THIRD PERSON POV
"Alison, pupunta ka ba mamaya sa plaza?" Tanong ni Franxine sa kaibigan niya, matamlay na umiling si Alison habang nakatingin kay Franxine.
"Hindi, masama ang pakiramdam ko at sa tingin ko hindi kaya ng katawan ko na lumabas mamaya." Sagot ni Alison, nag pout si Franxine saka huminga ng malalim.
"Sige, mag pahinga ka nalamang ngayon, saka inumin mo ang gamot mo ah." Sabi ni Franxine at tumayo mula sa sofa na kinauupuan niya. "Kumain ka muna bago mo inomin ang gamot mo tapos matulog ka na pag tapos para gumaling ka kaagad." Bilin ni Franxine saka ngumiti sa kaibigan niya.
"Sige, mag enjoy kayo nila tito mamaya." Mahinang sabi ni Alison saka pinanuod na umalis sa bahay niya si Franxine, nang makaalis na si Franxine ay muli siyang humiga at pinikit ang kanyang mga mata.
Ilang araw na siyang may sakit at hindi niya alam kung bakit, maging ang mga doktor sa bayan ay hindi malalam kung ano ang sakit na meron si Alison.
Habang nakapikit ang mga mata ni Alison ay may mga boses siyang naririnig, boses ng isang babae.
"Me...li..s..sa.." Muling binuksan ni Alison ang mga mata niya nang marinig niya ang boses ng babae. Huminga siya ng malalim saka pinakalma ang kanyang sarili, ilang minuto matapos niyang kumalma ay napag desisyonan ni Alison na mag tungo sa kusina niya upang kumuha ng pagkain niya para makainom na siya ng gamot at tuloy tuloy na ang pagtulog niya mamaya.
Papalubog narin ang araw at ilang minuto nalang ay mag sisimula na ang kasiyahan sa plaza, nais man niya sumama pero ang katawan niya at ang sakit niya ay pinipigilan siya.
Nang makapag handa na si Alison ng kanyang pagkain ay tumulala muna siya.
"Me..li..s..sa.." muli niyang narinig ang boses ng isang babae.
"Sino ba ang Melissa na iyan?" Tanong niya, ilang minuto ang lumipas ay biglang humangin ng malakas,isang hindi ordinayong hangin ang pumasok sa loob ng bahay niya, kasabay noon ang biglaang pag patay sindi ng ilaw sa bahay niya.
"Anong.... nangyayare?.." Tanong niya habang pinapanuod na mag patay sindi ang ilaw sa loob ng bahay niya,
"El tiempo de la muerte esta cerca" Narinig ni Alison ang boses ng isang matandang lalaki, bigla siyang napatakip sa kanyang mga tenga ng paulit ulit niya iyong narinig.
Ilang minuto ang lumipas ay biglang nabasag ang mga bumbilya sa kanyang bahay kasabay noon ang pag pasok ng isang espirito sa katawan ni Alison.
Noong araw rin na iyon ay nagsasagawa ng ritual si Mr. Daniel sa kanyang kwarto, isang ritual na sa tingin niya ay tama upang maputol ang sumpa sa kanya.
"El tiempo de la muerte esta cerca" Bigkas niya ng paulit ulit sa harap ng bungo ni Melissa.
"El tiempo de la muerte esta cerca" Muli niyang bigkas at kasabay noon ang pag kulog ng malakas at pag buhos ng ulan.
Habang ang mga tao naman sa bayan ay mas lalong nasiyahan ng bumuhos ang ulan,
"Kuya Gian tignan mo iyon!" Masayang turo ni Franxine sa isang laruan na nakasabit.
"Gusto mo noon? Tara kunin natin." Sabi ng kuya ni Franxine saka pumunta sa boot kung saan naruon ang laruan na nais ni Franxine.
Sa kabilang panig ng plaza ang syang nag simula ang kaguluhan, Naruon si Alison na wala sa kanyang sarili at may hawak na punyal.
"The sun will rise, the moon will fill with blood, and the sky will cry like a puppet of an evil."
Sa bawat daan na madaraan ni Alison ay wala siyang tinitira na buhay, bata man o matanda, lahat ay kanyang sinasaksask at pinapatay.
''The evil work will rise and those who attempt to get in her way will die."
Lahat ng mga taong pipigil sa kanya ay kanya ring pinapatay, wala siyang tinitira.
Sa kabilang panig naman ay nag paalam si Franxine na mag tutungo lamang sa comfort room at iniwan ang kanyang kuya na magisang nag lalaro sa boot.
"Babalik rin ako agad." Nakangiting sabi ni Franxine saka iniwan ang kuya niya, saktong pag pasok niya sa comfort room ang siyang pag saksak ni Alison sa kuya ni Franxine na walang kamalay malay.
"The darkness will rise, the evil will rise, Melissa is awake hunting her preys and food."
Isang ngisi ang kumawala sa labi ni Alison ng makita niya na wala ng tao sa plaza at lahat ay naka hilata na sas sahig at naliligo sa kani kanilang mga dugo.
"El tiempo de la muerte esta cerca" Huling bigkas ni Mr. Daniel sa spell at kasabay noon ang dahan dahang paglabas ng mga ugat sa katawan ni Alison at pag papalit ng kanyang mukha.
Saktong lumabas si Franxine sa comfort room at nabigla ng matanaw niya ang isang babae hindi kalayuan sa kanya na tumatawa.
Napansin niya rin ang mga taong nakahiga sa sahig at mga dugong nag kalat.
"Kuya...tatay!" Sigaw ni Franxine ng makita niya ang mga katawan ng kuya at tatay niya sa sahig, akmang lalapitan na ni Franxine ang katawan ng kuya at tatay niya ng sa isang iglap ay nasa harap niya si Alison at nakangiti ng nakakatakot sa kanya.
"A-Alison...." Tawag ni Franxine sa kanya ng makilala niya kung sino ang nasa harap niya, agad siyang sinakal ni Alison at itinaas sa ere. Nag pumiglas si Franxine pero hindi sapat ang lakas niya.
"Melissa..." Bumulong si Mr. Daniel sa bungo ni Melissa dahilan para matigilan si Alison at mabitawan si Franxine.
Agad na hinabol ni Franxine ang kanyang paghinga at nakita niya na tumalikod mula sa kanya si Alison, kinuha niya ang opurtunidad na iyon para sana ay atakihin si Alison ngunit isang malakas na sigaw ang ginawa ni Alison at dahil doon ay tumilapon si Franxine sa pader ng comfort room at syang pagka bagok ng kanyang ulo sa isang bato dahilan para mawalan siya ng malay, habang si Alison naman ay biglang nanghina at matamlay na nag tungo pabalik sa kanyang bahay.
Wala siyang kamalay malay sa mga naganap, ang katawan niya ang ginamit upang muling mabuhay si Melissa.
Ang katawan ni Alison ang siyang naging dahilan para mamatay ang tatlong daang tao sa plaza at siyang muling pagkabuhay ni Melissa na matagal ng namatay.
Nang nasa bahay na si Alison ay saktong nawalan siya ng malay.
Kinabukasan ay tumambad sa mga autoridad ang mga katawan ng mga patay na tao sa plaza, wala silang mga ibedensyang nakalap at nakita, maging ang mga lead na sana ay mag tuturo sa taong may gawa noon ay nawala.
Habang si Alison naman ay nagising na masakit ang katawan at tila walang nangyare, nawala din ang bakas ng dugo sa kanyang katawan at ang damit niya ay himalay nasa labahan na. Bumuti narin ang kalagayan niya.
Ang hindi niya maunawaan ay sino ang lalaking nakita niya sa panaginip niya.
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?