"Alison!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Franxine kita sa mukha niya ang pag-aalala para sa akin. Isinarado ko ang pinto ng faculty ng proff namin saka lumapit sa kanya. "Anong sabi sayo? ayus ka lang ba?" Tanong niya, tumango ako bilang sagot.
"Ano bang nangyare at bigla kang sumigaw kanina? parang takot na takot ka at namumula kanina." Sabi niya, nag simula kaming mag lakad patungo sa next subject namin.
"Siguro namamalikmata lang ako." Sabi ko, ramdam ko ang pagkunot ng kanyang nuo kaya tumingin ako sa kanya.
"Ang... ang weird kasi ng mga nangyare sakin kaninang papunta ako dito sa school." Sabi ko saka tumingin sa daan.
"Una, pagkalabas ko ng bahay, parang lahat ng tao sa paligid ko ay nakatingin sa akin ng masama, hindi ko alam kung bakit at kung anong meron." Sabi ko, lumiko kami ni Franxine sa isang pasilyo habang patulot kong ikinukwento ang nangyare sa akin kanina.
"Sunod, may nakita akong babaeng nakatayo sa gitna ng daan, syempre nag-alala ako para sa babae na iyon kaya nilapitan ko siya at sinubukang papuntahin sa gilid dahil nga baka masagasaan siya ng mga sasakyan pero.." Natigil ako at muli kong naalala ang mga sumunod na nangyare kanina.
Pati si Franxine ay napatigil din at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Pero ano?" Tanong niya, lumingon ako sa kanya saka napalunok.
"Pero para syang baliw I mean, kakaiba sya mula pananamit, kung titignan para siyang taong nakatira sa lansangan dahil madungis din siya, pero nakita ko mismo na may dugo sa kamay niya at ang wierd dahil nag salita siya ng isang salita na hindi ko maintindihan." Sabi ko kaya kumunot ang nuo niya.
"Weird nga." Sabi niya saka kami muling nag patuloy sa paglalakad.
Naging tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa room ng susunod naming subject, ang Potion and Herbs.
Umupo na ako sa aking upuan saka tumingin sa bintanang nasa tabi ko, mula rito ay kita ko ang mga estudyanteng nasa garden, nag kwewkwentohan at may nag tatry ng spell. Napalingon ako sa isang puno na nakatayo sa Garden, mula rito ay natanaw ko ang isang pustora ng isang babaeng nakatalikod.
Napalunok agad ako saka tinapik si Franxine na nasa tabi ko.
"Xine... Xine sya yun!" Sabi ko habang hindi inaalis ang paningin ko sa babaeng nakatayo sa harap ng puno.
"Saan?" Tanong niya.
"Sa puno tignan mo malapit sa mga gumamela, sya yung babaeng sinasabi ko sayo na nakita ko."Sabi ko at nakita ko pa kung paano humarap ang babae sa gawi ko.
"Wala naman eh." Kumunot ang nuo ko sa sinabi ni Franxine kaya napalingon ako sa kanya, nakatingin siya sa punong tinitignan ko.
"Alison wala namang babaeng nakatayo sa puno." Sabi niya kaya muli akong napatingin sa puno at nanlaki ang mga mata ko ng makitang wala na doon ang babeng nakatayo. Napalunok ako at napatayo dahil sa makita ko, nasaan na ang babaeng kanina lang ay naruon?
"Ang itim ng ulap ano?"
"Oo nga, lagi namang umiitim ang ulap kapag anibersaryo ng kamatayan niya."
"Hindi ko talaga alam kung bakit kinakatakutan siya."
"Sira ka, sabi sakin ni mama, makapangyarihan daw kasi siya at bago raw siya namatay ay nag bigkas siya ng sumpa mna hindi malaman kung anong klaseng sumpa."Napatingin ako sa dalawang kaklase namin na nasa harap, kumunot ang nuo ko at napatingin sa kalangitan, tama nga sila ang itim ng ulap.
"Alison umupo ka na kaya." Napatingin ako kay Franxine at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala para sa akin. huminga ako ng malalim saka umupo.
"Sa tingin ko, hindi matutuloy ang event next week." Sabi ni Franxine kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit naman?" Tanong ko, ngumiti siya sa akin ng malungkot saka tumingin sa kalangitan.
"Ang itim ng ulap, ganito rin yung itsura ng mga ulap noong nakaraang taon bago maganap yun insedente." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko. May insedente noon?
"Anong insedente yun?"Tanong ko, tumingin siya sa akin at natawa.
"Hindi ka talaga mahilig lumabas ng bahay niyo no? hindi ba't namatay ang tatlong daang tao noong nakaraang taon dahil sa ginawa ng isang studyante? The unknown witch panga ang tawag ng mga awtoridad sa kanya dahil sa hanggang ngayon ay hindi parin nahuhuli ang witch na may gawa noon." Sabi niya. Bumuntong hininga pa siya saka tumingin muli sa kalangitan.
"Kasamang namatay doon si kuya at papa."Dagdag niya kaya natigilan ako. Hindi ko mawari kung tulog ba ako noong mga panahong naganap ang trahendya na iyon, wala akong naaalalang may nangyareng ganon noong nakaraang taon.
Napatingin ako sa ulap, nakakunot parin ang nuo ko dahil wala talaga akong maalalang may naganap na ganon noong nakarang taon.
Tatlong daang tao ang nasawi dahil sa kagagawan ng unknown witch?
"ME..LI...S...SA.."
Napalingon ako sa likod ko ng may narinig akong parang bumulong mula roon, kumunot ang nuo ko ng makita ko namang walang tao sa likod ko.
"Bumulong ka ba sakin?" Tanong ko kay Franxine na nag babasa ng notes sa notebook niya, kunot nuo siyang tumingin sa akin saka umilinh.
"Hindi?"Patanong niyang sagot saka hinampas ang braso ko.
"Nananakot ka na naman Alison." Sabi niya saka bumalik sa pagbabasa sa notes niya, muli akong lumingon sa likod ko, tanging ang pader lamang ang nakikita kong naruon, Pinakalma ko muna ang sarili ko saka tumingin sa harap, kakapasok lang ng proff namin sa Potion and Herbs at kagaya ng dati, nakakunot lagi ang nuo niya satuwing papasok sya sa klase namin.
~~~
Tweet me redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
![](https://img.wattpad.com/cover/326644444-288-k285460.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?