Chapter 4: David Gomez

130 4 0
                                    

Panibagong araw, panibagong gawain na naman mamaya. Isinara ko ang pinto ng aking bahay at nag simulang mag lakad patungo sa paaralan.

Gaya ng dati, masasamang titig ang nakikita ko mula sa mga taong nakakasalubong ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang sama nila tumingin sa akin, ni wala naman akong ginawang mali para titigan nila ako ng ganyan.

Hindi ko nalamang pinansin ang mga titig ng mga nakakasalubong ko, sa halip ay inisip ko nalang kung makakapasa ba ako ngayon sa quiz namin sa spell.

Bigla akong napahinto ng makita ko ulit ang lugar kung saan una kong nakita ang weirdong babae, huminga ako ng malalim saka pinakalma ang sarili ko ng mag balik sa akin ang ala-ala kong paano ko nakita ang babaeng baliw na iyon.

Agad ko nalang pinaling ang aking atensyon sa aking dadaanan at muling nag simulang mag lakad patungo sa paaralan.

"Alison!" Gaya ng aking nakassnayan, tuwing darating ako sa gate ng aming paaralan ang sigaw ni Franxine sa aking pangalan ang unang bubungad sa akin bago ako makapasok sa mismong gate ng aming paaralan.

"Magandang umaga." Nakangiting bati niya sa akin kaya napakunot ang nuo ko.

"Anong meron at bakit ngiting ngiti ka ngayong umaga?"tanong ko, mas lalong lumawak ang ngiti niya saka pinakita sa akin ang hawak niyang papel.

"Pasado tayo sa potion akala ko talaga babagsak tayo dahil hindi ka nag aral." Sabi niya kaya inagaw ko sa kanya ang papel na hawak niya at nakitang pangalawa ako sa mga pumasa habang siya naman ay pangatlo. As usual, nangunguna parin si Wayne sa rango.

"Anyways, kumain ka na ba?"tanong niya, tinupi ko ang papel na hawak ko saka ito muling inabot sa kanya.

"Oo." Maikling sagot ko saka kami muling nag simula mag lakad.

"Teka lang." Biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Hintayin natin yung jowa mo paparating na daw siya." Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya.

"Ano?"tanong ko.

"Sabi ko hintayin natin ang jowa mo, paparating na daw siya." Inisip ko muna kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya. Agad lang sumalpak sa aking isipan ang tinutukoy niyang 'jowa ko' si David.

"Huwag mo sabihing tinulungan mo yung tao na yun para makapasok dito sa paaralan natin?" Kunot nuong tanong ko, ngumiti siya sa akin saka tumango.

"Ganon na nga. Ayaw mo ba? Makakasama mo yung jowa mo dito sa--"

"Una sa lahat Franxine lilinawin ko lang na hindi ko siya jowa at hindi ko kilala ang lalaking iyon, pangalawa. Hindi ba't sinabi ko sayo na wala siyang matututunan dito sa paaralan natin dahil magkaiba ang pinag-aaralan ng mga tao sa ating mga witch." Iritang sabi ko, nag pout siya saka hinawakan ang braso ko.

"Huwag ka na magalit Alison, kawawa naman kasi sya saka diba sabi niya gusto niya daw matuto ng mga pinag-aaralan natin, saka isa pa ako naman ang bahala sa kanya." Sabi nya.
"I mean tayo pala ang bahala sa kanya." Dagdag niya kaya inalis ko ang pag kakahawak niya sa braso ko saka naunang mag lakad sa kanya.

"Ewan ko sayo." Inis kong sabi.

"Alison naman eh bigyan naman natin siya ng pag kakataon na makapasok saka pakiramdam ko may matututonan naman siya."

Hindi ko sya pinansin, patuloy lang ako sa pag lalakad.

"Alison naman, pansinin mo na ako."

"Franxine!" Sabay kaming napalingon ni Franxine sa gate ng may tumawag sa pangalan niya, mas lalong kumulo ang dugo ko ng makita ko si David ang lalaking tao na nangungulit kay Franxine na tulongan siyang makapasok sa paaralan na ito.

"Oy, nandito ka na pala, good morning."awkward na bati ni Franxine saka tumingin sa akin. "Alison...." Tawag ni Franxine sa akin, tinignan ko lang siya ng masama saka tumingin sa David na iyon.

"Nandito na pala sa akin yung result ng screening kahapon, tignan mo saka ito pala." Sabi niya saka inabot kay Alison ang envelope. Napairap ako saka muling nagsimulang maglakad. Ramdam ko naman na sumunod sa akin si Franxine at ang David na iyon.

"Hmm, same section tayong tatlo, ibig sabihin pasado ka sa screening teka titignan ko yung result ng screening mo." Dinig kong sabi ni Franxine kaya napakunot ang nuo ko, imposibleng papasa sa screening ang lalaki na iyan, sigurado ako na nag bayad siya ng malaking halaga para makapasa sa screening. Walang tao o sino'man na pangkaraniwan ang makakapasa sa screening ng school, masyado silang mahigpit.

"99.8% superhuman strength? Akala ko ba tao ka?" Napahinto ako sa sinabi ni Franxine saka napatingin kay David na napakamot sa ulo.

"Oo nga, tao nga ako pero hindi ko alam kung bakit ganyan ang lumabas sa screening." Sabi niya kaya naman lumapit ako kay Franxine para agawin ang result paper ng screening ni David saka ito binasa.

Result: 99.8% non-human, .2% human.
David Gomez, Age: not clarified.

Tumingin ako kay David na nakatingin sa akin.

"Magkano binayad mo?"tanong ko, kumunot ang nuo niya sa sinabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong niya.

"Tinatanong kita kung magkano binayad mo sa kanila para maging ganito ang resulta ng screening mo?"tanong ko.

"Wala akong nilabas ni centavos sa kanila, after ng result binigyan nila ako ng section and itong uniform."turo niya sa suot niyang uniform ng paaralan namin, saka ko lang napansin yun ng ituro niya. Binalik ko sa kanya padabog ang papel saka tinaasan siya ng kilay.

"Kung ayaw mong makinig sa akin bahala ka, bahala kang mag dusa sa pinili mong paaralan." Sabi ko saka sila tinalikuran. Hindi ko talaga mawari kung anong pumasok sa kokote ng lalaking iyon para piliin na mag aral sa paaralan namin, alam niya naman na isa siyang tao at hindi uubra ang mga tao sa ganitong paaralan dahil wala silang kayang gawin, isa lang silang pangkaraniwan na nilalang na walang alam sa mga magic o spell.

Nauna akong pumasok sa classroom, agad akong umupo sa upuan ko saka dumungaw sa bintana na katabi ko lamang, muling nahagip ng aking mga mata ang puno kung saan nakita ko noong kailan ang babaeng baliw na nakatayo doon, agad kong pinaling sa ibang dereksyon ang aking mga mata saka huminga ng malalim.

Hindi ko dapat isipin ang babaeng iyon.

Lumipas ang ilan minuto at sunod na pumasok sila Franxine at David, inirapan ko lang si Franxine ng tumingin siya sa akin, saka tinaasan ng kilay si David ng umupo siya sa tabi ko.

"Sinong nag sabi sayo na jan ka maupo?"tanong ko.

"Ah, ako." Singit ni Franxine kaya kumunot ang nuo ko. "Nag request kasi siya na sa bandang likod siya uupo kaya binigay ko nalang yung pwesto ko sa kanya, dito nalang ako sa harap niya uupo." Paliwanag niya kaya mas lalong uminit ang dugo ko.

Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Ngunit sa pag pikit ko ang siya namang pag labas ng ilang imahe sa aking isip, imahe na hindi ko mawari kung saan nanggaling.

"Alison."

"Me...li..s..sa"

Agad kong binuksan ang aking mga mata at nakitang nakahawak sa akin si David agad kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko saka siya tinitigan ng masama.

"Gusto mo?"tanong niya saka inilahad sa harap ko ang hawak niyang bubblegum. Umiling ako saka muling tinuon ang atensyon ko sa tanawin sa labas ng bintang katabi ko.

Melissa? Sino yun? At bakit nakita ko ang mga ganong larawan kanina?

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon