Chapter 9: News

76 2 0
                                    

"Boyfriend niya pala yon?"

"Kaya pala magkatabi sila."

"Siguro kaya nakapasok iyon sa academy ay dahil kay Alison."

"Bakit nadamay ang pangalan ko?"tanong ko sa tatlong studyante na naguusap sa hallway, sabay silang napatingin sa akin at halatang natakot.

Tinaasan ko sila ng kilay.

"Ka-kasi nasa balita ka."sabi ni Crisa, isa sa mga kaklase ko. Kumunot ang nuo ko.

"Anong balita naman iyan?"tanong ko. Inabot sa akin ni Aliah ang newspaper na hawak niya.

"Alison Ferrer and David Gomez is in a relationship."

"Is it true that David Gomez the pure human being is in a relationship with Alison Ferrer?"

"Anak ng tinapa, saan nyo naman nakuha ito?"tanong ko at pinunit ang newspaper na nasa harap ko.

"Kay Wayne."sabay nilang sabi. Napatingin ako sa dereksyon ni Wayne na nakikipag usap sa isa sa mga kaklase namin.

Agad akong pumasok sa loob ng classroom saka nilabas ang wand ko.

"Exhastou!" Bigkas ko ng spell saka tinapat kay Wayne ang wand ko, agad siyang lumutang sa ere hanggang sa dumikit siya sa pader ng classroom.

"Alison ibaba mo ako rito!" Sigaw niya na halatang nagulat dahil sa ginawa ko.

"Alison anong nangyayare?"rinig kong tanong ni Franxine na nasa likod ko, hindi ko siya pinansin. Sa halip ay tinapat ko ang wand ko pababa sabay noon ang pag baba ng katawan ni Wayne, agad ko siyang hinawakan sa kwelyo ng uniform niya.

"Ano itong balita na kumakalat sa paaralan?"tanong ko saka binato sa mukha niya ang newspaper na nakuha ko.

Tinignan niya iyon saka tumingin sa akin.

"A headline, headline lang naman kasi wala na kaming ma topic sa org."sabi niya kaya mas lalo kong diniinan ang pagkakahawak sa kwelyo niya.

"Binigyan ba kita ng pahintulot na gamitin mo ang pangalan ko para sa topic ng org. mo ha?!"galit kong tanong sa kanya.

"Alison tama na." Awat ni Franxine.

"Alisin mo ang pangalan naming dalawa sa headline, ngayon na!" Sigaw ko dahilan para magulat si Wayne.

"O-oo na." Sabi niya saka nilabas ang wand niya.

"Eration." Bigkas niya, nakita ko na unti unting nawala ang headline tungkol sa amin ni David. Tumayo ako ng maayos saka tinago ang wand ko, tumayo rin siya ng maayos saka inayos ang uniform niya.

"Sa susunod na gamitin mo pa ang pangalan ko malilintikan ka na sakin."banta ko, tumalikod ako mula kay Wayne, sakto naman na nahagip ng mga mata ko si David na nakatayo sa gilid at nakatingin sa akin.

Tinignan ko lang siya saka lumabas ng classroom.

~~~

Tatlong araw matapos kumalat ang balita, naging mainit parin ang pangalan ko kadikit ang pangalan ni David at Wayne.

Sa tatlong araw na iyon, hindi ako pumasok sa paaralan dahil sa tinatamad ako at nasaktohan pa na nagkasakit ako.

Ngayon palang ako nakapasok muli matapos ang naganap na pagsugod ko kay Wayne.
Hanggang ngayon naririnig ko parin ang pangalan ko.

"Alison sorry na, hindi ko naman kasi alam na si Wayne pala ang bagong head ng organization na iyon. Saka hindi ko naman alam na tototohanin niya yung biro ko." Paliwanag ni Franxine. Tinignan ko sya saka huminga ng malalim at umupo sa upuan ko.

"Sa susunod kasi wag ka na mag sasalita ng mga foul words lalo na't alam mong kasama natin si Wayne." Sabi ko, hindi ko naman siya masisi. Kahit na naiinis ako alam ko na biro lang naman ni Franxine na sabihin na boyfriend ko si David.

"Oum, promise hindi ko na uulitin." Sabi niya saka inilahad sa harap ko ang isang red box. Tinignan ko lang iyon saka binalik ang tingin sa kanya.

"Ano naman yan?"tanong ko.

"Peace offering kasi masyadong foul yung nasabi ko."sabi niya. Natawa ako saka kinuha ang kahon.

"Buksan mo na." Sabi niya kaya tinignan ko siya bago buksan ang kahon. Kumunot ang nuo ko ng makita ko ang red dress na nasa loob ng kahon.

"Yan yung dress na nakita natin sa shop noong nag hahanap tayo ng gamit for witchmural." Sabi niya, tinignan ko siya.

"Suotin mo yan pag magaganap na ang unang araw ng witchmural. Sabi kasi nila formal attire daw ang kailangang suotin sa day one." Sabi niya saka ngumiti sa akin.

"Franxine, mahal ito. Hindi mo naman na kailangan na bilhan ako ng damit para lang mag sorry ka."sabi ko. Natawa siya.

"Nako wala iyon, gusto ko lang talaga na itreat ka."sabi niya kaya napangiti ako at niyakap siya.

"Kahit na minsan bato ang puso mo sakin para sa akin mabait ka parin. Para lang tayong aso't pusa." Sabi niya habang yakap yakap ko sya. Natawa ako saka humiwalay sa pagkakayakap.

"Anyways, bukas na iyong witchmural, ang alam ko papauwiin nila tayo ng maaga para mag handa sa magaganap na event bukas." Sabi niya saka pinag cross ang kanyang braso.

"Alam mo ba sabi sa higher year noong nag witchmural sila may mga partner partner daw sila." Sabi niya at ngumiti.

Natawa ako saka inayos ang regalo na binigay niya sa akin, inilagay ko iyon sa loob ng bag ko saka tumingin sa langit, as usual maitim parin.

"Buti nga natuloy yung witchmural natin kahit maitim ang langit." Sabi ko.

"True, akala ko nga hindi matutuloy dahil sa pagitim ng ulap." Sabi niya lumingon ako sa kanya, saka napalingon sa katabing upuan ko.

"Hindi ba papasok si David ngayon?"tanong ko.

"Hmm mahuhuli daw siya sabi niya, nag text siya sakin kanina." Sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Magka text kayo ni David?"tanong ko. Tumango siya bilang sagot, napalunok ako.

"Binigay niya sakin number niya. Hinihingi niya nga rin number mo sabi ko baka magalit ka." Kwento niya kaya naismid ako.

"Bakit niya naman hinihingi?"tanong ko, tumingin sa akin si Franxine.

"Baka gusto ka niya itext?" Tanong niyang sagot at natawa.

Natahimik kaming dalawa saka napalingon sa pinto ng classroom ng pumasok si Wayne. Dere-deretso lang ito sa kanyang upuan.

Naramdaman ko na tumingin sa akin si Franxine.

"Nag sorry ka na ba sa kanya?"tanong nya, kaya lumingon ako sa kanya at natawa.

"Bakit naman ako mag sosorry? Kasalanan niya rin naman kung bakit ko siya inatake." Sabi ko.

"Hmm sabagay pero kasi diba absent ka ng tatlong araw, lagi ka niyang hinahanap sakin last time nga may hawak siyang tulip eh." Sabi niya kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Siguro ibibigay niya iyon sayo, kaso wala ka kaya binigay niya nalang sakin." Sabi niya kaya natawa ako.

"O baka naman para sayo talaga yon." Pang aasar ko.

"Sira ka." Sabi niya saka muling napalingon sakin.

"Sandali, nasabi ko na ba sayo na kapartner mo pala si David sa witchmural?"

~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon