Chapter 12: Breeds and Familiar

122 5 0
                                        

Pinagmasdan ko ang pila ng mga studyante na ngayon ay nasa gitna, ang lahat ng mga nakapila sa ilalim ng flag ay tapos na malaman kung anong breed nila, at ang nakakamangha pa ay may mga familiar sila.

Ang mga familiar ay mga mahihiwagang nilalang na nag tataglay ng malakas na kapangyarihan, ang mga ito ang nag sisilbing gabay ng mga witch at nag sisilbing lakas at taga-pangalaga.

Hindi kami na inform tungkol sa bagay na ito, ito pala ang surpresa sa amin. Ang mga upper year ay walang familiar dahil sa tatlong taong natulog ang mga familiar at nasaktohan na ngayong taon ay gising na ang mga familiar spirit.

Nagigising lamang sila kapag bloody moon, kaya pa swertihan na lamang ang masaktohan kung kailan magkakaruon ng bloody moon.

Mas lalo tuloy akong na excite na malaman ang breed at kung anong familiar ang makukuha ko. Habang patagal ng patagal ang syang kagustuhan ko na malaman ang kung anong makukuha kong familiar spirit.

Muli kong nilibot ang paningin ko, may ilan na nakakuha ng fairy, dragon, at zodiac signs spirits.

Sana makuha ko ang astral spirit.

"Ano ba ang mga nilalang na lumalabas sa bilog na iyon?" Tanong ni David na nakapila sa likod ko, ang section na namin ang susunod sa pila.

"Familiar spirit, sila yung mag babantay sa mga witch."Sabi ko saka lumingon sa kanya.

"Wag mo na asahan na magkakaruon ka ng familiar, dahil ang mga tao ay walang kakayahan na tumawag ng familiar." Sabi ko.

Bigla siyang natawa.

"Kahit kailan talaga napakasungit mo, parang ang big deal sayo ng pagiging tao ko." Sabi niya, natawa ako.

"Talaga." Saabi ko saka muling tumingin sa harap.

"Alam mo sayang ka, kung naging witch ka sana eh di magkakaruon ka ng familiar spirit kagaya namin." Sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa harap.

"Sa tingin mo, kung naging witch ba ako anong familiar spirit ang makukuha ko?" Tanong niya, lumingon ako muli sa kanya.

"Hmm sa tingin ko spirits of air ang makukuha mo." Sabi ko, nakita ko ang pag nginit niya.

"Talaga? paano mo naman nasabi?" Tanong niya.

"Wala lang, kasi kalmado ka? " Sagot ko na mas lalong kinatawa niya, inirapan ko lamang siya saka muling tumingin sa harap kung saan malapit nang sumunod ang nasa pinaka unahan ng pila namin.

"Ano yung ginagawa nila? Bakit sinusugatan nila yung sarili nila?" Tanong niya ulit kaya tumingin ako sa kabilang banda kung saan nagaganap ang pag kontrata ng Familiar at ng amo nitong witch.

"Yun yung paraan ng pag kontrata ng mga witch at familiar." Sagot ko.

"Sinusugatan ng mga witch ang palad nila saka ipaapatak ang dugo sa familiar nila, pag katapos ay lalabas ang symbolo ng kasunduan ng familiar at witch sa katawan ng familiar." paliwanag ko.

"Ganon pala iyon, ang gaaling. Sa aming mga tao tanging pag sulat lamang ng lagda sa papel ang ginagawa namin kapag mag papalitan ng kontrata." Sabi niya.

"Infernes naman sayo Alison dinadaldal mo na si David." Tinignan ko ang nag salita sa harap ko, si Wayne.

"Ano ka ba, masaya si Alison ngayon kaya ganon." Sabi naman ni Franxine na nasa harap ni Wayne.

"Alam niyo ang iisue niyo." Sabi ko saka inirapan ang dalawa.

Nagkaruon ng katahimikan sa pagitan naming apat ng mag simula ng gumalaw ang pila sa linya namin, palapit ng palapit ay palakas ng palakas ang pag tibok ng aking puso.

Hanggang sa si Franxine na ang naisalang para alamin ang breed niya.

Nakita namin na umilaw ng kulay asul ang mahiwagang crystal simbolo na isa siyang coven based witch." Napangiti ako ng makita ko na nag upgrade ang wand na inilagay niya sa ibabaw ng crystal, nakangiti siyang lumingon sa gawi namin at masayang ipinakita ang wand niya.

Sunod ay lumabas sa katabing bilog ng crystal ang isang black cat na may hugis buwan sa ulo.

"Congratulations, isang black cat's spirit ang Familiar mo." Sabi ni Ariza na siyang nag gaguide sa aming mga studyante.

"Isa sa tatlong klase ng pinaka mahusay na familiar spirits ang nakuha mo." Dagdag nito at sinenyasan ang isang kasamahan nito. Agad na inalalayan ng isang council si Franxine patungo sa lugar kung saan mag sisimula ang kontrata ni Franxine at nang familiar niya.

Sumunod sa pila si Wayne na ngayon ay ipinatong na ang wand nito sa sa taas ng crystal. Unti unting umilaw ng kulay dilaw ang crystal, ibig sabihin isa siyang cosmic witch, bigla akong namangha ng makita ko ang napaka gandang wand niya, nag upgrade din ito.

"Sana maging cosmic witch rin ako." bulong ko habang nakatingin kay Wayne na nakatingin sa wand niya na kulay kitam at nababalutan ng kakaibang dyamante.

Sunod na lumabas ang familiar niya, isang kulay itim na aso na may kakaibang balahibo.

"Isang Vulpes, congratulation isang napaka ganda at napakalakas na Familiar ang nakuha mo." Nakangiting sabi ni Ariza.

Napalingon ako kay David.

"Palit nga tayo." Sabi ko sa kanya, kumunot ang nuo niya.

"Bakit? Ikaw na ang susunod." Sabi niya.

"Kinakabahan ako." Sabi ko, natawa siya at nakipag palit ng pwesto sa akin.

Nakita ko na siya na ang sunod na isinalang.

"Nasaan ang wand mo?" Tanong ni Ariza sa kanya.

"Ah nako, wala akong wand." Sabi nito, kumunot ang nuo ni Ariza, may isang taohan niya ang lumapit sa kanya at bumulong dahilan para mapatingin muli si Ariza kay David.

"Ikaw yung taong nakapasok sa walter." Sabi nito na agad namang tumango si David.

"Kung nais mo hawakan mo nalamang ang crystal." Sabi ni Ariza, bagay na ikinakunot ang nuo ko.

Isa lamang siyang tao pero bakit gusto pa ni Ariza na hawakan ni David ang crystal?

Agad naamang sumunod si David kay Ariza, hinawakan nito ang crystal at unti unting naging kulay gray, kumunot ang nuo ko at napalingon kay Ariza na nakakunot rin ang nuo.

"Doon ka nalamang muna sa gilid." Sabi ni Ariza kay David, alam ko na alam ni Ariza na ang kulay na lumabas sa crystal ay kulay ng mga Gray witch.

Tumingin sa akin si Ariza, symbolo na ako na ang susunod. Dahan dahan akong lumapit sa crystal saka ipinatong ang wand ko sa crystal, sobrang bilis ng tibok ang puso ko, talagang ipinag dadasal ko na sana mapunta ako sa cosmic breed dahil iyon ang pangarap ko.

Dahan dahang nag iba ang kulay ng crystal naging gray ito kagaya ng kay David, dahilan para matulala ako sa pagkalumo.

Ibig sabihin isa akong Gray witch...

Napalingon naman ako sa bilog kung saan lalabas ang familiar spirit ko, kumunot ang nuo ko ng ilang minuto ay wala pang lumalabas na familiar sa bilog.

Napalingon ako kay Ariza na nakakunot ang nuo gaya ko, muli kong tinignan ang portal at mas lalong kumunot ang nuo ko ng may lumabas na kamay mula roon sunod ang syang paglabas ng katawan sa portal.

"David?!" gulat kong tanong ng lumabas siya sa poratl, lumingon ako sa lugar kung saan siya nakatayo kanina, wala na siya doon.

Tumingin ako muli sa lugar kung saan lumabas si David.

"Anong ginawa mo?!" tanong ko habang nakatingin sa kanya.

~~~

Tweet me @redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram: rediousipaper

The Cursed of MelissaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon