Chapter 20: Day 3 of Witchmural

86 4 0
                                        

7: 00 AM nasa labas na ang lahat ng studyante ng Walter Academy para sa huling araw ng Witchmural. Sa araw na ito ay gaganapin ang isang ritual para sa lahat ng mga breeds ng witches and wizards na nag aaral dito sa Walter.

Muli akong napahikab at umunat habang nakatayo sa pila naming mga Gray witch. Sa likod ko nakapwesto si David na hanggang ngayon ay malamig ang awra. Bahala siya jan, hindi ko siya aamohin para lang pansinin niya ako.

Siya ang nag mamatigas sa bagay na imposible.

Huminga ako ng malalim saka tinuon ang atensyon ko sa harap. Kanina ko pa hinahanap si Franxine pero hindi ko siya makita.

"David!" Lumingon ako sa tumawag kay David. Si Franxine, buti naman at nakita ko na ang babaeng ito. Napangiti ako ng makita ko siya na papalapit sa gawi namin. Nag bago ang haba ng buhok niya, mula sa mahaba ay naging maiksi ito.

"Nakita mo ba si Alison?"tanong niya ng makalapit siya sa amin. Kumunot ang nuo ko, nadama ko bigla na tumingin si David sa gawi ko.

Biglang tumingin si Franxine sa akin.

"Hello, sorry kakausapin ko muna ang kaibigan ko." Sabi nya saka tumingin kay David.

"Oi ano? Nasaan si Alison?"tanong niya.

Saka lang nag sink in sa akin na hindi pala ako makikilala ni Franxine dahil sa hindi ko na mukha ang gamit ko ngayon.

"Franxine." Tawag ko, tumingin siya sa akin.

"Hello, bago ka lang ba dito? Sorry ngayon lang kasi kita nakita, paano mo pala nalaman name ko?"tanong niya. Huminga ako ng malalim.

"Siya si Alison." Sabi ni David na nasa likod ko. Kumunot ang nuo ni Franxine saka tumingin sa akin.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka muling tumingin kay David.

"Alison din pangalan mo?"tanong niya sa akin.

"Franxine, ako ito si Alison. Alison Ferrer." Sabi ko, mas lalong kumunot ang nuo niya. "Binigyan mo ko ng red dress hindi ba para peace offering mo sa sakin." Sabi ko kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Omg! Alison ikaw nga! Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong niya saka niyakap ako. Napairap ako saka natawa. Kahit kailan ang babaeng ito ay napaka ingay.

Kumalas siya sa pag kakayakap sa akin.

"Anong nangyare? Bakit naging ganyan ang mukha mo? Kasama ba sa pagiging Gray witch ang pag babago ng mukha?"tanong niya, natawa ako. Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at paano ko sisimulan ikwento sa kanya na naging ganito ang mukha ko.

Bigla ko tuloy naalala yung sa party kung saan hindi siya naniwala sa akin. Natatakot ako na baka pag sinabi ko sa kanya kung ano ang nangyare sa akin ay hindi siya maniwala.

"Franxine, nakita mo ba si Alison?" Sabay kaming tumingin sa kakarating lang, si Wayne kasama ang familiar niya. May nag bago din kay Wayne, mas lalong pumuti ang balat niya at mas lalo siyang nakaka akit na tignan. Sigurado ako na madaming babaeng mapapaiyak si Wayne.

Bigla siyang napalingon sa akin, kumunot ang nuo niya saka biglang nanlaki ang mga mata.

"Melissa?!" Gulat niyang tanong habang nakatingin sa akin.

"Ano ka ba Wayne, si Alison iyan." Sabi ni Franxine. Kumunot ang nuo ni Wayne.

"Ha? Hindi, si Melissa iyan." Sabi niya, tumingin sa akin si Franxine.

"Paano mo ba kasi napalitan ang mukha mo?"tanong niya.

"Ipapaliwanag ko sayo sa susunod." Sabi ko saka tumingin sa harap, mag sisimula na ang ritual.

"Bumalik na muna kayo sa pila ninyo, mag sisimula na ang ritual." Sabi ko. Alam kong naguguluhan sila dahil sa naging itsura ko ngayon. Parehas silang bumalik sa kanilang pila kasabay noon ang pag sasalita ni Ariza sa harap.

"Magandang umaga students."nakangiting bati ni Ariza. "I would like to thank you all for doing your part and cooperating with your new instructor. And also, I would like to congratulate you all for successfuly claiming your breeds." Sabi nito.
Bigla ko tuloy naalala ang huling usapan namin ni Ariza kanina bago ako umalis sa head quarter.

"As for today is the last day our witchmural, I would like to personally welcome you all as you enter and join your official breeds. As part of this event, nag handa kami ng mga uniform ninyo na susuotin niyo kinabukasan for normal classes. Bawat breed ay may uniform, So maa-identify ninyo ang mga students na makakasalamuha ninyo, either sila ay kabilang sa coven, gray witch or so on." Paliwanag ni Ariza.

"Also, since nakilala niyo na ang bago ninyong mga instructor, sila na ang tatayo bilang instructor ninyo for whole semester class. Your schedule will be announce by your new instructor tomorrow and I would also like to remind you about the Magic Hymn games that will be held here in our academy during bloody moon. And as of now, we already choosen one participant to join the game." Napayuko ako.

Ako ang tinutukoy nya na sasali sa game na iyon.
Sa makatuwid, ang napag usapan namin ni Ariza kanina ay tungkol sa laro, at sinabi niya na isasali ako sa laro na iyon nang sa ganon ay mapatunayan ko sa supreme council at sa limang matataas na myembro ng paaralan na isa akong mabuting witch.

Ginawa nilang basehan ang mukha ko kung mabuti ba ako o hindi, which is unfair para sa akin.

Huminga ako ng malalim, ako palang ang nakaka alam na isa ako sa mga sasali sa game.

May kung ilang announcement pang sinabi si Ariza bago niya simulan ang ritual na para sa pangkalahatan.

Sabay sabay naming itinaas ang wand namin at kasabay noon ang pag labas ng itim na ilaw mula sa aming mga gray witch.

Naipon ang mga ilaw na iyon sa langit hanggang sa unti unti itong lumaki na parang bola at sumabog sa kalangitan.

Tila naging fireworks ito dahil sa mga ilaw na inilalabas nito matapos sumabog sa langit.

Nag simula nang mamigay ng uniform ang mga taga supreme council, muli ko na namang nakita si Ace, ang isa sa mga supreme council ns nag pakulo ng dugo ko kanina.

"Congrats everyone! You guys officially taken your breeds as a part of your personality!" Wika ni Ariza.

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa hawak kong uniform.
Kulay black ang colar nito at gray naman ang damit.

Wala na akong magagawa, kahit na mag busimangot ako at magwala, isa na talaga akong Gray witch kagaya ni Melissa. At kung minamalas pa ay nakuha ko ang mukhs niya matapos ang ritual na ginawa sa akin.

~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinapaper

The Cursed of MelissaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon