Chapter 26: Team work

50 3 0
                                    

Matapos pindutin ni Kim ang button ng simulator ay nagiba ang lugar na kinatatayuan namin, naging gubat ang lugar na kanina lang ay field ng school.
Lumingon ako sa mga kasama ko, sila Wayne at David nawala narin sila Franxine na kanina lang ay nasa tabi ko.
"Anong plano?" Tanong ko, lumingon ang dalawa sa akin.
"Ikaw ang captain diba? Ikaw ang mag isip ng plano." Sabi ni Wayne, umirap ako.
"Paano ako makakaisip ng plano kung hindi naman natin alam kung nasaan tayo." Sabi ko saka napatingin sa kamay ko ng mapansin ko na may nakalagay na numero doon, ito ata ang sinasabi ni Kim sa amin kanina na buhay namin sa laro.
"Subukan kaya muna natin mag observe sa paligid? Malay niyo may clue pala kung saan tayo dapat pumunta." Sabi ni David na agad namang sinangayunan ni Wayne.
Nagsimula kaming mag lakad, wala kaming ibang makita dito kundi ang mga puno kaya naman tumigil ako sa pag lalakad at nag simulang tignan ang paligid.
Para kaming nasa walang katapusang mga puno, pare-pareho lang ang mga puno na nandito kaya nakakapag taka naman, nag lalakad ba talaga kami o baka naman illusion lang ito?
"Sandali." Sabi ko kaya naman tumingin ang dalawa sa akin.
"Wala ba kayong napapansin na kakaiba?" Tanong ko na siyang nagpakunot sa mga nuo nila.
"Anong kakaiba naman ang napansin mo?" Tanong ni Wayne
"Hindi ba dapat pag nasa forest iba't ibang mga puno ang makikita natin?"tanong ko, "bakit dito pare-pareho lang ang mga puno na nakikita natin, wala ring hangin at walang mga kakaibang tunog ng hayop sa paligid." Sabi ko.
"Tama ka, sa tingin ko nasa illusion tayo." Dagdag ni Wayne at nilabas ang wand niya.
"Exportio!" Nag bigkas siya ng spell na siyang dahilan upang lumabas ang familiar niya.
"Hanapin mo ang may gawa ng illusion." Wika ni Wayne saka lumingon sa amin ni David.
"Sino sa kanilang tatlo ang may kapangyarihan ng illusion?" Tanong niya kaya bigla akong napaisip.
"Sa tingin ko wala." Sabi ni David kaya lumingon kami sa kanya.
"Hindi ba't isang Coven si Franxine? Malamang aasa siya sa mga katulad niyang Coven kung sakaling siya ay mag bibigkas ng spell." Sabi ni David.
"Si Maja naman isa siyang Solidary witch, it's either apoy, tubig, lupa at hangin ang hawak niyang kapangyarihan." Sabi ni Wayne.
"At si Sean naman, isa syang Green witch, mas nakatuon siya sa pag gamot." Dagdag ni Wayne saka napakamot sa ulo niya.
"Si Ace." Sabi ko kaya napalingon sila sa akin.
"Pinag lalaruan na tayo ni Ace." Sabi ko kaya naman kumunot ang nuo nilang dalawa.
"Pero hindi ba't sabi ni Kim kakalabanin tayo ni Ace sa oras na malapit tayo sa item?" Tanong ni Wayne.
"Eh di ibig sabihin malapit na tayo sa item." Sabi ni David, muli akong lumingon sa paligid.
Sa larong ito nasaktuhan pa na napunta kami sa lugar kung saan malapit ang mga item na kailangan naming makuha.
"Ang familiar ko." Muli akong napalingon kay Wayne.
"May nahanap na siya!" Sabi niya saka nag simulang tumakbo, agad naman kaming sumunod ni David sa kanya, ilang minuto pa ay napadpad kami sa lugar kung saan naruon ang Familiar ni Wayne, gaya ng inaasahan, kagagawan nga ito ni Ace dahil sa mga oras na ito ay nakatayo siya sa harap namin.
Muli kong inilibot ang aking paningin, hindi ko mahanap kung nasaan ang mga item. Tumingin ako kay David na nakatingin kay Ace.
"Vulpario." Bulong ko dahilan para matakpan kaming tatlo ng itim na usok, tama lang para hindi kami makita at marinig ni Ace.
Sabay na tumingin sa akin ang dalawa.
"Lilinlangin natin siya." Sabi ko saka diniscuss ang plano ko sa kanila.
"Gagayahin ko ang mukha mo David habang ikaw naman gagawin kong insekto para hanapin ang mga Item na kailangan, Wayne ikaw ang magiging support ko." Sabi ko.
"Pero paano mo kakalabanin si Ace kung walang kapangyarihan si David?" Tanong ni Wayne.
"Eh di hindi ako gagamit ng wand," sabi ko at biglang may naisip.
"Tumawag ka ng isang astral spirit na kokopya sa anyo ko, ibibigay ko sa spirit naiyon ang huwad kong wand habang ang totoong wand ko ay nakatago." Sabi ko, agad na tumango si Wayne at sinunod ang sinabi ko.
"Ispurio!" Bigkas niya at sa isang iglap ay nasa harap ko ang isang astral spirit na kamukha ko. Agad akong gunawa ng huwad na wand at ibinigay iyon sa astral spirit. Muli kong binalik ang paningin ko kay David na nag hihintay.
"Handa ka na ba?"tanong ko, tumango siya bilang sagot.
"Disturio" bigkas ko at unti unting naging maliit na insekto si David, muli akong tumingin kay Wayne.
"Atportia." Bigkas ko sa spell na gagaya sa anyo ni David. Unti unti kong naramdaman na unti unting nag iba ang anyo ko hanggang sa tuloyan ko ng magaya si David. Agad kong tinago ang wand sa likod ko.
"Sandali." Sabi ni Wayne kaya tumingin ako sa kanya.
"Bakit?"
"Walang kwintas si David hindi ba?" Tanong niya kaya bigla akong natigilan at napahawak sa kwintas na nakasuot sa leeg ko.
"Tanggalin mo muna." Sabi niya saka turo sa kwintas na nakasabit sa leeg ko.
Bigla akong napalunok habang nakatingin sa kanya. Muling bumalik sa akin ang sinabi ni Ariza na huwag kong hubarin ang kwintas na ito.
"Hindi pwede." Sabi ko kaya kumunot ang nuo niya.
"Alison, mabubuking tayo kapag nakita ni Ace ang kwintas ko." Sabi niya kaya napaisip ako.
Hindi naman siguro malalaman ni Ariza na tinanggal ko ang kwintas saka isa pa, hindi naman ako mapapaano kapag tinanggal ko ang kwintas na ito.
"Alison." Muli akong tumingin kay Wayne na nag hihintay sa akin na tanggalin ang kwintas na nakasuot sa akin.
Huminga ako ng malalim saka dahan dahang tinanggal ang kwintas na ibinigay sa akin ni Ariza.
Matapos kong tanggalin ito ay inobserbahan ko muna ang paligid bago ko ito tuluyang tanggalin.
Tama ako, wala namang nangyare sa akin matapos ko itong tanggalin. Akmang itatago ko na ang kwintas ng marinig ko ang malakas na tawa ng isang babae, kasunod noon ang pag hangin ng malakas at pag tunog ng nga huni ng mga hayop.
Bigla rin napatigil si Wayne nang marinig niya ang mga bagay na iyon.
"Alison..." parang naging isang bote ang itim na usok na bumabalot sa amin ng bigla itong mabasag, sabay noon ay ang pag labas ni Melissa mula sa hangin at pag tulak sa akin ng malakas dahilan para mapaupo ako.
"Alison!" Rinig kong sigaw ni Wayne at kasabay noon ang pag lapit sa akin ni Melissa dahilan para mapapikit ako.

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon