Chapter 22: Peace Offering

54 2 0
                                    

Laking palaisipan parin para sa akin ang tungkol sa nakita kong pangitain kanina matapos isuot ni Ariza sa akin ang tinatawag nilang Evil Eye necklace.

Napahawak ako sa kwintas na nakasuot sa akin saka lumingon sa puno kung saan nakita ko ang weirdong babae na nakatayo noon.

Buong klase ay wala akong maintindihan, lutang lang ang isip ko at kahit na pilitin ko na makiig ay awtomatikong nababaling ang atensyon ko sa ibang bagay.

"Alison." Lumingon ako sa tumawag sa akin, si David. Himala at pinansin na niya ako.

Umupo siya sa harap ko saka tumingin sa kwintas na ibinigay sa akin ni Ariza.

"Buti naman at pinansin mo na ako." Sabi ko, tumingin siya sa akin saka nilabas ang pulang rosas sa likod niya. Kumunot ang nuo ko habang nakatingin sa hawak niya.

"Para sayo." Sabi niya saka iniabot sa akin ang pulang rosas, halatang nahihiya pa siya dahil bigla siyang umiwas ng tingin sa akin, natawa ako.

"Para saan?" Tanong ko saka tinanggap ang rosas na inilahad niya sa harap ko.

"Peace offering." Sabi niya kaya mas lalo akong natawa.

"Hindi mo naman na kailangan na mag abot sa akin ng ganito." Sabi ko saka tumingin sa kanya. "Salamat." Sabi ko saka ngumiti sa kanya, nakita ko ang pagngiti niya habang nakatingin sa akin.

Huminga ako ng malalim saka tumingin ulit sa ibang dereksyon habang hawak ang rosas na bigay niya.

"Pasensya narin kung na offend kita sa sinabi ko na tao ka lang." Sabi ko saka tumingin sa kanya. "Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na mainis sayo noong mga oras na iyon dahil denedepensahan mo pa si Melissa, ni hindi mo nama siya kilala." Sabi ko, nakita ko ang pagngiti niya na pilit sa akin.

"Naiintindihan ko, pasensya narin sa sinabi ko." Sabi niya kaya ngumiti ako.

"Alam mo, minsan talaga nakakainis ka at ang sarap mong parusahan dahil lumalaban ka sa akin." Sabi ko saka tinaasan siya ng kilay. "Ako parin ang amo mo at ikaw ang familiar ko, dapat sumusunod ka sa akin dahil ako ang mas nakakataas sayo." Sabi ko, natawa siya saka sumandal sa inuupuan niya.

"Umiiral na naman ang pagiging amazona mo." Sabi niya kaya inirapan ko siya.

"Alam mo, sa totoo lang hindi ako makapaniwala sa mga nangyayare sa akin ngayon." Sabi ko saka sumadal sa kinauupuan ko.

"Pakiramdm ko biglang nagbago ang kapalaran at takbo ng buhay ko simula nang makita ko ang kakaibang babaeng iyon noon." Dagdag ko.

"Ni hindi ko nga lubos akalain na makukuha ko ang mukha ni Melissa matapos ang ritual na ginawa sa akin."

"Idagdag mo pa ang kwintas na ito." Sabi ko saka hinawakan ang kwintas na ibinigay sa akin ni Ariza.

"Alam mo ba, kanina matapos isuot ni Ariza sa akin ang kwintas ay nakita ko na naman sa pangitain ko si Melissa. At gaya ko, sinutan rin siya ng kwintas ni Ariza." Sabi ko saka lumingon kay David.

"At ang nakakapag taka ay kaparehas ng kwintas na ssuot ko ngayon ang kwintas na isinuot ni Ariza kay Melissa." Sabi ko.

"Sa isip isip ko, maaaring may mga ibig sabihin ang nangyayare sa akin ngayon."

"Ang sabi nila sayo kanina ay ang kwintas na iyan ay may kapangyarihan hindi ba?" Tanong niya, tumango ako bilang sagot.

"Kapag suot ko daw ang kwintas na ito hindi ko na makikita pa si Melissa." Sabi ko.

"Bakit kaya ayaw nila na makita mo ulit si Melissa?" Tanong niya kaya natigilan ako.

"Hindi kaya may tinatago sila tungkol kay Melissa?" Tanong ni David. Bigla tuloy akong napaisip sa sinabi niya.

"Idagdag mo pa na nakita mo si Ariza na kasama si Melissa, hindi kaya may ibig sabihin kung bakit ayaw nilang makita mo si Melissa at kung bakit nag papakita sa pangitain mo si Melissa?" Sabi niya kaya mas lalo akong napaisip.

Hindi kaya tama si David na may tinatago sila tugkol kay Melissa?

Bigla tuloy bumalik sa aking ala-ala ang itsura ng ibang myembro ng supreme council at ang mga matataas na meybro ng isang organisasyon dito sa Walter.

Takot at gulat silang lahat ng makita nila ako. Isama pa doon ang reaksyon ni Ariza nang unang beses niya akong makita matapos ang ritual na ginawa sa akin.

"Kung meron man, ano iyon?" Tanong ko saka tumingin kay David na seryoso ang awra.

"Alamin natin." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Paano? isang daang taon nang patay si Melissa." Sabi ko.

"Hindi ba't nabanggit ni Mr. Daniel na naging studyante niya si Melissa?" Tanong niya kaya napaisip ako. "Sinabi niya iyon noong nasa Voodoo land tayo." Dagdag niya kaya napatango ako agad.

"Kung makakausap natin si Mr. Daniel patungkol kay Melissa, may tyansa na may malaman tayo tungkol sa pagkatao ni Melissa." Sabi ko pero natigilan.

"Pero paano natin maitatanong kay Mr. Daniel ang tungkol sa bagay na iyon? sigurado na hindi niya sasabihin sa atin ang tungkol sa bagay na nalalaman niya." Sabi ko.

"Ano kaya kung kunin natin ang loob ni Mr. Daniel?" Tanong niya kaya kunot nuo ko siyang tinitigan.

"Sumipsip tayo sa kanya ganon." Sabi niya kaya natawa ako.

"Ano naman ang bagay na iyon?" Tanong ko dahil it ang unang beses na arinig ko ang ganong salita.

"Sa aming mga tao, ang salitag iyon ay ginagamit sa mga taong sobrang lapit sa mga guro nila." Sabi niya saka natawa.

"Ms. Ferrer." Natigil kaming dalawa ni David sa paguusap nang dumating sa gilid namin si Ace kasama si Kim. Kumunot ang nuo ko habang nakatingin sa kanila. Ano na naman ang kailangan nila? Kakatapos ko lang mag break at nag papahinga para sa susunod na subject. Ilang oras palang ang pagitan simula nang ipatawag ako ni Ariza kanina.

"Ano na naman ang kailangan niyo?"Naiirita kong tanong sa dalawa dahil sa totoo lang ay ayaw ko nang pumunta ulit sa head quarters nila para lang marinig ang mga panlalait nito ni Ace.

Wala siyang ibang ginawa kundi ang ipilit na kamag-anak ko daw si Melissa.

Nababaliw na talaga siya.

"Pinapatawag ka ni Ariza." Sabi ni Kim kaya napairap ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Pinapatawag na naman ako.

"Kakapunta ko lang sa head quarter ninyo kanina. Ano na naman ba ang gusto ninyong sabihin o ibigay sa akin? May pasok pa ako." Sabi ko.

"Pinapatawag ka niya para sa laro na gaganapin sa bloody moon."Sabi ni Ace.

"Ipapakilala na niya sayo ang mga makakasama mo sa laro." Dagdag ni Kim kaya napatingin ako kay David na nakakunot ang nuo.

Hindi ko pa pala nasabi sa kanya ang tungkol sa bagay na ito.

Huminga ako nang malalim nang tignan ako ni David.

"Sumama ka rin sa amin, Mr. Gomez." Sabi ni Kim.

Lumingon ako kay David na nakakunot ang nuo.

"Bakit?" Tanong ni David.

"Nais ka ring makausap ni Ariza."

~~

Tweet me @redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram: rediousinpaper

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon