Chapter 34: Confession

54 2 0
                                    

"Ano iyon David?" Tanong ko, tumitig muna sa akin si David saka huminga ng malalim.
"Ang totoo niyan, hindi talaga ako isang tao." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko at natawa habang nakatingin sa kanya.
"David naman, hindi ngayon ang tamang oras para magpatawa ka." Sabi ko, umiling siya sa akin kaya napairap ako.
"David, kung dahil yan sa pagdikit dikit mo kay Wayne tigil tigilan mo na dahil tignan mo pati ugali ni Wayne ay naaadapt mo na." Sabi ko.
"Alison seryoso ako." Sabi niya habang nakatitig sa akin ng seryoso, bigla tuloy akong natigilan habang nakatingin sa kanya, ang mga mata niya at ang awra niya ay talagang seryoso.
Pero bakit sinasabi niya na hindi siya isang tao?
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya sapagkat hindi ko siya maunawaan.

"Nag sinungaling ako sayo."Sabi niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.

"Tungkol saan?" Tanong ko, ang bilis ng pintig ng puso ko sa hindi ko alam na kadahilanan.

"Tungkol sa kung sino talaga ako." Sabi niya kaya tinitigan ko siya, kumunot ang nuo ko habang nakatingin sa kanya.

"Alison kailangan mo mangako sa akin na sa oras na malaman mo kung ano talaga ako ay hindi ka matatakot sa akin o magagalit." Sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit isa ka bang halimaw?" Tanong ko, umiling siya saka ngumiti sa akin ng malumanay.

"Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo kung ano ba talaga ako, o kung maniniwala ka ba sa akin sa oras na sinabi ko sayo kung ano ako." Sabi niya kaya napairap ako.

"David, sasabihin mo na kasi kung ano ang gusto mong sabihin, kinakabahan na ako sa kung ano ang gusto mong sabihin pero pinapatagal mo." Sabi ko kaya tumingin muna siya sa akin saka huminga ng malalim.

"Ang totoo niyan Alison, ako ay--"

"Alison Ferrer?" Sabay kaming tumingin sa tumawag sa akin, ang healer ng Muntellio High, si Agazi.

"Yes, I am, bakit?" Tanong ko, ngumiti sya sa akin.

Biglang dumaloy sa aking sistema ang inis dahil sa biglaang pag sulpot ng lalaking ito sa harap namin ni David, kung kailan sasabihin na sa akin ni David ang nais niyang sabihin bigla namang sumulpot ang lalaking ito.

"I am Agazi Chen, pwede ba kitang makausap?" Tanong niya kaya tumingin ako kay David na umiwas ng tingin sa akin, napalunok ako saka tumingin muli kay Agazi na nakangiti sa akin.

"Sige." Sabi ko saka tumayo mula sa kinauupuan ko, tumingin muna ako kay David.

"Kausapin ko muna siya." paalam ko sa kanya, tumango si David sa akin at hindi manlang ako tinignan, kaya naman huminga muna ako ng malalim saka sumama kay Agazi.

"You're so famous sa campus ninyo, your friends is flexing you to us saying na your face change after once certain rituals did to you, is this true?" Tanong niya sa akin dahilan para kumunot ang nuo ko, sino namang lintik ang nag kalat ng balitang iyan?

"May I know who told you that news?" Tanong ko, ngumiti siya sa akin saka may tinuro sa isang dereksyon kaya naman tumingin ako sa dereksyon na iyon at halos mamura ko na si Wayne sa isip ko ng makita ko na siya ang tinuturo ni Agazi.

"That man." Sabi nito kaya muli kong binalik ang tingin ko sa kanya.

"Alam mo, huwag kang makikinig sa lalaki na iyon, isa siyang baliw." Sabi ko kaya kumunot ang nuo ni Agazi.

"Ibig sabihin it's not true na nag bago mukha mo?" Tanong niya, tumango ako bilang sagot kahit na ang totoo ay nag sasabi si Wayne sa kanila ng katotohanan.

Ayaw ko lamang na may ibang mga tao ang makaalam tungkol sa nangyare sa akin, ayaw ko na pagkaguluhan ako dahil sa isang bagay.

"I see, anyways you're so gorgeous, you look like someone but I can't even remember who." Sabi niya, kaya naman umiwas ako ng tingin dahil alam ko kung sino angv binabanggit niya.

"They said na it's an evil witch eh, I just really can't remember kung anong name." Dagdag niya.

"Melissa." Sabi ko kaya tumingin siya sa akin.

"Yeah, you look like Melissa, I've seen some old news regards to her, and as a matter of fact, Melissa is the one who killed three hundred people." Sabi nya kaya kumunot ang nuo ko.

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Franxine, na may nangyareng aksedente noong nakaraang taon kung saan namatay ang tatlong daang tao at kasama sa mga namatay ang kuya at papa niya.

"Si Melissa ang may gawa noon?"Tanong ko, pinanuod ko siyang inumin ang inumin na hawak niya.

"Yeah, that's what the news says." Sabi nya dahilan para kumunot ang nuo ko.

"Anong date nangyare iyon?" Tanong ko sa kanya. Natawa sya.

"Bakit parang naging interesado ka?" Tanong niya,

"Syempre sinabi mo sakin diba? kung hindi ka nag kwento eh di hindi ako magiging interesado." Sabi ko na mas lalong nag patawa sa kanya.

"August 8." Sagot niya kaya natigilan ako, sa ganong araw rin namatay si Melissa, pero wala siyang nabanggit sa diary niya na tungkol sa ibang sumpa.

"Oh, bakit bigla kang natahimik?" Tanong niya kaya tinignan ko siya saka ngumiti ng pilit sa kanya.

"Nice to meet you, kailngan ko ng balikan yung kausap ko kanina." Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na siya saka nag lakad patungo kay David na wala na sa kinauupuan namin kanina, agad kong nilibot ang paningin ko saka hinanap si David ngunit hindi ko siya makita.

Nahagip ng mga mata ko si Franxine na nakikipag usap sa mga representative ng Aribe high.

"Franxine!" Tawag ko kaya lumingon siya sa akin, ganon narin ang mga kausap niya, ngumiti lang ako sa kanila ng tignan nila ako saka binaling ang tingin kay Franxine.

"Bakit?" Tanong niya nang makalapit ako sa kanya.

"Nakita mo ba si David?" Tanong ko.

"Ay oo, nag paalam na siya na uuwi na siya." Sabi niya kaya agad kong tinapik ang balikat niya bilang pasasalamat saka tumakbo palabas ng venue.

Agad na nahagip ng mga mata ko si David na nag lalakad palayo sa Head quarter ng council.

"David!" Sigaw ko ng sa ganon ay marinig niya ako, agad siyang lumingon sa gawi ko at napahinto ng makita ako, mas lalo kong binilisan ang pag takbo ko palapit sa kanya hanggang sa nasa harap niya na ako, nakita ko na kumunot ang nuo niya.

"Bakit? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya, natawa ako saka hinabol ang hininga ko bago mag salita.

"Hinabol ka." Sabi ko ng mahabol ko na ang hininga ko.

"Hindi ba't nakikipag usap ka doon sa taga Muntellio?"Tanong niya kaya umiling ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko, kumamot siya sa ulo niya saka umiwas ng tingin.

"Uuwi na." Sabi niya dahilan para irapan ko siya.

"Sama ako sayo, tapos ikwento mo na sakin ang sasabihin mo." Sabi ko sa kanya saska siya hinila palayo sa kinatatayuan namin.

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon