Chapter 29: Melissa

81 5 0
                                        

Muli na namang nagiba ang lugar kung saan ako nakatayo ngayon, pakiramdam ko ay pinapakita sa akin ni Melissa ang mga kaganapansa buhay niya. Pakiramdam ko ay pinaparanas sa akin ni Melissa ang mga totoong nangyare sa buhay niya.

Ngayon ay nasa harap ako muli ng gate ng Walter kung saan may mga dumaraan na namang mga studyante, natanaw ko sa di kalayuan ang mga studyante na nag uusap habang may hawak na dyaryo.

Biglang tumaas ang balahibo ko sa hindi ko alam na kadahilanan, lahat ng mga mata ng nga studyante ay napalingon sa gawi ko dahilan para mapalingon din ako sa likod ko, mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko si Melissa na may kakaibang awra.
Napaka seryoso ng kanyang mukha habang nag lalakad palapit sa akin papasok sa gate ng Walter. Halos lahat ng mga studyante ay nakatingin sa kanya.

Nang malapit na siya sa akin ay muli siyang tumagos sa katawan ko, at deretsong nag lakad papasok sa gate ng Walter, kasabay noon ang pag ihip ng malakas na hangin at ang pag lapit ng isang pahina ng dyaryo sa harap ko, pinag masdan ko ang nga letrang nakasulat doon naruon ang mukha ni Melissa at sa baba noon ay ang balita na sa tingin kong pinag uusapan ng nga studyante ng walter.

"Melissa is a slut."
"Melissa sell her soul to the devil"
"Melissa gain her dark magic from a demon."
"Melissa and her familiar killed Filip"

Muli akong napatingin sa dereksyon ni Melissa natumigil sa pag lalakad, lahat ng mga matang nakatingin sa kanya ay biglang nagiwas ang mga tingin nang lumingon siya sa paligid.

"Melissa!" Napalingon ako sa likod ko. Si Dale na nakangiti sa kanya, dali dali itong nag tungo sa harap ni Melissa na siya namang sinundan ko upang marinig ang kanilang pinag uusapan.

"Nakalimutan mo na naman ito." Sabi ni Dale at iniabot ang wand ni Melissa sa kanya, ngumiti si Melissa kay Dale.
"Salamat."

Akmang mag lalakad na si Melissa ng pagtingin niya sa harap niya ay nakatayo na sila Ariza, Ace at Kim at nakatingin sa kanya.

"Matapos ang gulong ginawa mo may kapal parin talaga ang mukha mo na pumasok pa rito." Natatawang sabi ni Ariza na nakasuot ng uniporme na pang council.

Hindi sumagot si Melissa sa sinabi ni Ariza,

"Hindi ka ba natatakot sa amo mo Dale? Isa siyang bata ng kadiliman." Wika naman ni Kim na nag pakunot sa nuo ko.

"Tigilan niyo na ang pag bibintang kay Melissa. Nakuha niyo na ang nais niyo sa kanya hindi ba? Siguro naman may karapatan parin siyang pumasok sa paaralan na ito para matuto." Pag tatanggol ni Dale kay Melissa.

"Talaga? Dale buksan mo ang isipan mo, pinag sisilbihan mo ang isang bata ng kadiliman, paano ko naaatim na sundin siya?" Tanong ni Ariza,

"Siguro tanggap mo sa sarili mo na isa ka naring bata ng kadiliman dahil naatim mong patayin ang isa sa mga council para sa amo mo." Wika naman ni Ace.

"Hindi ko pinatay ang council na tinutukoy niyo at walang ginagawang masama si Melissa sa inyo. Sa katunayan kayo ang may ginawang masama kay Melissa." Biglang natawa ang tatlo dahil sa sinabi ni Dale.

"Huwag mo nang ipagtanggol ang amo mong maitim ang budhi, dahil parehas niyo lang niloloko ang sarili niyo." Wika ni Ariza.

"Kitang kita ko kung paano mo patayin si Filip, mag pasalamat ka nalang sapagkat wala akong ibedensya na pwede ibigay sa mga autoridad para dakipin kayong dalawa." Wika ni Ariza.

Hindi ko naiintindihan kung bakit biglang naging ganito si Ariza kay Melissa, hindi ba't noong una ay magkaibigan sila, maging si Ace at Kim ay kaibigan nila Dale at Melissa pero bakit ngayon ay nag aaway sila?

"Hindi nga sabi ako ang—" hindi natuloy ni Dale ang sasabihin niya ng mag salita si Melissa.
"Tama na." Pigil ni Melissa sa familiar niya. Biglang ngumisi si Ariza.
"Bakit, natatakot ka na ba ngayon Melissa?" Tanong nito, tinignan lamang siya ni Melissa saka nag lakad palayo sa kanila dahilan para mas lalong magalit si Ariza.

"Hindi pa tayo tapos mag usap!" Iritang sabi ni Ariza at biglang hinila ang buhok ni Melissa, agad na rumesponde si Dale na hinarangan nila Kim at Ace, wala akong ibang magawa kundi ang panuorin kung paano saktan ni Ariza si Melissa na hindi lumalaban, ang kanyang emosyon ay walang nag bago ni hindi rin ito makikita sa mukha niya.

Ilan saglit pa ay biglang dumating ang mga taga higher member ng Walter, kumunot ang nuo ko ng makita ko ang nga mukha nila.

Sila yung mga matataas na opisyal ng Walter na kumausap sa akin sa head quarters noong nag iba ang mukha ko, anong ginagawa nila dito?

"Anong kaguluhan ito?" Tanong ng isa sa kanila, lumingon si Ariza sa kanilang lima habang si Melissa naman ay inaayos ang kanyang buhok at uniporme.

"Si Melissa ang naunang gumawa ng gulo." Tila kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi ni Ariza. "Bigla nalamang niya akong hinila at sinaktan kaya lumaban ako sa kanya." Dagdag niya.

"Hindi totoo yan!" Sigaw ko saka tumingin sa mga myembro ng opisyal ng Walter na ngayon ay nakatingin kay Melissa na hindi kumibo.

"Wala kang ibang ginawa kundi ang dumihan ang pangalan ng Walter." Wika ng isa sa kanila.
"Hindi mo ba naiisip na masyado ka nang nakakahiya at kinakahiya ka namin dahil nag aaral ka sa paaralan na ito."
"Hindi naman siya ang nag simula ng gulo!" Sigaw ko pero wala ni isa ang nakakarinig sa akin.

"Hindi mo ba naiisip na abot na sa kabilang bayan ang gulong ginagawa mo." Dagdag nito, tumingin ako kay Melissa na walang emosyon at nakikinig sa sermon ng isa sa myembro ng opisyal ng Walter.
"Kung ako po ang tatanungin nararapat na tanggalin siya sa paaralan na ito." Wika ni Kim.
"Ano? Eh hindi naman siya ang nanguna!" Sigaw ni Dale.
"Sino pa ang maniniwala sa inyo ngayon? Kung gumawa kayo ng isang bagay na kahiya hiya." Wika ng isang myembro ng opisyal ng Walter.
"Nakarating sa amin ang balita tungkol sa pag patay niyo kay Filip." Dagdag nito, "kaya naman tumawag kami ng mga awtoridas para ibigay kayo sa kanila."
"Ano? Wala kaming ginagawa ni Melissa!"
"Bitiwan niyo ako! Melissa!" Angal ni Dale ng may lumapit sa kanila na mga awtoridad at lagyan sila ng posas sa kamay.
"Wala kaming ginawang masama ni Melissa!"
"Sa batas nalamang kayo mag paliwanag."

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon