Kinabukasan, maaga palang ay nasa Walter Academy na kami nila Franxine dahil sinabi sa amin ni Ace na kailangan maaga kaming pumasok ng sa ganon ay makapag handa pa kami para sa mga darating na mga representative ng bawat paaralan.
"Excited ka na ba makita mga makakalaban natin bukas?" Tanong ni Franxine sa akin habang papasok kami sa gate ng Walter, natawa ako saka tumingin sa dinaraanan namin.
"Siguro? Hindi ko alam." Sagot ko.
"Si Wayne kamo ang excited kase may makikita na naman siyang bagong babae." Sabi ni David kaya natawa kami.
"Ang lakas ng apog mo David," asar na sabi ni Wayne habang nakangiti, in fairness naman sa kanila, naging magkaibigan na silang dalawa, mabuti iyon.
Nang makapasok na kami sa paaralan, agad kaming dumeretso papunta sa head quarters ng council kung saan naruon si Ace.
Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang sinapit ni Melissa sa kanila, sa tuwing makikita ko sila ay mag iinit ang ulo ko.
May kung anong sinabi sa amin si Ace na paalala bago kami tuluyang nag tungo sa field kung saan ay tutulong muna kami sa pag aayos doon nang sa ganon ay mapabilis ang pag lalagay ng dekorasyon, ilang oras nalang din at darating na ang mga taga ibang school kaya kailangan naming mag doble sa pag aayos.
"Balita ko tatlong paaralan ang makakalaban natin sa laro." Sabi ni Franxine kaya tumingin ako sa kanya.
"Ang lakas naman ng tenga mo." Asar ko kaya lumingon siya sa akin at natawa.
"Syempre, ako ata si Franxine ang dakilang tsismosasa seksyon natin." Panggagatong niya kaya mas lalo akong natawa.
"Ms. Ferrer." Sabay kaming lumingon ni Franxine sa tumawag sa akin, si Ariza. Ang aga aga narito na naman siya para hiramin ako sa mga kaibigan ko. Ni hindi na nag bago ang istilo na yan sa tuwing may gusto siyang sabihin sa akin.
"Pwede ka bang makausap?" Tanong niya kaya naman tumingin ako kay Franxine na tumango lang sa akin bilang pag payag, tumingin ako muli kay Ariza.
"Sige," sabi ko saka binitawan ang hawak kong dekorasyon, sumunod ako kay Ariza na pumunta sa gilid ng field, humarap siya sa akin at tinignan ako.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"tanong niya.
"Ayos lang naman." Sabi ko.
"Yung tungkol sa nangyare sayo, "sabi niya kaya naman umiwas ako ng tingin. "Pwede mo bang sabihin sa akin kung anong nangyare?" Tanong niya, hindi ko siya agad sinagot dahil una, iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang lahat ng mga nakita ko, pangalawa kung anong mangyayare sa akin sa oras na sinabi ko kung ano ang mga nakita ko.
Hindi ko alam kung kaaway o kakampi sila sa panahon na ito, isa lang ang malinaw sa akin, at iyon ay ang sinaktan nila si Melissa.
"Hindi ko alam, bigla nalamang ako nahilo." Pag sisinungaling ko, tumingin sa mga mata ko si Ariza saka huminga ng malalim.
"Ganon ba? Wala ka bang nakita tungkol kay Melissa?" Tanong niya, bakit niya naman tinatanong kung meron?
"Wala, simula ng isinuot ko ang kwintas na binigay mo sa akin ay wala na akong ibang nakita tungkol kay Melissa." Sabi ko, "Aksedente ko lamang nahubad ang kwintas na binigay mo noong nag papractice kami." Dagdag ko. Tumango tango siya sa akin saka ngumiti.
"Mabuti naman kung ganon, sige, maiwan na kita." Sabi niya saka tumalikod sa akin, pinanuod ko siya na maglakad palayo sa akin, hindi ko munawaan kung bakit hindi nya ako kinulit ngayon na sabihin kung ano ang mga nakita ko.
Ilang oras ang lumipas ay dumating na ang ilan sa mga manlalaro na galing sa ibang paaralan, lahat ng mga studyante ng Walter ay manunuod ngayon sa amin dahil ipapakilala nila ang mga manlalaro ng bawat school.
"Busog na naman ang mga mata ni Wayne," sabi ni David kaya lumingon ako sa kanilang dalawa at natawa.
"Madami na naman siyang lalandiin sa laro, panigurado yan." Wika ni Franxine kaya natawa ako.
"Good day students of Walter Academy." Bati ni Ariza na siyang mag ho-host ng event ngayon.
"Today is the day na makikilala natin ang mga representative ng bawat paaralan." Nakangiting sabi ni Ariza sa mga nakikinig na studyante ng Walter academy.
"Let's all welcome the players of Muntellio High!" Wika ni Ariza at sabay noon ang paglabas ng pitong manlalaro.
"Their captain, Stormi, their healer, Agazi, the supports, Fellope and Gazer, The fighters, Miki and Wini and their Mistress, Halo!" Napansin ko na binabanggit ni Ariza ang mga posisyon ng bawat manlalaro, sa team na unang binabggit niya Dalawa lang ang lalaki at ang captain nila ay babae.
"For next school, let as all welcome the players of Aribe High!" Mula ulit sa lugar kung saan lumabas ang naunang grupo ay muling lumabas ang pangalawang grupo.
"Their captain, Castro, Their Healer, Montel, The fughters, Kit and Win, the supports Dave and Mave and their Mistress, Cath!" Sa sumunod na grupo, iisa lang ang babae at iyon ay ang Mistress nila, malalaki ang katawan ng mga lalaking myembro na siyang pinag tripan ng dalawang engot na katabi ko.
"For next school let us all welcome the players of Beta University!" Sa grupong ito puro babae naman ang lumabas.
"Their Captain, Melli, Their healer, Kath, the supports Sam and Din, the fighters Pia and Tea and their mistress Vianna!"
"Tayo na ang susunod," lumingon ako sa nag salita, si Ace na nasa tabi ko pala.
Biglang uminit ang dugo ko nang makita ko kung gaano kalapit ang agwat namin, agad akong umatras palayo sa kanya na siya namang napansin nya.
"And last but not the least, the players of Walter Academy!" Dumagundong ang fields ng sumigaw ang mga taga Walter, agad kaming lumabas sa stage at tumingin sa mga makakalaban namin.
"Their Captain, Ace, Their Healer, Sean, The support David and Franxine, the Fighters Maja and Wayne and their Mistress, Alison!" Tumingin ako sa katabi ko,
"Ano ang ginagawa ng mistress?" Tanong ko, lumingon sa akin si Franxine.
"Base sa sinabi sa amin ni Ace ang Mistress ang syang tatapos sa laban." Sagot niya kaya tumango ako.
Muli akong napalingon sa dereksyon ng mga representative ng ibang school, nakangiti sila at kumakaway sa mga studyante na humahanga sa kanila
"They're the representatives and schools na mag lalaban laban para sa gaganapin na Hymn Game bukas!" Nag palakpakan ang mga studyante, hindi nakawala sa paningin ko ang isang babae na nasa tabi ng isang manunuod, si Melissa, nakangiti siya sa akin, isang ngiti na totoo
![](https://img.wattpad.com/cover/326644444-288-k285460.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cursed of Melissa
Fantasy|Completed| Melissa, the mysterious name that everyone in the town is afraid to talk with. They say Melissa is a monster, some say Melisa is an evil witch, some say Melissa is a craft demon and bound with a cursed. But who Melissa is?