Chapter 35: Dale

48 3 0
                                    

"Pasok ka." Paanyaya ni David sa akin ng buksan niya ang pinto ng bahay niya, nauna siyang pumasok at inayos ang ilang bagay na magulo sa loob.

Habang ako naman ay sinusuri ang bahay niya, katamtamang laki lamang ito pero pwede narin dahil siya lang naman ang mag isang naninirahan dito. May mini sala siya, may kusina at katabi ng sala niya ang kwarto niya.

"Upo ka, pasensya na hindi ako nakapag ayos at madumi ang paligid, biglaan kasi." Sabi niya kaya tinignan ko siya.

"Hindi pa ito maayos para sayo? "Tanong ko at natawa. "Sa totoo lang ay mas madumi pa ang bahay ko kesa sayo." Dagdag ko, narinig kong natawa siya.

"Anong gusto mong pagkain? gusto mo ba ng juice?" Tanong niya.

"Napaka welcoming person mo naman." Natatawa kong sabi.

Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Hindi kasi ako sanay na may bumibisita sa akin dito sa bahay, sa totoo lang ikaw palang ang unang babaeng dinala ko dito." Dagdag niya kaya mas lalo akong natawa.

"Okay na ako sa sandwich at juice." Sabi ko saka siya pinanuod na mag tungo sa kusina niya. Dahil magkalapit naman narin ang kusina niya at sala niya ay pinanuod ko siya kung paano siya mag handa ng pagkain.

Matapos ang ilang minuto ay inilapag niya sa harap ko ang inihanda niyang miryenda.

"Mag papalit na muna ako ng damit." Sabi niya kaya tumango ako bilang pagsangayon saka sinimulang kainin ang inihanda niya.

Ilang minuto ang lumipas ay muli siyang bumalik sa sala kung saan naruruon ako at nakaupo, nakapag bihis narin siya ng pang bahay.

"Ano nga pala ang sasabihin mo?" Tanong ko kaya muling nag seryoso ang awra niya saka umupo sa harap ko.

"Bakit ba napaka seryoso ng awra mo?" Tanong ko saka uminom ng juice na ibinigay niya sa akin.

"Hindi ko alam kung maniniwala ka ba sa akin." Sabi niya kaya agad kong binaba ang hawak kong baso.

"Ayan ka na naman sa pa suspense mo, sabihin mo nalang ng deretso." Sabi ko, huminga siya ng malalim saka tumingin sa mga mata ko ng seryoso.

"Alison... sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ito." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim.

"Iniisip mo ba na ijajudge kita? David, ikaw lang ang syang tangi na naniwala sa akin tungkol kay Melissa." Sabi ko kaya ngumiti siya sa akin ng malumanay.

"Tungkol saan ba ang sasabihin mo?" Tanong ko.

"Tungkol kay Melissa." Sabi niya kaya natigilan ako at biglang nag seryoso.

"Ano ang tungkol kay Melissa?" Tanong ko, nakita ko na tinitigan niya muna ako bago sya nag salita.

"Si Dale.." Sabi niya saka umiwas ng tingin. "Ako si Dale." Dagdag niya na mas lalong nag patigil sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang tamang maging reaksyon sa sinabi niya, hindi ko alam kung nantitrip lang ba siya o ano, pero seryoso siya, seryoso ang mga mata niya.

"Ako ang... familiar ni Melissa." Dagdag niya, "Alam kong mahirap paniwalaan ngunit nag sasabi ako ng totoo, sa screening na ginanap sa akin, kaya hindi ako mabasa ng system ng maayos ay dahil sa dati na akong mag aaral dito sa Walter at kasama ko pa noon si Melissa." Kwento niya.

"Naging ganoon ang resulta sa akin dahil ginamit ko ang kapangyarihan ko sa taong nag cocontrol sa screening noong mga oras na iyon, dapat ang magiging resulta ay 'Old student' pero kinontrol ko ang taong naruon at nilagay na '98% non- human, 2% Human" Pag amin nya.

Nanatili akong nakatitig kay David, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa mga sinabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin, ni hindi ko nga alam kung totoo ang mga sinasabi niya.

"Kung totoo ang mga sinabi..." tumingin ako sa kanya, "bakit hindi ka kilala nila Ariza?" Tanong ko

"Dahil sa proteksyon na binigay sa akin ni Melissa." Sabi niya kaya natigilan ako.
"Noong una akala ko sinumpa nya ako dahil ako ang pumaslang sa kanya, pero ang totoo matapos mong ikwento sa akin ang mga nakita mo sa buhay niya nalinawan ako na binigyan nya lamang ako ng proteksyon." Sabi niya kaya natahimik ako.

"Kung totoong ikaw si Dale... ano ang dahilan kung bakit hinabol ng taong bayan si Melissa?" Tanong ko, ngumiti siya ng malungkot sa akin.

"Dahil napag bintangan siya na siya ang pumatay kay Filip." Sabi niya dahilan para matigilan ako, sya nga si Dale.

"Ikaw nga si Dale.." sabi ko. "Ngunit bakit mo pinaslang si Melissa?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim, dama ko ang lungkot na dumadaloy kay David ngayon.
"Sapagkat akala ko siya ang pumaslang sa mga kauri ko." Pag kasabi nya noon ay inilabas niya ang pangil niya bilang simbolo na nag sasabi nga siya ng totoo.

"Sinabi sa akin ni Kim na si Melissa ang pumatay sa mga kauri ko, na syang naging dahilan para magalit ako kay Melissa." Kwento niya, "Ngunit nalaman ko na hindi sya ang pumaslang sa mga kagaya ko kundi si Mr. Daniel." Dagdag niya dahilan para matigilan ako.

"Matapos kong paslangin si Melissa ay sinabi sa akin ng isang nakaligtas kung paano niya sunugin ang kuta naming mga Knight vampire, kung paano niya papuntahin si Melissa sa nasusunog na lugar at kung paano siya nakita nila Kim." Dagdag niya.

"Sinabi nya sa akin na tutulungan sana sila ni Melissa ngunit sinaktan siya nila Kim dahil ang akala nila ay sya ang may gawa ng gulo." Kwento niya, nakita ko na namuo ang luha niya.

"Buong akala ko siya ang may gawa noon, kaya naman hanggang ngayon dala dala ko parin ang pag sisisi na siya ay aking pinaslang. " dagdag niya.

"Ngunit gaya ng sinabi ko, si Melissa ay hindi nagalit sayo." Sabi ko kaya lumingon siya sa akin

"Alam ko, at syang bagay na pinag sisisihan ko." Sabi niya, pinag masdan ko lamang siya.

"Ibig sabihin ang edad mo..."

"121 years old." Sabi niya kaya namangha ako.

"Ang sabi sa akin ni Melissa, natural lamang sa aming mga bampira ang magkaruon ng matagal na buhay." Sabi niya kaya napangiti ako,

"Nakita ko kung paano mo protektahan si Melissa."sabi ko kaya natigilan siya.
"Gagawin mo rin ba sa akin iyon?" Tanong ko, tumingin siya sa akin at tumango bilang sagot.

"Syempre naman, lalo na ngayon at kamukha mo siya, hindi mo alam kung gaano ako kasaya na makita siya ngayon sa katauhan mo, ang mukha niya ang laging nasa isip ko." Sabi niya kaya napangiti ako.

"Hindi ko alam kung anong pangalan ang itatawag ko sayo."

"David na lamang." Sabi niya kaya napangiti ako.

"David. May alam ka ba kung ano ang nangyare sa aksedente noong nakaraang taon kung saan namatay ang tatlong daang tao?" Tanong ko kaya unti unting nawala ang ngiti niya sa kanyang labi habang nakatingin sa akin

The Cursed of MelissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon