto kong mag laro." Sabi ni David sa akin kaya natigilan ako.

Hindi naiintindihan ng lalaking ito kung gaano kapanganib ang gusto niyang mangyare.

Isa siyang tao, wala siyang taglay na ao mang mahika o kapangyarihan, ang sumali sa laro na iyon ay isang malaking kalokohan lalo na sa isang katulad niya na pangkaraniwang tao lamang.

"Nag salita na ang Familiar mo, siguro naman tatahimik ka na." Sabi ni Ace, hindi ko siya pinansin dahil nakatitig lamang ako kay David na malamig ang awra ngayon.

Natawa ako saka sumandal sa upuan ko.

"Bahala ka sa buhay mo."

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon