Chapter 31: Back to reality

55 2 0
                                    

Minulat ko ang aking mga mata at ang puting kisama agad ang bumungad sa akin, sunod ang mukha ni Wayne na tila nagulat pa nang makitang gising ako.
"Gising na si Alison." Pagkasabi niya noon ay sunod sunod na mga mukha ang nakita ko.
"Alison, buti naman at nagising ka na." Wika ni Franxine, nilibot ko ang tingin ko saka muling napapikit ng makaramdam ako ulit ng hilo.
"Alison.." binuksan kong muli ang aking mga mata ng marinig ko ang boses ni David, nakita ko ang pag ngiti niya sa akin ng sandaling tumingin ako sa kanya.
"May masakit ba sayo?" Tanong niya, umiling ako bilang sagot saka dahan dahang umupo, nakita ko na narito rin sila Maja at Sean na nakatingin sa akin at nakangiti.
"Mabuti naman at nagising ka na Alison." Sabi ni Maja habang nakangiti sa akin, ngumiti rin ako sa kanya saka sunod na tinignan si David.
"Nasaan ako?" Tanong ko,
"Dinala ka namin sa hospital matapos mong matumba during practice, nag bleed ang ilong mo noong mga oras na iyon kaya naman alalang alala kami sayo." Sabi ni Wayne, ngumiti ako ng malumanay sa kanya saka umiwas ng tingin at inalala ang huling kaganapan na nakita ko tungkol sa buhay ni Melissa.
At least ngayon meron na akong ideya kung bakit naging masama si Melissa at kung ano ba talaga ang tunay na nangyare sa kanya.
Dahil sa pangyayareng iyon nag tugma tugma ang mga tanong sa isip ko.
Ang pag itim ng langit tuwing sasapit ang kanyang kamatayan ang siyang isa sa kanyang mga sumpa nang sa ganon ay maalala ng mga tao ang ginawa nilang pag paslang kay Melissa.
Ang pagiging masama ng mga tao sa kanya ang syang nag tulak sa kanya upang maging masama at magpakain sa kasamaan at kalungkutan na nararamdaman niya.
At least ngayon naging malinaw na sa akin ang lahat, at sa palagay ko. Ay konektado sila Mr. Daniel, Ace, Ariza at Kim kay Melissa dahil kung hindi ako nag kakamali, isa sa mga sumpa ni Melissa ang siyang walang hanggang buhay para sa kanila maging sa mga matataas na myembro ng Walter dahil sa masamang ginawa nila sa kanya.
"Alison, nalulutang ka na naman." Sabi ni Franxine kaya tinignan ko siya saka ngumiti sa kanya.
"Pasensya na, inaalala ko lang ang huling nangyare sa akin bago ako nawalan ng malay." Sabi ko saka ngumiti sa kanya.
"Bukas anong oras ang ensayo natin?" Tanong ko dahilan para mapatingin si Franxine kay Wayne.
"Wala ng ensayo bukas, dahil bukas na darating ang ibang manlalaro ng ibang paaralan para sa Hymn Game." Sabi ni Wayne kaya kumunot ang nuo ko.
"Ano? Bukas na agad? Hindi ba ilang araw muna bago ang laro?" Sabi ko.
"Alison, ilang araw ka ng walang malay. Nag aalala na nga kami kung magigising ka bago ang araw ng laro, mabuti nalang at nagising ka ngayon." Sabi ni David kaya kununot ang nuo ko, ilang araw na akong walang malay? Para sa akin ilang oras lamang iyon.
"Gising na ba siya?" Sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng mag bukas iyon at iniluwa noon si Ariza, Ace, Kim at Mr. Daniel.
Biglang nanumbalik sa akin ang lahat ng masasamang ginawa nila kay Melissa dahilan para mainis ako sa kanila.
"Alison, mabuti naman at gising ka na." Sabi ni Ariza saka dali daling lumapit sa akin at niyakap ako, nagulat ako sa ginawa niyang iyon pero hinayaan ko nalamang siya.
"Nag alala kami para sayo." Sabi ni Ace na siyang nag pakulo sa dugo ko, hindi mawala sa akin ang kung paano niya saktan si Melissa.
Kumalas si Ariza mula sa pag kakayakap sa akin, tumingin siya sa akin kaya naman ngumiti ako sa kanya ng pilit.
Tama nga ako, sila nga ang mga nanakit kay Melissa noon at bilang leksyon sa kanila ay isinumpa sila ni Melissa na hindi sila mamamatay hanggat hindi siya bumabalik para bigyan sila ng aral.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila dahil sa totoo lang ay galit ako sa kanila.
"Binigay sa akin ito ni Ace." Sabi ni Ariza at ipinakita ang kwintas na binigay niya sa akin.
"Hindi ba't sinabi ko na huwag mo itong tanggalin sayo ng sa ganon ay hindi ka mapahamak." Sabi niya at akmang isusuot sa akin ang kwintas ng umiwas ako, tumingin siya sa akin.
"Alison.." tawag nya sa pangalan ko.
"Wala na daw pagsasanay bukas?" Tanong ko para maiba ang usapan, ayaw ko ng isuot ang kwintas na iyon ulit dahil nais kong makita si Melissa ulit, nais kong mag tanong sa kanya tungkol sa ilang mga bagay na nakita ko sa kanyang nakaraan.
"Wala na, dahil bukas ay darating na ang ilan sa mga manlalaro ng ibang paaralan." Sabi ni Kim.
"Ganon ba? Pag tapos ng kinabukasan, gaganapin na ba ang laro?"tanong ko.
"Oo." Sagot ni Ace.
"'Maaari niyo ba muna kaming iwan?" Tanong ni Ariza sa mga kaibigan ko.
"Hindi." Pigil ko ng akmang sasagot ng oo si Franxine, tumingin sila sa akin.
"Ngayon na lamang ako nagising muli, bakit nais niyong iwan na naman ako ng mga kaibigan ko?" Tanong ko, hindi ko hahayaan na maiwan ako kasama sila dahil hindi ko maatim ang mga ginawa nila kay Melissa.
Mula kay Mr. Daniel na diniskrimina ang breed ni Melissa, at panggagahasa sa kanya, kay Ariza na tinraydor si Melissa, si Kim na umagaw ng posisyon Melissa hanggang kay Ace na binaboy si Melissa at sinaktan.
"Kaya nga, hindi ba pwedeng ipag paliban nalang muna ang kung ano man ang sasabihin ninyo kay Alison? Kakagising niya lang at kailangan pang mag pahinga." Sabi ni Wayne, buti nalamang at narito siya.
"Tama sila Ariza, bigyan natin sila ng oras para kay Alison." Sabi ni Mr. Daniel. Nakita ko ang kakaibang titig sa akin ni Ariza bago siya tumayo at tumango.
"Kung ganon, pagpahingain na muna natin si Alison, mabuti na iyon ng sa ganon ay bumuti ang kanyang kondisyon." Sabi niya saka ngumiti sa akin bago siya tumalikod at lumabas sa kwarto, sumunod sila Ace sa kanya.
Nang makalabas na siya ay tumingin ako sa mga kaibigan ko.
"Bakit ayaw mong maiwan kasama sila?" Tanong ni Franxine, ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila kung ano ang nakita ko o hindi? Natatakot ako na baka hindi sila maniwala sakin.
Sa katunayan isang tao lamang ang naniniwala sa akin, si David.

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon